Chapter: 10

36 2 0
                                    

The Immigrant 

Chapter: 10

Dinala ni Emil sa kanyang bahay si Eva, pansin niya nakatulog ito marahil sa alak na nainom. Agad din niya napansin ang pamumula ng pisngi marahil sa natamo nitong sampal.

Napailing na lamang siya at tumayo, agad siyang lumabas.

"Brena!" Tawag ni Emil.

Agad na may lumabas na babae na nasa edad beinte-cuatro ang edad.

"Bakit po?"

Ngumiti si Emil,

"Mayroon akong bisita, kailangan lang niya makapag-palit ng damit pantulog. Baka maaring pakitulungan dahil nakatulog na siya?"

"Wala pong problema Ginoong Emil." Ngiti nito at tumalikod na.

Napa-buntong hininga na lamang si Emil at naisip na magluto nang mainit na sabaw, upang mainitan ng sikmura ni Eva kapag ito ay nagising.

~

Nang magtungo si Brena ay agad niyang nakita ang babaeng nakahiga doon, payapa ang mukha nito na tila mahimbing ang pagkakatulog. Agad niyang pinunasan ang mukha nang katamtamang may init na tubig upang kahit pa'no ay mahimasmasan, sinunod ang mga braso. 

Maya-maya hinubadan na nang damit si Eva para mapalitan ito ng damit pantulog. May mantsa din ng suka ang mga damit nito kaya kailangan talaga palitan.

Kakatapos lamang ni Emil nang makita na si Brena, kalalabas lamang nito sa kwarto kung saan niya pinatulog si Eva.

"Tulog pa din ba siya?" Tanong niya 

"Opo, mukhang masarap ang kanyang tulog."

"Maraming salamat Brena, sige magpahinga ka na"

Tumango lamang ito at muling tumalikod na.

Hindi muna nagsandok si Emil ng mainit sabaw at siguradong lalamig lamang iyon dahil hindi pa ito nagigising.

Pagka-pasok ay agad niyang napansin na naka-kumot ito at masarap pa din ang tulog, napatingin ako sa orasan na nakapatong. 

"Alas diyes na." Bulong niya at naupo sa gilid ng kama, 

Pinagmasdan niya muli si Eva, talagang napakasimple ng kagandahan nito na kahit na sinong kalalakihan ay mahuhumaling talaga.

Kaya nga kahit siya ay napukaw nito dahil may kakaibang ganda.

"Bakit kasi kay George ka pa napunta." Bulong niya na puno nang panghihinayang, may napansin siya sa braso nito at nakita niya ang tila pasa.

Bigla siya napakunot ng noo, gusto sana niya itong gisingin at tanungin ngunit mahimbing ang tulog at ayaw niya maistorbo.

"Lintek lamang ang gumawa nito sayo Eva." Bulon niya at hinaplos ang buhok nito.

~

Dahan-dahan akong dumilat, tila sobrang sakit ng ulo ko at tila hindi ko matandaan ang mga naganap.

Agad ako napanbangon, 

"Naalala ko, may sumampal sakin at parang binayaran ni Emil si George." Bulong ko, ganun na lamang ang aking pagka- bigla dahil wala ako sa aming tinutuluyan.

"Gising ka na pala."

Lumingon ako at nakita si Emil sa pintuan, nakangiti ito at agad na pumasok.

Naupo naman si Emil sa gilid ng kama.

"Kamusta pakiramdam mo?"

"Sumasakit konte ang ulo ko."

"Iniinit ko lamang ang sabaw, kailangan mo makahigop para kahit pa'no mahimasmasan ka."

"Anung, oras na?" Bigla kong naitanong 

"Alas dos nang madaling-araw. Magpahinga ka lang dito." Tumayo na si Emil at tumalikod para lumabas.

Napahinga ako ng malalim at napailing, sigurado ako na nasira ang programa ni George. Pero nagpapa- salamat din ako at andiyan si Emil, napatigil ako at lumingon sa pintunan ng makitang pumasok si Emil. May dala itong tray at mangkok na siguradong may sabaw, naamoy ko yun at bigla ako. Nakaramdam ng gutom.

"Kumain ka na muna at mag-pahinga muli." Wika ni Emil at nilapag na sa mesita ang tray.

"Emil, salamat. Pero di ba binayaran mo ang gabi ko kay George?" 

Ngumiti siya kay Eva.

"Oo binayaran ko, pero hindi ibig sabihin na kailangan mo pa ako paligayahin. Hindi kita kinuha para doon, ang gusto ko ay makapg pahinga ka." Paliwanag niya at tingin muli kay Eva

"At, pinapalitan na din kita ng damit sa aking katiwala. Para mas lalu kang mahimbing na makakatulog." Dagdag niya

Napatitig na naman ako sa kanya, bakit ba sobra ang kabaitan na ginagawa nito sa akin. Pero napaka-swerte ko dahil nakilala ko siya.

"Salamat Emil." Buong puso kong pasasalamat.

Ngumiti lamang si Emil at naalala niya ang pasa na nakita sa braso nito kanina.

"Siya nga pala, bakit ka may pasa sa braso.?"

Bigla akong nalungkot, nakuba ko ito sa isang bumili sa'kin.

Tila naintindihan naman iyon ni Emil, kaya naupo na muli siya sa gilid ng kama.

"Eva, sinabi ko naman sayo na tutulungan kita."

"Salamat Emil, pero sa ngayon kailangan ko muna talagang dumikit kay George." Gusto ko na makawala at tanggapin ang alok nitong tulong, ngunit mahihirapan siya at hawak nito ang lahat ng dokument niya.

Tumango na lamang si Emil at hinaplos ang kanyang sabay maliit na pisil sa baba ni Eva.

"Kumain at pagkatapos ay magpahinga, babalik na ako sa kwarto." Muli na siyang tumayo at tumalikod.

"Emil."

Huminto siya at lumingon.

"Bakit?" 

"Hindi ko alam kung pa'no ako makakabawi, pero gusto ko na malaman mong, napaka-swerte ko dahil nakilala kita at kahit pano ay napapangiti mo ako." Sabay ngiti.

Gumanti siya ng ngiti kay Eva.

"Ako din. At salamat dahil napapangiti kita. Sige, kumain ka na muna." 

Tumalikod na ito at tuluyang lumabas, kinuha ko ang mangkok at tinikman iyon. Napakasarap, parang ngayon lang ako nakatikim ng ganitong pagkain.

"Ang swerte nang magiging kabiyak ni Emil. Pero, meron na kaya siyang nobya?" Bulong ko at muling tinuloy ang pagkain.


#AuthorCombsmania

The Immigrant ( Completed story)Where stories live. Discover now