[22] Surprise

586K 10.5K 3.8K
                                    

A/N: Sabi ko, next year pa ang UD dito. Cool off muna sana kami ni watty pero 'di ko matiis. (Actually, nasa bahay pa kasi ako. Wala pa sa province.) Sana naman magcomment kayo. Pakiramdam ko, kakaunti nalang ang nagbabasa nito. Kung magbibigay man kayo ng nega comment, make it constructive naman. Please, I need comments. Medyo mahaba ang UD na ito dahil gusto ko ng tapusin ang Nathan-Kaye Anne-Austin-Danica moments. Nahihiya naman po kasi dun sa mga you-know. Hindi niyo ba nahalata na kaya paunti-unti ang binibigay kong POV nila Gail at Kurt kasi parang tinatakam ko kayo? Ohwkaaaay. Enough of this blabbering. Wag basahin kung ayaw niyo sa Kudak-Kayestin.

NEXT YEAR TALAGA ANG NEXT UD. (Depende... Bahala na ang asawa kong si TOP) VOMMENT GUYS! ADVANCE MERRY CHRISTMAS. PS: Belated happy birthday daw to Clarece Lanugon sabi ng X10.

[22] SURPRISE

 

NATHAN'S POV

 

Mabilis lumipas ang araw. Ganun ba talaga kapag nag-eenjoy? Wow, nag-enjoy din ako sa wakas. Simula ba naman ng nawala sa eksena si Willard, hindi na ako nakakaramdam ng pagkabagot dito sa hotel dahil lagi ko ng kasama si Kaye Anne. Sa katunayan, dalawang araw nalang ay babalik na kami sa Maynila. Sayang, bitin pala ang one week. =_____=

Gustuhin ko mang sulitin ang natitirang dalawang araw dito sa Palawan kasama ni Kaye Anne, lalong-lalo na maganda ang weather ngayon, hindi pwede dahil nagkukulong siya ngayon sa kwarto... sa kadahilanang namimilipit daw siya sa sakit ng ngipin.

So, ito kaming dalawa ngayon ni Axel ang magkasama. Buti nalang mabait itong batang ito. Tahimik lang siya habang hawak-hawak ko ang kamay niya papunta sa suite ni Kaye Anne. Ipinaubaya muna ng mga magulang ni Axel sa akin ang bata dahil nagvolunteer ako na lalaruin ko muna siya tutal, wala naman akong magawa. Wala si Kaye Anne eh.

"Where are... we going?" Tanong niya habang dumidila sa hawak niyang lollipop.

"Sa Tita mo," sagot ko. Huminto ako saglit para kargahin siya sa bisig ko. Ang bagal maglakad eh. Baka bukas pa kami makarating sa pupuntahan namin. "—Pupunta tayo sa Tita mong mataba ang cheeks."

"Sino po yun, kuya?"

"Si Tita Kaye Anne..."

"Ahhhhh... Si Tita K sungit." =^^=

Natawa ako sa paghagikhik ni Axel na akala mo wala ng bukas. Si Kaye Anne, masungit? No doubt. Pfft! "Susumbong kita kay Tita K, sungit."

Pagdating namin sa suite ni Kaye Anne ay kumatok muna ako. Nung narinig kong sumigaw siya ng; 'Pasok lang!' mula sa loob ay pumasok na agad ako. Huminto muna ako saglit nang makita ko siyang may kausap sa phone. Nakahiga siya patalikod sa direksyon namin ni Axel habang may icepack na nakapatong sa pisngi niya. Malamang, si honey niya yan. Psh. =_____=

"... Sure? Bahay-E.H.U ka lang? Baka niloloko mo lang ako ha?... Hon, no parties, okay? Behave... Sige, bye na. Ingat ka dyan... Saturday ang uwi ko dyan. Sure nay un... Love you too..."

Nung matapos na yung phone call niya ay lumingon siya sa amin. Medyo nabigla pa yata siya sa presensya namin ni Axel.

"Anong g-ginagawa niyo dito?" Nakangiwing tanong niya.

"Wala, chinecheck ka lang," lumapit ako sa kanya habang kapit pa rin ang kamay ni Axel. Nagsquat ako sa harapan niya at tinanggal ang ice pack sa pisngi niya. "Namamaga, Kaye Anne."

Namamaga at namumula talaga. Potek. Masakit yan, panigurado. -__-

"Uminom na ako ng gamot! Mamaya mawawala na ito," bulalas niya.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon