Chapter: 20

26 2 0
                                    

The Immigrant

Chapter: 20

"Saglit!" Sigaw ni George, lagi na lamang siya umiinom dahil muling humina ang kanyang programa sa pagkawala ni Eva.

Pagkabukas ng pintuan ay agad na sumalubong ang isang suntok kay George bumulagta siya sa sahig.

Muling sumugod si Emil at pinilit na itayo ito sabay muling unday ng suntok. Hindi niya ito tinigilan.

Lumabas naman ang mga kababaihan

"Emil tama na!" Awat sa kanila at mabilis na pinaghiwalay sila,

"Tumawag kayo ng pulis!" Sigaw nang isa.

Pumalag si George, muling susugod si Emil ngunit naglabas ito ng patalim.

Mabilis ko nakita yun kaya agad na niyakap ko si Emil.

"Eva!" Tawag niya sa pangalan nito at nagtataka na magkasama ang dalawa,

"Anu ibig sabihin nito?" 

Hindi ako umimik at naging matigas ang aking awra.

"Sumama ka sa lalaking yan? Ako na tumutulong sayo para sa kapatid mo!" Sumbat ni George.

"Traidor pala ang Eva na yan!" Sabat din ni Maribel.

May nakita akong gunting sa gilid at mabilis na itinutok sa kanila tila nawala na ang takot ko muka malaman ko ang nangyari kay Magda, mas lalu ko itinutok yun kay Maribel.

"Traidor?" Sabay tingin kay George.

"Tulong?"  Natawa ako bigla sa mga pinagsasabi ng mga taong ito, ngunit gumilid din ang luha ko.

"Ang gagaling ninyo, sobra! Lalu ka na Maribel!" Sigaw ko at itinutok ang hawak kong gunting na bakal.

"Malaki-laki ito ay kaya ko itarak sa dibdib mo." Nanggigil kong sabi.

"Eva,anu bang pinagsasabi mo. Bitawan mo na yan at sumama na sa amin." Malumanay na sabat ni George.

Umiling ako

"Hindi ako kailanman sasama na sayo, dahil patay na si Magda!" Madiin kong sabi sa pangalan ng kapatid.

"Pinatay niyo siya!" Sigaw ko

"Anu bang sinasabi mo, nagpapadala tayo ng pera para sa kanya." Giit ni George 

"Patay na kapatid ko, kaya hindi ko kailangan manatiku dito. Mag kanya-kanya na tayo pero bago ang lahat, ibigay mo sa akin lahat ng kinita ng katawang ito!"

"Eva, wala ako maibibigay sa ngayon naubos na at mga pangangailangan pati kagamitan. Isa pa hindi pwedeng hindi ka bumalik."

Lumapit na si Emil at hinawakan ang kamay ni Eva. Inilagay niya ito sa kanyang likuran,

"Hindi mo na siya pagmamay ari ngayon George, lalung hindi na din ako papayag sa mga gagawin mo para sa babaeng mahal ko!" Sigaw nito.

Galit na galit si George at muling sinugod si Emil, mabilis naman itong nakailag at nahawakan ang patalim sabay tapon.

Muling nagbuno ang dalawang lalaki at sakto naman na may mga dumating na pulis.

Pinaghiwalay sila at parehas dinakip.

"Hindi pa tayo tapos Emil!" Sigaw ni George habang hawak ang kanyang mga kamay at nilagay sa likod.

Naunang inilabas si Emil at kasunod si George.

"Kasalana mo eto!" Sigaw ni Maribel at susugod sana kay Eva.

"Sige, subukan mo!" Na tinutok muli ang hawak niya

Napatigil naman si Maribel.

"Malaki ang atraso mo sakin at pag gawa ng mga likhang sulat na kunwari ay si Magda ang nagpapadala!" 

Napalunok si Maribel, hindi niya akalain na malalaman lahat ang gawa niya.

"Eva, alam namin na mabait ka bitawan mo na yan iha at sundan muna si Emil." Sabat ni Beth na may pinaka may edad sa lahat.

"Babalik ako, babalikan ko ang pera ko! Kaya dapat ilabas mo lahat ng pinaghirapan ko!" Sagot ko at mabilis na nilapag sa gilid ang gunting sabay labas sa bahay ni George.

Tila nakahinga naman si Maribel ngunit pansin niya ang masamang tingin ni Beth sa kanya.

"Bakit mo ginawa yun? Namatay ang kapatid niya dahil sa gawa ninyo ni George!"

"Walang alam si George, talagang pinapadala nila sakin ang pera at telegrama. Kaso ay kailangan ko din ng pera, wala ng bumibili sa akin hindi tulad ni Eva na tila pinag aagawan ng mga kalalakihan!"

"Mali pa din ang ginawa mo! Buhay ang nakataya sa ginawa mo!"

"Anung mali duon!" Sigaw din nito, ngunit isang sampal ang ipinadapo ni Beth kay Maribel.

"Kahit nagbebenta tayo ng katawan hindi natin kailangan na magkadugawan. Pinaghirapan ng katawan ni Eva yun para sa kapatid niyang may sakit, hindi natin siya masisisi." Sagot nito sabay talikod.

Napahawak siya sa kanyang mukha ang galit na galit na naiisip ang ginawa ni Eva.

~

Nasa labas lamang ako ng presinto at hinihintay si Emil, sabi ni Harold ay makakawala ito agad hindi tulad ni George dahil may patalim ito.

Napahinga ako ng malalim, tila nagiging matapang na ako at lumalaban na para sa aking sarili na lamang, muli ako nalungkot ng maalala si Magda. 

Awang-awa ako sa kapatid ko dahil wala ako sa tabi niya habang nagdurusa siya, pakiramdam ko lagi niya tinatawag ang pangalan ko.

"Eva?" 

Napatayo ako at mabili na lumapit sabay yakap kay Emil.

"Kanina ka pa ba?, dapat sa bahay ka na lang naghinta malamig dito." 

Umiling ako at malungkot na ngumiti sa kanya,

"Ayoko mag-isa kaya hinintay nakita dito."

Hinubad ni Emil ang bandana na nasa kanyang leeg at siya mismo ang nag ayos nito sa leeg ni Eva para mabawasan ang lamig na nararamdaman nito.

"Di ba paborito mo etong bandana?" 

"Oo, swerte sa akin ito lalu kapag nasa programa ako. Pero mula ngayon ibibigay ko to sayo, para maging maswerte ka sa araw-araw." Sabay halik sa labi ni Eva.

"Halika na." Sabay akbay niya kay Eva

"Emil, iniisip ko lang ang mga dokumento ko?" 

"Huwag mo na isipin yun, ipapaayos ko lahat kay Harold ang mga dokumento mo para maging legal ka na dito sa america." Sagot niya at ngumiti.

"Salamat mahal."sagot ko at sumandal habang kami ay naglalakad.


#AuthorCombsmania

The Immigrant ( Completed story)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें