[53] The Secretary

411K 8.1K 5.5K
                                    

[53] THE SECRETARY

 

GAIL'S POV

"Fifth?"

Ngumiti siya ng bahagya habang umuupo siya sa harapan ko. How did he know that I'm here?

"... I followed you, obviously," sabi niya marahil dahil bakas sa expression ko ang pagtataka kung bakit nandito siya.

"Akala ko umuwi ka na?"

Umiling siya at hindi na nagsalita. Saka ko lang naalala yung sinabi niya.

"Will you say it's too quick when I say I love you already?"

Napapikit ako ng mariin, saka huminga ng malalim. No, guni-guni ko lang yun. Wala... Wala siyang sinasabing ganun!

"Crystal..."

Ugh! Lumunok ako at nanatiling nakayuko lang. Ayoko siyang tignan. Mas lalong nagugulo ang isip ko.

"Naniniwala ka ba kung sasabihin kong mahal na kita?"

Nanigas ako sa sinabi niya. Hindi agad ako sumagot, at tumayo nalang para iwanan siya.

"Crystal," pinigilan niya ako sa kaliwang braso at pilit akong pinaharap sa kanya. "I know it's too soon, but I'm really d*mn inlove with you!"

"F...Fifth, sinasabi mo lang yan kasi---"

"Kasi narinig ko kani-kanina lang na gusto mo ako? No, Crystal! I love you even without knowing that you like me."

He sounded very frustrated. Ngayon ko lang nakita ang ganitong side ni Fifth. Lumakas ang kabog sa dibdib ko nung makita ang mga galit na mga mata niya. He tried to loosen up and then held me in both of my arms.

"Listen, Crystal," huminga siya ng malalim habang nakatitig sa akin. "I've known you for just almost 2 months. I don't even know why I became so attached with a girl that quick. I tried to get away from you for a few days but I realized then that I can't just leave you. It's like I left a big part of me somewhere... I can't, Crystal. I can't."

Unting-unting humihina ang boses niya, maging ang kapit niya sa dalawa kong braso. Malalalim ang bawat paghinga niya. Napayuko ako. Hindi ko alam kung bakit pero kusang pumasok sa isip ko yung mga araw na lumayo siya sa akin. Miski ako ay hindi kinayanan yun... I missed him. I really did.

Is this really the sign?

I stepped back and pulled myself away from him. I looked at my daughter's tombstone and got on my knees infront of it.

"Nabibigla ka lang, Fifth," pabulong na sabi ko. "Marami ka pang hindi alam sa akin. Hindi mo pa ako masyadong kilala."

At ganun din ako sa kanya. I don't know him well enough, but despite of that, I still can't control myself to like him.

Umupo siya sa tabi ko saka niya hinubad ang leather jacket niya bago niya ito ipinatong sa balikat ko. This simple gesture of him makes me like him even more.

"Yeah, maybe I don't know you too well and maybe I only knew a few things about you like---" he stopped and lifted my chin, with a small smile on his lips. "You were about to get married with Mr. Lee and you had a daughter named Kyra. You flee to Germany and buried yourself there to forget everything."

He touched my cheeks and carressed it. Napatulala ako sa sinabi niya. How did he know all of that?

"F..Fifth..."

He cut me off by planting a kiss on the tip of my nose. "That doesn't matter."

Umiwas ako ng tingin nang makaramdam na ako ng pagkailang sa kanya. Oh God, ano ba 'tong nangyayari? Naguguluhan na ako.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon