[7] Sweet Dreams

617K 10.2K 4.2K
                                    


[7] SWEET DREAMS


KAYE ANNE'S POV

["Ano?! Naholdap kayo?!?!"]

Napanguso nalang ako sa reaksyon ni Kuya Mario. Obviously ay kausap ko siya sa phone. Buti nalang unlicall daw si Anna kaya naisipan kong tawagan si Kuya Mario. At buti nalang memorized ko ang contact number niya.

"Opo, pero wag na po kayong mag-alala. Nasa safe na lugar na po kami ni Nathan ngayon."

["Pambihira kang bata ka. Sabihin mo sa akin ang eksaktong lokasyon mo at susunduin kita ngayon din mismo."]

"Naku Kuya, wag na. Sabi ko naman po sa inyo na huwag ka nang mag-alala. Safe na po talaga kami. We're fine... Relax. Yung blood pressure mo."

["Hindi ako highblood ah. Naku, Kaye Anne, lagi ka nalang napapahamak."]

"That's life, Kuya Mario. May thrill." I joked and I imagined him roll his eyes.

["Osya, sabi mo eh. Basta tawagan mo ako bukas. Susunduin agad kita. Lagot ako kina Ma'am Charity nito pag nalaman ang nangyari."]

"Then, don't tell them." I giggled, "C'mon Kuya Mario, okay lang talaga ako. Nag-alala lang ako sa mga gamit na natangay sa amin pero other than that, we're really fine."

["Okay, okay... Oo nga pala. Si Austin, hinanap ka dito kanina. Hindi ko sinabing kasama mo si Nathan. Baka magalit eh... Lalaki rin ako. Alam kong magseselos yun..."]

Napakunot noo ako pero napangiti na rin nang mapansin kong concern si Kuya Mario sa akin. Ayiiieee! Ayaw niya sigurong mag-away kami ni Austin kapag nalaman niyang may kasama akong lalaki. Err... Wala namang alam si Kuya Mario sa issue nila Nathan at Austin. Gets ko naman yung point niya. -_-

I breathed in, "Kapag tinanong ulit kung nasaan ako Kuya Mario, sabihin mo nagbabakasyon. Hindi mo alam kung nasaan, okay?"

["Magsisinungaling ako? Ikaw talagang bata ka... Nag-away ba kayo?"]

"Basta Kuya Mario... Hayaan mo siya. I'd just want him to realize something. Okay po?"

I heard him sigh on the other line, ["Okay... Ingat ka dyan."]

"Hmm'kay po. Goodbye." And then I pressed the end button at bumalik na sa loob ng bahay. Umupo ulit ako dun sa wooden set across Lola Sally sabay abot sa kanya ng phone ni Anna. "Lola Sally, ito na po yung phone ni Anna. Thank you po."

Mabait naman sina Lola Sally at Anna. Ang cute nga nilang tignan. Napakasweet kasi nitong si Anna. Lagi niyang inaasikaso ang Lola niya. At hindi lang yun, napakasipag pa ng bata. Nakakainsecure nga eh. Halata sa kanya na sanay na siya sa gawaing-bahay. Aba, siya pa ang nagluluto ngayon ng dinner namin. Pero dahil may kasama kami future chef, nagpumilit si Nathan na tumulong sa pagluluto. At ayun na nga, nandun silang dalawa ni Anna sa kusina na kung saan tanaw na tanaw naman dito sa sala.

By the way, kanina pa kami nagkukwentuhan ni Lola Sally. Naputol lang yung chikahan namin nang maalala kong kailangan kong kontakin si Kuya Mario. Ang bilis kong maging kumportable sa kanya. Para kasi siyang ideal Lola... Yung hindi masungit kagaya ng Lola Almira ko >.>

"Nagalit ba ang magulang mo, Kaye Anne?" She asked with a smile.

"Hindi ko po yun magulang. Family driver po... Tumatayong guardian na rin." I retorted, smiling. "Si Anna lang po ba ang apo mo, Lola?"

"Hindi naman. May anim akong apo... Apat sa panganay ko at dalawa naman sa bunsong anak ko. Si Anna, anak siya ng bunso ko."

Naging interested ako sa sagot niya kaya humarap ako sa kanya. Siya yung tipo ng Lola na hindi madaldal. Ang galing =)

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon