Chapter: 24

36 2 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 24

Nag ikot-ikot ako sa lugar kung saan lang  ako mapadpad, napansin ko ang isang botika. May biglang pumasok sa aking isipan kaya mabilis akong pumasok doon.

~

"Wala ka ng pambayad! Bumabagsak na din ang negosyo mo!"

Naiinis na lumingon si George itinulak ito.

"Aba palaban ka talaga!" 

"Subukan mo!" Sabay tutok nito ng baril

"Mayabang ka lang George at may baril ka!" Sigaw niti

"Pero ito ang tandaan mo, wala ka nang kakapitan! Patay na si Ambasador!" Dagdag nito at talikod.

Nanggigigil na naupo si George, minalas na ang kanyang programa. Tanging si Liberty ang hinahanap ng mga ito, 

"Si Eva ang swerte sa akin, naghatid siya ng limpak-limpak kailangan mahanap ko siya." Bulong niya.

Nasa labas ako at pinagmamasdan ang pagmumukmok ni George, hindi ko maiwasan ang hindi mapangiti lalu at tila lumulubog na siya.

"Kinuha mo sa akin ang lahat, pwes kukunin ko naman ang parte ko." Bulong ko.

~

Maagang umuwi si George, tila pagod na din siya mabuti na lamang at ngayon ay may bumili sa kanyang mga babae.

Pagkapasok ay agad na dumiretso sa kanyang lagayn ng alak, kumuha siya ng inumin at mabilis na ininom. Tinangay niya ang bote ngunit tila nakaramdam siya nang pamamanhid, agad na nabitawan ang bote at natumba ang kanyang katawan.

"Anung nangyayari sa akin!" Sigaw niya na halos tila napaparalisa ang buong katawan.

"Kamusta George?" 

Napatingin siya sa babaeng lumitaw na walang iba kundi si Eva.

"Anung ginawa mo sakin!" 

Ngumiti ako at lumapit.

"Hindi ka yata nasasabik na makita ako?" Mas lalu akong lumapit at naupo malapit sa kanyang tabi, nilabas ko ang martilyo na nasa likuran ko. At malakas na hinampas ang mga binti niya.

Tila hindi lamang nakaramdam ng sakit si George,

"Di ba ganito ka kamanhid? Walang nararamdamang sakit?" 

"Eva, tigilan mo na to. Pag usapan natin! Pera ba kailangan mo?,pa-pangako ibabalik ko ang mga pera mo!"

"Hindi ko na kailangan ng pera George." Sabay titig sa kanya

"Hindi ko na kailangan, dahil pinatay mo ang kapatid ko, pinatay ninyo sa pagdurusa! Kayong dalawa ni Maribel!" Sabay hampas muli sa kabilang binti niya ng martilyo.

"Kasalanan lahat ni Maribel yun, maniwala ka! Wala akong alam!" Sagot nito na puno ng pagmamakaawa.

"Parehas lang kayo." Sagot ko at nilabas ang pang turok.

"Alam mo kung anu to?" 

"Eva, Eva pakiusap!" 

"Ngayon nakikiusap ka? Samantala ng pinahihirapan mo si Emil, ilang beses ako nakiusap sayo? Ilang beses mong binalewala ang mga luha ko?" 

"Patawarin mo ako!" Naiiyak na si George tila kumikirot na din ang mga binti nawawala na ang gamot.

"Nag iisang lalaki na minahal ako at minahal ko, ang lalaking tumanggap sa akin. Pinatay mo ang ama ng magiging anak ko." Tumulo ang luha sa aking mata, luha ito dahil malapit ko na makamit ang katarungan para kay Emil.

Dahan-dahan ko itinurok ang gamot na nabili ko kanina, uunti-untiin ang mga kalamnan ni George hanggang sa mamatay.

"Eva."

"Mamatay kang mag isa, walang ibang kasama. At pati kaluluwa mo ay susunugin sa impyerno kasama ni Maribel."  Sabay saksak sa dibdib niya tila hindi ako nakuntento, baka hindi tumalab ang lason na itinurok gusto ko masiguro na patay siya.

"Ev-e-eva." Halos napupugto na ang kanyang hininga lalu at madiin ang at inikot-ikot nito ang panaksak.

"Tanda mo, ganito mo sinasaksak si Emil " bulong ko at tinitigan siya.

"Para eto kay Magda, kay Emil at sa akin. Sa lahat nang kasalanang ginawa mo sakin." Nakita kong tumulo na ang dugo sa labi ni George at pumikit unti-unti.

"Eva, mahal kita." Wika nito na halos mapapikit na.

Tumindig ako at itinapon ang patalim sa tabi niya.

"Nakakamatay ang pagmamahal." Wika ko at tumalikod na.

Nagtungo ako sa kusina, binuhusan ko ang buong bahay ng gasolina. Gusto ko na walang ebidensya na makukuha at sinisgurado ko lamang na patay na talaga si George, sinindihan ko ang posporo.

"Nasa lupa ka pa lang sinusunog ka na." Sabat tapon nito. 

Mabilis akong lumabas at lumakad palayo, lumingon lang ako ng malayo na sa lugar. Kumakalat na ang apoy, niyakap ko ang sarili ngayon masasabi ko na malaya na ako.

~

Pinalipas ko ang halos isang linggo, nagtyaga ako sa malayong lugar. Naghanap ng mapapasukan, kailangan ko ng matitirahan para na din sa kakigtasan namin mag ina.

Sa gabi ay hindi ako dalawin ng antok, yakap-yakap ko ang bandana ni Emil pumapasok na sa ika-lima ang aking tiyan.

Mabait naman ang aking mga kasamahan, madalas na inaalalayan ako dahil na din sa kalagayan ko.

"Mas masaya sana ako anak. Kung buhay lamang ang iyong ama." Bulong ko at hinaplos ang malaki kong tiyan.

Isang buntong-hininga ang aking pinakawalan, muli akong tumingin sa bintana.

Pinagmasdan ko ang mga batang naglalaro sa labas, bigla ko din naalala si Magda at ang mamasaya naming pagsasama.

"Kung nasaan ka man, may pamangkin ka na. Sayang hindi mo siya makikilala." Bulong ko at malungkot na ngumiti.


#AuthorCombsmania



The Immigrant ( Completed story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon