[40] Secret Admirer

529K 9.4K 3.2K
                                    

[40] SECRET ADMIRER

 

GAIL'S POV

"Uy, nagbibiro ka lang diba?" Kanina ko pa kinukulit si Fifth dito. Actually, kagabi ko pa siya kinukulit na bawiin niya yung joke niya sa akin.

"I wasn't joking. He really went here to see you."

Ugh. Napa-facepalm nalang ako. Posible bang pumunta dito si Kurt para raw bisitahin ako? Impossible! Why would he do that? Kung noon, posible yun, pero ngayon? Nah. Wala naman na siyang pakielam sa akin ngayon eh.

"The thought of a crush visiting you makes you go giddy," he teased.

Kasalukuyan kong pinagluluto si Fifth ngayon ng breakfast. Bwsit na Fifth 'to! Nakabihis na ako at fully-prepared na for office pero hinarangan niya pa ako para ipagluto siya ng breakfast. Of course, I gave in. Hello? May utang na loob ako sa kanya dahil inalagaan niya ako kahapon.

"He's not my crush, Fifth. How many times do I need to tell you that? Hindi ba talaga maprocess yun sa utak mo?" I asked in annoyance.

"Ayan ka naman. Sungit mo na naman," sabi niya. Tinulungan niya akong i-serve sa table ang mga niluto kong pagkain; scrambled eggs with cheese, fried rice, hotdogs and bread on the side. Bahala na siyang magtimpla ng kung anong drinks para sa sarili niya. Late na ako!

"I gotta go. Bukas, isasama kita sa office para worth it naman yung ipapasweldo ni Dad sa'yo."

I collected my stuff and readied myself to leave but he stopped me on my wrist. "Aalis ka na? Hindi ka talaga magbebreakfast?"

"Hindi nga ako nagbebreakfast."

"Wait up."

Binitawan niya ang wrist ko at humarap dun sa table. Nagtaka ako nung makita ko na kumuha siya ng bread at nilagyan iyon ng hotdog saka niya ito pinagdikit ang dalawang tinapay. "Oh, kainin mo sa byahe," sabay abot niya nun sa akin.

I gave him my 'are you kidding me?' look. Ano 'to? Elementary student ang drama ko?

"What? Kainin mo yan."

I surrender! Bahala siya. Napakakulit na nilalang. "Thanks. Spoiled ka siguro ng Mom mo no'? Kung ano'ng gusto mo, siyang masusunod," sabay talikod ko at tinungo na ang doorway.

Before I got out, I heard him say something nostalgic to me.

"I always get what I want. What is mine is mine... Take care, Crystal."

Okaaay. Is it just me or... Did he just talk like him?

***

"I always get what I want. What is mine is mine... Take care, Crystal."

"I always get  what I want. What is mine is mine... Take care, Crystal."

"I always get what I want. What is mine is mine... Take care, Crystal."

Hindi pa rin ako makaget over sa litanya ni Fifth sa akin kanina bago ako umalis ng penthouse. Geez, nagpeplayback yun sa isip ko habang kinakain ko yung pinabaon niyang hotdog sandwich (na napaka-dry dahil wala man lang catsup or anything) habang nakasakay ako sa taxi.

"Ma'am, dito na po ba?"

I returned on my senses when I heard the chauffer spoke. Inabutan ko na siya ng bayad at lumabas na ng taxi. Hoo! Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit parang ang strange? I took in few deep breaths before going in. I felt something inside my chest... It's really uncomfortable!

"Morning, Ms. Rivera..."

"Good morning po..."

Kanya-kanyang bati na naman sila sa akin pagkapasok ko ng building. Nahagip pa ng paningin ko si Jade mula sa malayo na may kausap na isang babae at isang lalaki. Buti pa siya, may friends na. Hindi naman ako nagtataka kung bakit mabilis siyang magkaroon ng kaibigan. Afterall, she's indeed friendly and jolly. She reminds me of myself few years ago... when I wasn't broken yet.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon