[65] Back Hug

475K 9.5K 4K
                                    

[65] BACK HUG

GAIL'S POV

The next day, I woke up as early as I can. Unang araw ko ngayon dito sa isla kaya I have to be productive. Tutal naman, ang aga ko natulog kagabi dahil na rin sa pagod sa byahe. Kailangan kong bumawi ngayon. Ipagluluto ko sila ng breakfast!

Naligo muna ako't nag-ayos ng sarili. Good thing, tulog pa sina Chloe,Sandy at Lovely pati na rin yung girl na kasama ni Wayne. I wonder why Chloe didn't take Claine with her in here? Oh well, baka nasa grandparents niya ang inaanak ko.

Quarter to 6AM na nang bumaba ako. Nasa stairs pa lang ako nang maamoy ko na yung garlic scent mula sa kitchen. Napahinto tuloy ako. Dang! Naunahan ako. I should have woke up earlier than whoever that person is. But anyway, I still made my way down to the kitchen. Napahinto nalang ako sa doorway nang makita ang back figure ng isang lalaking nagluluto.

"Nathan?"

Huminto siya't lumingon habang hinahalo ang fried rice na niluluto niya. At muntik na akong mapatili nang bumagsak yung sandok niya. Woah! Buti nalang sa counter bumagsak.

"GAIL?"

Hindi na ako nagtaka kung bakit siya nagulat sa presensya ko. In the first place, I shouldn't be here.

"Hello...?" bati ko pagkatapos humila ng upuan paharap sa kanya.

Pinatay niya muna ang stove bago niya ako hinarap. Mukhang nag-aalangan siya kung paano ako kakausapin. "Gail, anong ginagawa mo dito? Hindi naman sa ayaw kitang nandito pero diba---"

"Tumakas ako. Is that reason enough for you to stop asking?" Hindi naman sa nagtataray ako pero nakaka-stress lang na pag-usapan kung paano ako napadpad dito. Argh, in fact, up to this point, I still don't know why I went here!

"Oh, nagulat lang naman ako," napatikom siya ng bibig at saglit akong tinignan. "Sabihin mo nga sa akin, Gail, may problema ka ba?"

"Ako? May problema?"

Tinango niya ang ulo niya. "Uulitin ko. Hindi naman sa ayokong nandito ka, pero diba engaged ka na? Hindi magandang ideya na tumakas ka at pumunta dito ng hindi kasama ang fiancee' mo. Lalo na't alam mo na... Nandito si---"

I raised my left hand to stop him. "Stop right there, Nathan." Huminga ako ng malalim at ngumiti ng pilit. "Look, I got your point. Hindi talaga magandang idea yun. Pero hindi ko alam kung bakit may kung anong nasa loob ko na bumubulong sa akin na magpunta dito't iwanan si Fifth sa Maynila. Hindi ko talaga alam. God!"

Frustrations. Geez, hindi ko na alam kung bakit ako nagkakaganito.

Hindi na siya umimik pa. Matagal lang siyang nakatitig sa akin, hanggang sa nilapitan niya ako at ipinatong ang kamay niya sa ulo ko.

"Nathan, please. Habang nandito ako, pwede bang kalimutan muna natin kung ano ang naiwanan ko sa Maynila? Gusto ko lang mag-relax. Nahihirapan na ako sa totoo lang. Napakagulo ng isip ko lately," I pleaded.

Ngumiti siya habang ginugulo ang buhok ko. "Well, it wasn't a bad idea afterall. Okay na rin yung pumunta ka dito nang makapag-isip-isip ka. Mukhang kailangan mong pag-isipan ang naging desisyon mo nung nakaraan."

I stared back at him. He is still the old Nathan he used to be way back when we were together. 

I smiled at the memory. Glad that Kaye Anne has caught a big fish for herself.

"... So, okay lang ba na tulungan mo akong magluto? Kailangan ko nang tapusin ito bago magising ang asawa ko," pag-iiba niya ng usapan.

"Sure..."

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon