[4] Do It With Me

704K 10.7K 2.7K
                                    

[4] DO IT WITH ME

 

KAYE ANNE’S POV

Kanina pa ako pahimas-himas sa bukol sa bandang likuran ng ulo ko. Ouch lang ha! Ang sakit, promise. Ang laki ba namang aso ng dumamba sa akin kanina?? Ayun tuloy, una ulo ko sa pag-kauntog sa semento >__<

Teka, tama ba namang dun ako dalhin ni Nathan sa kwarto niya? Wala na bang ibang kwarto dito na pwedeng pagdalhan sa akin? Ugh, nakakahiya. Ano kayang itsura ko kapag natutulog ako? Baka mamaya tinititigan ako nun kanina habang malalim ang tulog ko. Okay, ako na assumera… Pero malay ko ba? Siguro kung nagkapalit kami ng sitwasyon, baka, ganun din ang gagawin ko. Ang titigan siya. Joke. -_-v

Napaayos ako sa pagkakaupo ko sa sofa nang makita kong pababa sa hagdan ang isa sa mga kasambahay nila Nathan. On the way she looks, she seemed to be the head of the household.

“Ma’am Kaye Anne, ayos na po ba kayo?” Tanong niya pagkalapit niya sa akin.

I smiled a little and then touched the back of my head. “Opo, medyo makirot nga lang yung bukol ko pero ayos naman po ako.”

“Ahh,” tumango-tango siya. “Binilinan po ako ni Nathan na pakainin muna po kayo ng dinner bago umalis.”

Automatikong nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Did I just hear her right? Dinner???

“D-dinner??? Anong oras na po ba?” I roamed my sight around the receiving area, looking for a clock. Grabe, ang aga ko nagpunta dito kanina ah! Ilang oras ba ako nakatulog??

“Mag-aalas-syete na po, Ma’am.”

Napakunot-noo ako. “7PM na? Hala, manang… Ilang oras po ba ako walang malay?”

“Kalahating araw kang tulog, Ma’am.” Nag-aalalang sabi niya. “Ang mabuti pa po, ipacheck up mo na ang bukol mo. Baka kung anong nangyari dyan. Maninigurado lang.”

Napailing ako ng mabilis. “No need po. Hindi naman gaanong kalakihan ang bukol ko.”

“Pero mas mabuti kung ipapa-check up mo ang bukol mo, Ma’am. Yun ang sabi sa akin ni Nathan eh. Baka raw kasi may namuong dugo pala sa ulo mo, ‘di natin alam. Alalang-alala pa naman si Nathan simula pa kanina. Hindi ka nga niya iniwan eh. Bantay-sarado ka talaga niya.”

Teka, ano raw? Medyo may pagkamadaldal pala ang katulong nila Nathan. Sana ‘di niya nalang sinabi yun. Mas lalo tuloy akong nailang. Ahhm, yeah, naiilang talaga ako kay Nathan. Pakapalan lang talaga ng mukha ang pagpunta ko dito -__-

Nginitian ko nalang si Manang ng pilit. Nakakailang eh. Nagulat ako nang umupo pa siya sa tabi ko kaya tinignan ko naman siya. Ang tagal naman dumating ni Kuya Mario  >_____>

“Ma’am Kaye Anne----“

Pinutol ko ang sasabihin niya. “Kaye Anne nalang po. Masyado po kayong pormal.”

She smiled widely, “Okay. May itatanong lang ako sayo. Pero huwag kang magagalit ha?” Biglang humina ang boses niya kaya nilapit ko ang sarili ko sa kanya. Mukha naman siyang harmless, yun nga lang madaldal kaya ayos lang.

“Ano po yun, Manang?”

“Manang Inday nalang ang itawag mo sa akin.” Tumango-tango ako. Nakakacurious ang itatanong niya eh. “Nabuntis ka ba ni Nathan?”

O_________O

Sa sobrang gulat ko ay napatayo ako ng wala sa oras. “PO?! Hindi po ah!” With matching hand gestures pa. Halaaaaa, ako?! Nabuntis ni Nathan? Jusmiyo~ >.<

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon