[49] Really Numb

474K 9K 2K
                                    

[49] REALLY NUMB

GAIL'S POV

That's all, Gail. Nothing had happened. Ang ibig sabihin lang nun ay hindi ka niya hinalikan. That was just only a dream. A strange dream indeed!

"Hey."

Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang boses ni Kurt sa likod ko. Tumabi siya sa akin, habang ako naman ay bumalik na sa pag-aayos nung toner products sa shelf. Nasa branch/shop kami ngayon ni Kurt para tumulong sa pag-aayos ng mga products para sa 3-day sale na magsisimula bukas. Yun kasi yung first strategy ni Kurt para makahatak ng mga mamimili--- ang magkaroon ng 30% off discount.

"Are you okay?" Tanong niya, pero 'di ko man lang siya tinignan. Naiilang ako tuwing naiisip ko yung napanaginipan ko kagabi.

"I am fine. Dun ka na sa kabilang aisle. Kaya ko na 'to," sabi ko at tinalikuran siya. I unconsciouly bit my lower lip. Ghad, what have you done to me?

"You sure?"

"Oo, ayos lang talaga ako," sagot ko habang pinapantay ko yung pagkakaalign ng mga products.

"Is there anything wrong with your lips?"

Dun na ako napatigil, sabay lingon sa kanya. "Huh?"

"You keep on biting your lip. May sugat na nga oh." He raised up his hand to touch my lip but I stepped back. Naghuhurumentado ako sa loob-loob ko. "Gail, may sugat yung labi mo," seryosong sabi niya.

Umiling ako ng todo. As in, yung iling na halos matanggal na ang ulo sa leeg ko. Ba't ang OA ko na lately? Sheesh.

"W-wala naman ah," I trailed my own thumb onto my lips. I was taken aback when he held my finger and pointed at it. "See? It's bleeding."

Naningkit ang mga mata ko nung makita kong may dugo nga sa daliri ko. Hala! May sugat na pala ako sa labi, pero bakit hindi ko man lang yun naramdaman?

"Does it hurt?" He seriously asked and ran his thumb onto my lips. Kumislot tuloy ako nung dumampi ang kamay niya sa labi ko. Napatingin ako sa labi niya. Napalunok ako nang paulit-ulit nung kusang bumalik sa isip ko ang panaginip ko. So, I stepped back and shoved his hand away from me.

"A...ayos lang talaga ako."

I am honestly not okay. Kumunot tuloy ang noo niya sa akin. Parang pati siya ay napansin na ang pagkawirdo ko. Oh my.

"Sigurado ka ba?" Tumango-tango ako at akmang kakagat na naman sa labi ko nang magsalita siya ulit. "Stop biting your lip. It will bleed more."

Hindi ko rin alam kung bakit kinakagat ko ang labi ko. Oh my God, malala ka na, Gail!

"Hindi naman masakit eh. I actually felt nothing. Bumalik ka na nga dun," I looked away and moistened my lips which made me taste the blood on it.

"Really numb," mahinang sabi niya na narinig ko naman. "What's bothering you? Why are you avoiding me since this morning, Gail?"

Nilingon ko siya at tinignan siya ng nagtataka. Syempre, drama ko lang yun para 'di niya ako mahalata na naiilang ako sa kanya. He can't know about the 'kiss'. He just can't.

"H..hindi ah!"

Bumalik na ulit ako sa pagsalansang nung mga toner. Nagulat nalang ako nung pigilan niya ang kaliwang kamay ko. Tinaasan ko siya ng isang kilay. "You didn't talk to me while we were having our breakfast. I thought you were just groggy not until we got in here. You're avoiding me, Gail."

Napanguso nalang ako sa sinabi niya. Teka, may isa pa palang OA dito.

"Hindi nga. What are you talking about, Kurt? Will you just get back to work?"

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon