[3] Knockout

681K 11.5K 3.3K
                                    

 [3] KNOCK OUT

 

NATHAN’S POV

Kakagising ko lang pero hindi pa rin ako bumabangon. Nakakatamad eh! Takte, makauwi kaya muna ng Sitio Maligaya? Argh! Pero wala si Ate Lie dun. Wala akong kasama sa bahay kundi ang mga katulong pati na rin ang mga magulang ko. Wag na nga lang. Baka pakiusapan pa nila ako na mangampanya para sa tatay kong tumatakbo bilang Konsehal ng bayan namin.

Anak ng pusa naman oh! Kakaumpisa pa lang ng summer vacation pero wala na akong magawa. Buti pa ang mga tropa ko, nasa Boracay ngayon. Bat pa kasi hindi ako sumama eh?

On second thought, tama lang na hindi ako sumama sa kanila. Langya! May mga girlfriend ba naman na kasama eh. Ako lang ang walang girlfriend dun. Ayoko ngang ma-out of place. =____=

Narinig kong tumunog ang cellphone ko kaya naman kinuha ko ito sa ibabaw ng side table ko. Pagkatingin ko, si Ate Lie pala ang nagtext. Napasimangot nalang ako nang mabasa ang text message niya.

|Baby ko, uwi ka ng maaga tonight ha? I’ll cook for you.|

Kadiri. Si Ate talaga, parang ewan lang. Bakit ba kasi masyadong clingy yung kapatid kong yun? Dati ko pa yun sinisita pero wala siyang pakialam. Tama ba namang mawrong send sa akin?

Wrong send… Naalala ko bigla yung na-wrong number kuno nung isang araw.

Sus, wrong number daw siya. Kilalang-kilala ko naman ang boses nun at oo, kabisado ko number nun. Hindi ako pwedeng magkamali. Si Kaye Anne yun.

Hindi ko nga alam kung bakit ako nagpanggap na hindi ko siya kilala nung araw na yun eh. Na-caught off guard ako eh. Malamang sa malamang, nagulat ako nang i-chat niya ako. Gusto ko sanang makipagchat sa kanya ng matagal kaso pinigilan ko na ang sarili ko bago pa ako mapalapit na naman sa kanya. Potek! Halos anim na buwan ko siyang iniwasan eh. Sinasanay ko lang ang sarili ko. Mas mabuting pabayaan nalang siya kay Willard kesa ang guluhin ko pa ang buhay niya. Eh sa yun ang pinili niya, ano pa bang magagawa ko? Edi respituhin nalang ang desisyon niya.

Pero nagtaka ako nang tumawag pa siya sa akin nung araw na yun. Anong sumapi sa kanya at gusto niya akong kausapin? Namimiss niya na ba ako?

“Pfft! Ang g*go ko talaga.” Natatawang sabi ko sa sarili ko habang nakatakip ang unan sa mukha ko.

Sa anim na buwan na lumipas, wala pa rin namang nagbago. As in, wala. Basta wala talaga. Ganun pa rin ako. Siguro yung buhok ko lang, humaba. LOL. Aside from that, wala na. Wala naman akong dapat baguhin sa sarili ko. Hmm, siguro naging mas focus lang ako sa pag-aaral ko at oo, iniwasan ko si Kaye Anne. Hindi lang naman ako sa kanya umiiwas… Umiiwas din ako sa kahit kaninong babae. Wala lang, trip ko lang.

Tawagin niyo na akong timang pero simula nang tumawag sa akin si Kaye Anne, para na akong napaparanoid tuwing may tatawag sa phone ko. Iniexpect ko na tatawag ulit siya pero hindi na siya umulit eh. Hindi kaya nawrong number nga talaga yun?

Napalingon ako sa pinto ng kwarto ko nang marinig kong may kumatok dito.

“Bukas po yan!” Sigaw ko.

Bumukas naman ang pinto at pumasok ang katulong namin. “Sir Nathan---“

“Nathan nalang po…”

Nahihiyang ngumiti siya sa akin. “Nathan, may bisita ka sa baba. Gusto ka raw kausapin.”

“Sino raw po?” Imposibleng sina Sheen yun. Nasa Bora ang mga ugok na yun eh.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon