Special Chapter #2

497K 9K 1.7K
                                    

 

Special Chapter #2

 

KAYE ANNE'S POV

"We're going on a cruise this weekend."

Napansin kong sabay-sabay na napabagsak ang mga balikat ng mga bata sa anunsyo ni Kurt. Nagkatinginan tuloy kami ni Gail. Aww, ayaw ba nilang magcruise?

"What's with the face, guys?" tanong ni Gail habang hinahawakan ang mukhang ng bunso niyang anak na si Gavin. Pati ang mga anak kong sina Prince at Keith ay nakabusangot din ang mga mukha.

"Uy, ayaw niyo bang magcruise? Alam niyo bang dream yun ng karamihan. Buti nga yun yung gift sa atin ng mga daddy niyo," pagkukumbinsi ko sa kanila. Nag-uusap kami ngayon sa dining room sa bahay nila Kurt. Palibhasa, magkapit-bahay lang naman kami kaya madali nalang para sa amin ang mag-gather katulad ng ganito. Yizz, parang nung dati lang sa amin ni Gail! Gusto kasi naming malapit sa isa't-isa ang mga anak namin because they're cousins after all.

"Ma, hindi naman po sa ayaw namin--" si Prince ang nagsalita, ang pangalawa sa pinakamatanda sa kanilang magpipinsan, "-- Ano kasi eh."

"Ano?" eager na tanong ni Nathan. Bumuntong-hininga naman si Prince at yumuko nalang. Hindi na siya nagsalita.

Hmm, looks like they're cooking up something. Knowing these kids? Jusme, kung gaano kami kapasaway noon ni Gail, eh siyang tripleng kakulitan ng mga anak namin.

At ang pasimuno?

"Damian, meron ba kayong hindi sinasabi sa amin?" Well, yeah. Si Damian ang master mind ng lahat. Napaangat ang ulo niya sa tanong ng Daddy Kurt niya.

"Nothing, Dad."

"You can't fool us, Damian." Singit naman ni Gail sa anak throwing him a knowing look. "C'mon, spill it, baby."

"Mom, I'm not a baby anymore!" Nagtawanan naman ang mga bata sa sagot niya kaya sinamaan niya ang mga ito ng tingin. Naku, manang-mana talaga siya sa ama niya. Buti pa ang Prince ko, very good boy.

"Magpapaiwan nalang po kami dito!" Speaking of, lumipat ang tingin namin kay Prince. Kay Nathan siya nakatingin. Palibhasa, spoiled 'yan sa kanya.

"Hey, anong tinginan 'yan? At anong magpapaiwan?"

"Ma, ayaw naming sumama. Dito nalang kami."

Tumayo na ako. Aba't ang mga bata talagang ito! "Walang magpapaiwan at walang maiiwan dito," sungit-sungitan na peg ko nang masindak naman sila sa akin.

"Mom, don't worry about us. You don't need to spend much money for us to be able to go on a cruise together. Masyadong mahal po yun," dahilan ni Precious. Nagkatinginan naman ang mag-asawang sina Kurt at Gail.

"Kaya nga, Ma. Kayo nalang po nina Daddy, Tito Kurt at Tita Gail ang mag-cruise," sabi ni Prince na ngayon ay nagsscroll nasa iPad niya.

Hindi pwedeng hindi sila kasama. Sila pa 'tong tumatanggi sa gift ng mga daddy nila. At teka, bakit nagkakasundo silang lahat?

"Are you gonna be alright if we leave you?" tanong ni Kurt.

"Baby love, hindi pwedeng--"

Pinutol ni Kurt ang dapat sana ay sasabihin ni Gail nang ipatong niya ang palad nito sa balikat niya at saka ito tumayo sa tabi niya. "Sshh..."

"Of course, Dad."

Nagkatinginan kaming dalawa ni Gail, at pagkatapos ay bumaling kami sa mga asawa namin. Hindi ko alam pero parang may mali. Kagabi pa nga lang e, alam ko nang may mali.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon