[69] Shattered

395K 8.8K 2.9K
                                    

[69] SHATTERED

GAIL'S POV

It's been three days since everything happened. Tatlong araw na rin akong nakakulong sa kwarto ko. I eat less, but sleep a lot. Wala akong ganang kumilos. Kung ganito lang ang magiging buhay ko dito, bakit pa ako bumalik dito sa Pilipinas? They're just giving me a hard time. 

I waited for Kuya Louis and Mom to visit me but they never did. Si Daddy, alam ko, laging nandito sa bahay. Hindi niya ako pinupuntahan dito sa kwarto ko kapag gising ako, pero alam kong dinadalaw niya ako kapag alam niyang natutulog na ako which is he thought wrong. I haven't gotten enough sleep at night.

Natatakot ako sa nangyayari sa akin ngayon. Bumabalik na naman ang depression ko.

"How could my dad do this to me? Hindi ko na siya kilala. I thought he's my savior next to Kuya, pero ano 'tong nangyayari??"

I'm currently talking to Kaye Anne online. Ngayon ko lang siyang naabutan na online sa skype kaya ngayon lang kami nagvideo call. How I wish I could talk to Kurt but she said she doesn't know if he has a skype account. Miski siya ay wala ring balita kay Kurt matapos ang nangyari. Nakiusap na nga ako sa kanya na tanungin ang X9 pero pagkatapos ng Palawan escapade ay out of reach na rin daw ang mga ito. 

["You know what? I got your dad's point."]

I frowned. "What?"

["No, I mean, concerned lang siya sayo. Come to think of it, matapos ang nangyari sa inyong dalawa, sorry to break this into you ha, pero diba namatayan pa kayo ng anak? I didn't say naman na 'wag mo na siyang patawarin pero diba siya yung reason kung bakit namatay ang baby niyo? Forgiveness is enough, pero yung tanggapin mo siya ulit sa buhay mo? No. Yun ang pinaglalaban ng dad mo."]

I sighed and buried my face on both my palms and then glanced back on the laptop over my lap. "Kaye Anne, hindi mo naiintindihan. Mahal ko si Kurt. I don't think I need to state reasons para maintindihan mo ako. Basta, gusto ko siyang makasama ulit."

["Gail, relax."] Nakita kong umayos siya ng upo sa harapan ng computer desk saka niya nangalumbaba. ["Hindi ako against sa inyo ni Kurt. Yun yung perspective ng dad mo kaya ka niya ipinapakasal kay Travis. Ang akin lang, you have to think thrice. Lately lang kasi, napapansin ko, nagiging impulsive ka sa decisions at actions mo kaya mas lalong nagkakakumplikasyon."]

Hindi na ako nakakibo sa sinabi niya. She's somewhat right. Mula sa pag-oo ko sa proposal kay Fifth hanggang sa pagtakas ko't pagsunod sa Palawan... Lahat 'yon ay impulsive actions.

["Pero ayos ka lang ba dyan sa bahay niyo? Do you want me to come over? Magpapaalam ako kay Nathan ngayong gabi."]

I feigned a smile, shook my head and showed her my thumbs up.

["But you don't seem okay."]

"Kaye Anne, I didn't say I'm fine. 'Wag mo nalang akong alalahanin. Ang isipin mo ay ang asawa mo. Take me out of your thoughts, okay?"

She pouted on screen. ["Basta, whatever your decision is, I'll support you."]

"Thanks, sissy."

["And oh! Hayaan mo, makikibalita ako kina Sandy, Lovely at pati si Chloe about sa whereabouts ni Kurt at ng X9. Baka may alam ang mga babaeng yun."]

And then someone knocked at the door. Nataranta tuloy ako at nagpaalam na agad kay Kaye Anne. Mabilis kong sinarado ang laptop ko at itinago sa ilalim ng kama ko bago ako bumangon at pinagbuksan ang kung sinumang kumatok. 

My heart shattered into bits when I saw my dad standing infront of me.

"D...dad."

I opened the door widely for him to step in. As I watched him walk inside my bedroom, I felt the authority on his aura.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon