[51] Blunt

485K 10K 5.2K
                                    

Dedicated to @cadbury14 for her super gigil commentssss XD

[51] BLUNT

 

KAYE ANNE'S POV

Kanina pa kami tahimik ni Nathan habang nagdadrive siya pauwi. Hindi ko kasi alam ang irereact ko simula nung i-announce ni Mayor ang linyang--- 'Congratulations. You are now Mr. and Mrs. Salvador.'

As in, wow! Speechless. Nawiwindang talaga ako kanina. Who wouldn't anyway? Parang kanina lang, nagmimiryenda pa kami ni pandak at Alonzo pa ang apelyido ko, tapos ngayon? Err... I am Mrs. Kaye Anne Salvador.

Napakagat ako sa labi ko. "Nathan, kailan mo pa nabili 'to?" Pinakita ko sa kanya ang tinutukoy kong white silver diamond ring na nakasuot sa ring finger ko.

"Kahapon lang. Kahapon ko pa kasi iniisip na pakasalan ka ngayong araw."

Napanguso ako habang nakatitig sa singsing ko. Ni hindi ko nga napansin na nakarating na pala kami sa tapat ng bahay ko. Parang kanina lang, wala pa akong asawa at boyfriend pa lang ang meron ako tapos... Grabeeee!

"Kulet, ayos ka lang?"

Tinignan ko si Nathan. Nakasandal ang braso niya sa nakabukas na bintana sa side niya. Bakit parang wala man lang siyang reaksyon na kinasal na kami?

"Nathan, niloloko mo ba ako?" Mahinang tanong ko.

Nanlaki naman ang mga mata niya. "Pinagsasabi mo dyan, kulet? Gutom ka ba?"

Nooo! Hindi ako gutom. Pero parang yata? 'Di ko kasi alam kung kumukulo ang tiyan ko o kung bumabaligtad ba o may nagwawala lang na dragon sa loob ko!! Waaaaaaah! Pwede bang umiyak?

"Kaye Anne, bakit ka umiiyak???"

At ayan na nga. Napaiyak na ako. Tuloy tuloy na yung paghikbi ko habang kagat-kagat ang labi ko. Para akong shunga. Hindi ko alam kung bakit ako umiiyak ngayon. Mixed emotions eh.

"Nathan kasi eh. Binigla mo 'ko!"

Kinabig niya ako palapit sa katawan niya saka niya ako niyakap ng mahigpit. "Sus, dun din naman ang punta nun. Pinapatagal lang nila, Kulet."

Natawa nalang ako sa sinabi niya sabay punas sa luha ko. Parang nagmamadali na siya. Mahuhuli na ba siya sa byahe? Pfft.

"'Di lang ako sanay na Salvador na ako."

"Masasanay ka rin."

Natawa nalang ako at humiwalay na sa kanya. Makalabas na nga. Hindi ako makahinga dito. "Goodnight, Pandak. Bukas nalang ulit."

Pagkalabas ko ng kotse ay akmang didiretso na ako papasok sa gate namin nung marinig kong tumunog ang kotse ni Nathan kaya napalingon ako. Kumunot ang noo ko nang makita kong lumabas din siya at mabilis akong nalapitan.

"Oh, papasok ka pa? Umuwi ka nalang. Magpahinga ka na sa bahay niyo."

"Dito nalang ako matutulog ngayong gabi."

HA? Para bang isang malakas na kalabog sa dibdib ko yung sinabi ni Nathan. Oh no! Hindi pwede. He can't sleep in my room like he used to... tonight!

"Ba't ganyan itsura mo?" Napansin niya yata ang reaksyon ko kaya tumingin ako sa ibang direksyon at napaayos ng tayo ko.

"Pandak, 'di pwede."

"Bakit naman? Tara na nga," hinila niya ako papasok sa gate at more than willing pa kaming pinapasok ng guard. Omo! Hindi siya pwedeng matulog sa kwarto ko. Kyaaah! May iba akong nasesense na mangyayari. No way! I must do something!

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon