[47] Mysterious Sender

427K 8.8K 2.9K
                                    

[47] Mysterious Sender


GAIL'S POV

1 month. Ang bilis ng araw. Ni hindi ko man lang namalayan na one month na palang nakatira sa poder ko si Fifth. And that only means, he's moving out of my penthouse today. Kaya nga ito ako ngayon, pinapanuod siyang mag-empake. Maaga talaga akong nagising para sa kanya. Ewan ko ba. I'm really sad about the idea of him moving out of my place.

"May nahanap ka na bang unit na matitirahan? Saan?" Umupo ako sa opposite side ng kama habang pinapanuod siyang sinisilid ang mga shirts niya sa maleta. "Saan banda, Fifth? Malayo ba rito?"

"Don't worry about me."

Napasimangot ako. Hindi ako satisfied sa sagot niya. "Kapag kailangan mo ng tulong ko, tawagan mo lang ako."

"No, it's okay."

Sigh. Sa tono ng pananalita niya, parang nagtatampo siya sa akin. We've agreed on this, haven't we? Hanggang one month lang siya dito at pagkatapos nun ay aalis na siya. Nung umpisa, hindi yun pabor sa akin. Living with a stranger is not a good idea, but why am I having second thought of letting him go?

"Are you okay, Fifth?"

Zinip niya ang maleta at pumasok muna sa walk-in closet. Hindi niya ako sinagot. Now I'm sure that he's not fine.

Bumukas ang pinto at lumabas siya. Nakasuot na siya ng cream-colored short pants and white shirt na pinatungan ng black jacket. Umuulan kasi sa labas kaya siguro ganun ang suot niya.

Dinaanan niya lang ako ng tingin at kinuha na yung maleta sa ibabaw ng kama. Hindi ako sanay na hindi niya ako kinakausap, na hindi siya maingay. Argh! He frustrates me.

"Fifth, galit ka ba?" Tanong ko nung nilapag niya sa sahig ang suitcase niya. He just stared at me and shook his head. "Ewan ko sa'yo. Galit ka eh."

"No, I'm not."

"Really?"

He tsk-ed and ran his fingers through his hair, seemed to be finding the right words to say. "Hindi naman. I'm just sad. I'll miss everything in this penthouse."

I got on my feet and looked him in the eye. Then, I placed my hand on his right shoulder and gave him a slight tap. "You can still visit me anytime."

He smiled weakly. Nabigla ako nung tanggalin niya ang kamay ko sa balikat niya at ibinaba iyon. Akala ko, bibitawan niya yun pero nanatili siyang nakahawak dito.

"Even if you don't ask me to, I'll do it. I'm your finance adviser, aren't I?"

Napangiti ako sa paraan ng pagsabi niya. Para siyang batang nagsasabi na 'umoo ka, Crystal. Wala kang choice.' "Of course, you are. Not only my adviser, but my friend."

"Friend?" He refrained and I just nodded. He shook his head foolishly while chuckling. I wonder why.

"Uy, bakit?"

"Wala. You take care of yourself, Crystal. I'll still guard and guide you eventhough I'm not around."

Naging gloomy tuloy ang araw ko pagpasok sa office. Just the thought of going home without Fifth around is really saddening. Sa one month na yun, nasanay na ako sa presensya niya. Nakakalungkot na tuloy umuwi sa condo ko. The usual scenario, marami na namang bumati sa akin ng 'good morning' sa building, pero dahil maaga pa ay kakaunti pa lang ang mga nasa kanya-kanyang workplace.

Soon as I stepped in my department, I caught the sight of some guy placing a paperbag of Starbucks onto my desk. Napahinto tuloy ako sa pinto at tinignan siya. Finally, gotcha!

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon