Special Chapter #1

528K 9.9K 1.6K
                                    

Special Chapter #1 CHRISTMAS EVE

 

NATHAN's POV

4PM ako nakauwi ng bahay. Maaga akong nakaalis sa trabaho dahil Christmas Eve ngayon. Speaking of Christmas Eve, kanina pa sumasakit ang ulo ko sa kakaisip ng maireregalo kay Kulet. Takte naman oh!

Pagpasok ko sa bahay, naabutan ko sina Prince at Keith na inaayos 'yung mga regalo sa ilalim ng Christmas Tree. Tumikhim ako para kunin ang atensyon nila, kaya naman mabilis silang lumingon sa direksyon ko.

"Papa!"

Unang tumakbo sa akin si Keith, ang anak kong babae na five years old na. Dapat talaga Princess Kate ang ipapangalan namin sa kanya noon pero dahil Keith ang gusto ni Kaye Anne, eh 'yun ang nasunod. Marami tuloy ang nakapagsabi na parang panlalaki ang pangalan niya. Yae na nga! Ayos na rin 'yon dahil pinagsamang pangalan naman ni Kulet ang 'Keith'.

"Where's my gift?" tanong ni Keith.

Lumapit naman sa amin si Prince Ethan, ang 10 years old kong anak na binata na kung kumilos. Madalas ko nga siyang pagsabihan na 'wag magmamadaling magbinata. Aba'y kebata-bata pa! Hindi naman ako ganyan noong kabataan ko. Haha!

"Pa, 'yung gift ko? Skateboard diba po?"

Nagtaas-baba ang balikat ko bago ako ngumiti ng nakakaloko. "Yung regalo niyo muna sa akin?" biro ko. Nagpout naman sila. Takte, ginagaya tuloy nila ang Mama nila kapag nagtatampo siya sa akin. "Joke lang. Now that you've mentioned it, naiwan ko nga pala ang gifts niyo sa kotse ko. Ilalabas ko nalang mamayang Noche buena, okay?"

"Yey!" "I'm excited!"

Seryoso ako na may regalo ako sa kanilang dalawa. Hindi na ako nahirapan na regaluhan sila dahil lagi nilang hinihiling sa akin ang iPad para kay Keith at skateboard para kay Prince. Tss. Nung bata pa ako, gagamba lang ang nilalaro ko. Iba na talaga ang mga kabataan ngayon.

"Ang Mama niyo?" tanong ko.

"She's upstairs!" sagot ni Keith.

"Nasa kwarto niyo po, Papa," segunda naman ni Prince.

Nagpaalam muna ako sa kanila na pupuntahan ko muna si Kaye Anne sa kwarto namin. Naka-leave siya ng one month sa hotel kaya pansamantalang hindi na siya pumapasok sa trabaho kasama ko. Pagkarating ko sa harapan ng kwarto namin ay nakita kong nakaawang ng bahagya ang pinto. Napasilip tuloy ako sa loob.

Naabutan ko siyang nagbabalot ng regalo sa kama. Hindi ko masyadong makita dahil medyo nakatalikod siya sa direksyon ko. Tumikhim muna ako bago ako pumasok na nang tuluyan.

"Ehem!"

"Ay, pandak--! Naku, teka, wait, saglit!" Natataranta niyang tinakpan ng comforter ang bagay na binabalutan niya, saka siya humarap sa akin na nakakunot ang noo. "Ano ba yan, kumatok ka man lang sana!"

Natawa ako. "Bakit ako kakatok eh kwarto natin 'to?"

"Eh basta. Kailangan ko rin ng privacy. Teka, bakit ang aga mo yata ngayon?"

Lumapit ako sa kanya bago ko siya hinalikan sa pisngi. "Christmas Eve na eh. Naghalf-day lang ako."

"Ah, sige. Wait lang."

Tumayo siya at dinala yung comforter sa loob ng closet. Napakunot-noo tuloy ako. "Kulet, ano ba 'yan?"

"Regalo ko para sayo."

Anak ng aso't pusa! Bigla tuloy bumalik 'yung stress ko. Oo nga pala, wala pa akong regalo para sa asawa ko.

"Mamaya ko na ibibigay sa noche buena," sabi niya bago siya tumabi sa akin. Niyakap niya ako sa bewang at nagsumiksik sa dibdib ko. Kung ordinaryong araw lang ngayon, malamang nagpagulong-gulong na kami sa kama, pero iba ngayon. Shete, ibang araw ngayon, Nathan. At hindi basta-basta ang araw ngayon. Takte!

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon