[48] That's All

453K 9.5K 3.1K
                                    

Dedicated to @ChristineSagun06. Natawa ako sa comment niya na sana walang load si Gail XD

[48] THAT'S ALL


GAIL'S POV

3PM ang flight namin ni Kurt, pero nagulantang ako sa text message mula sa kanya na susunduin niya nalang ako sa lobby ng condo ko ng 3:30PM. Reason? He changed his mind. He'll just drive instead of riding a plane. Umuulan daw kasi at delikado ang bumyahe sa himpapawid. What's more dangerous during rainy days? Aerial or land transporation?

Phone beeps.

Habang nag-aayos ako ng buhok sa harapan ng salamin ay narinig ko na nag-beep ang phone ko kaya kinuha ko yun at chineck ang message. It's from Kurt.

-

I'm here at the lobby now.

-

Sigh. Nilapag ko ang brush at nanatiling nakatitig sa phone. I actually kept on re-reading our message thread and I can't help not to wonder at his first message to me.

-

I miss you.

-

Yeah, I didn't delete that message. Ito yung message na natanggap ko nung nasa Team Building pa kami. Isang SMS na nagpagulo ng utak ko last week. Kung hindi niya pa ako tinext ngayon ay hindi ko macoconfirm na siya rin ang nagtext nito sa akin last week.

Bago pa ako masiraan ng ulo sa kakaisip ng kung ano-ano sa penthouse ko ay kinuha ko na ang body bag at shoulder bag ko at lumabas na ng penthouse. Pagkarating ko sa lobby, sumalubong agad sa paningin ko si Kurt na nakatayo sa gilid ng front desk. For some reason, napatingin siya sa direksyon ko, ngumiti at nilapitan ako.

"Let me carry those." Kinuha niya mula sa akin ang dalawang bag ko.

"Hindi. I can manage. Yung shoulder bag ko nalang ang dadalhin ko," angal ko at pilit na inaagaw sa kanya ang bag pero nilayo lang niya.

"Mabigat 'to."

"Ayos lang talaga."

Pero hindi niya ako pinansin. Tinalikuran niya lang ako at lumabas na ng condo. Syempre, ako naman itong sumunod. Pagdating namin sa Black Fortuner niya, pinagbuksan niya ako ng pinto sa passenger's seat. Ugh, dyan talaga ako pupwesto?

"Kurt, pwedeng sa backseat nalang ako?"

Binuksan niya ang pinto sa backseat, pero hindi para sa akin kundi dahil sa mga bag ko. "What's wrong? I'm not comfortable of letting you sit back there."

"You're not comfortable?" Ang labo niya.

He grinned and shook his head. "I want to talk to you in the entire trip. If I let you sit there, surely, you'll just sleep on me." Binuksan niya pa ng malawak ang pinto sa passenger's seat at sinenyesan ako na pumasok na. "Get in."

Haay! Do I have a choice? Pagkapasok ko sa kotse ay nagmamadali rin siyang sumakay sa driver's seat. Kinuha niya ang paperbag na nasa backseat at inabot yun sa akin. Mukhang pagkain na naman ito. Huhu. Tataba yata ako kapag kasama siya.

"Snack," sambit niya at ini-start na ang kotse. Habang bumbyahe kami, walang umiimik sa amin. Ni hindi ko pa nga ginagalaw ang pagkain na binigay niya sa akin. Sana naman may chaperone kami kahit isa. Kahit sana si Jade nalang tutal taga-Marketing naman siya eh. Tsk.

Nakadungaw lang ako sa bintana, pinapanuod ang bawat madadaanan namin. Nakakalungkot nga lang ang paligid dahil umuulan. I'm fighting myself not to yawn. Inaantok na ako.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon