[55] Annoyed

431K 8.8K 3.3K
                                    

[55] ANNOYED


GAIL'S POV

"Kurt!" sigaw ko.

Tumakbo ako palayo kay Kurt dahil malakas ang pagkakatumba niya. Hindi ko alam kung ano ang tatakpan ko. Lumalakas ang kaba sa dibdib ko kapag nakakawitness ako ng ganitong kabayolenteng sitwasyon, at ninenerbyos naman ako kapag nakakarinig ng kung anong bugbugan. Mga tenga ko ba o ang mga mata ko? God! What am I going to do?

"Sh1t!" Kurt cursed when one of them grabbed his neck to stand him up. Susuntukin sana siya nito sa mukha nang hulihin ni Kurt ang kamao nito kasabay ang pagsipa niya sa isang lalaking nasa likuran niya. Sa sobrang bilis ng pangyayari, ang nakita ko nalang ay bumagsak yung isang lalaking sinipa niya at kinuha niya ang pagkakataon na pilipitin ang braso ng isa pang lalaki sa harapan niya, sabay suntok nito sa sikmura.

"Lintek!" daing ng lalaki.

2 down. One to go.

Ipinagdaop ko na ang dalawa kong mga kamay habang nakikipagtitigan si Kurt sa isa pang lalaki. Balbasarado ito, at medyo matangkad. Sa aura ng pagmumukha niya, para siyang predator na manghuhuli ng bibiktimahin niya at iyon ay si Kurt.

"Geez," sunod-sunod na lunok na ang ginawa ko. Pinagpapawisan ako ng malamig. Mapatumba sana niya ang isang 'to!

"Ba't ba nangingielam ka?! Nakikipagkaibigan lang naman kami sa kanya tapos umepal ka? Eh t*rantado ka pala eh!!" bulyaw ng lalaki.

Napakagat ako sa labi nang makita kong sumulyap sa akin si Kurt, saka siya umiling ng bahagya. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin dun pero isa lang ang nasa isip ko. TAPUSIN NIYO NA PO ITO LORD, PLEASE?! Aatakihin na ako sa puso!!

Napaatras ako sa takot nung magsimula ng atakihin ng suntok si Kurt nung lalaki. Todo-iwas naman si Kurt at medyo ngumingisi-ngisi pa dahil hindi siya nito natatamaan ng kamao niya.

"Sumugod ka! Akala ko ba matapang... ka?!!" singhal ng lalaki.

Kurt smirked more while shaking his head. Wala siyang sinasabing kahit ano. He was just giving glares straight at him. Natigilan ako.

His smirk and glare...

They remind me of his old self way back when he was still a notorious gang leader.

"You better go home, man. You're wasted," kalmadong sabi ni Kurt sa lalaki. Hindi ko maintindihan kung bakit pa siya ganyan magsalita. For goodness sake, why can't he just knock him down?

Wow, Gail. Akala ko ba ayaw mo sa gulo? Eh bakit gusto mong bugbugin pa ni Kurt ang isang ito? Geez.

"Atakihin mo na ako! Ano, naduduwag ka na? P*ta! Eh wala ka pala eh!"

Base sa boses ng lalaki ay lasing na siya. Halata iyon dahil sa kilos niya dahil medyo pa-gewang-gewang na siya. Nag-iikutan lang silang dalawa ni Kurt at ni isa ay walang sumusugod. Grr! Get this over with, will you?!

"Umuwi ka na." Sumulyap sa akin si Kurt at tinanguan ako. Wait, is he talking to me? "I said go home. I'll take charge."

I lifted a brow and stomped my foot. "What?" I said, almost whispering. Pa'no ako makakauwi kung tumataas na ang tubig sa sidewalk at kasalukuyan pa siyang nakikipagtamaan ng titig sa lalaking yan?! Iiwanan ko nalang ba siya dito? Pa'no kung may patalim pala ang isang yan at masaksak siya? Tell me!

"Go home..."

Napakagat ako sa labi at tinalikuran na siya. Bahala siya! Pero hindi pa man ako nakakahakbang palayo ay parang may pumipigil na sa akin na umalis. Ayokong iwan siya dito! In the first place, it's all my fault!

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon