Special Chapter #4

407K 8.3K 1.2K
                                    

Special Chapter #4: Hong Kong Disneyland


Kaye Anne's POV


Seryoso, nagpunta ang mga anak namin ni Gail sa Hong Kong Disneyland? No, no, no. Hindi ako naniniwala. Aba, mga baby pa ang mga anak kong sina Keith at Prince. Ni pumunta nga lang sa mall, hindi ko sila pinapayagan tapos eto ang mababalitaan ko? This can't be! Baka naghihysterical lang ang pinsan ko. Well, kagaya nalang ngayon.

Kaka-board pa lang namin sa Hong Kong Tarmac Airport, at kasalukuyan kaming naghihintay na sa mga bagahe namin sa conveyor habang si Gail ay to infinity and beyond na yatang naghihysterical.

Napapatingin nalang tuloy kami ni Nathan sa kanya. 

"Kurt, paano si Gavin? Alam mo namang malikot yun diba? Oh my God, ba't ba ang tagal ng conveyor na 'to?"

"Baby love, calm dow—"

"How can I calm down? Tell me, how??"

Nagkatinginan kami ni Nathan, tapos bumuntong-hininga nalang ako. Nakita kong sumimangot si Gail, kaya nilapitan ko na siya. Nag-aalala na ako. Almost 17 hours ang byahe namin from God knows where pero wide awake pa rin siya. Actually, nag-aalala naman ako sa mga anak ko pero hindi 'yung sobra. Naniniwala akong safe sila dahil nasabi sa akin ni Gail na kasama ng mga anak namin ang mga Yaya nila.

"Gail," tawag ko sa kanya at hinawakan siya sa braso. "Kumalma ka nga. Safe naman sila diba? Nakarating naman sila dito sa HK. Pinasundan mo na rin sa BG natin. So, relax na, okay?"

"Kaya nga, Gail. Na-text ko na si Manang Vera. Maayos naman daw sila," sabi naman ni Nathan.

Nakita kong napahilot sa sentido si Kurt. Stressed na rin siya for sure. Lumapit siya sa conveyor, nandun na pala yung mga gamit namin.

Hinayaan ko lang na kunin nila Nathan at Kurt ang kanya-kanya naming gamit. I looked at Gail's anxious face, and she seemed so pale. No doubt, puyat kasi siya.

"Kaya pala parang ayaw ko silang iwan. May mga kalokohan palang pinaplano," sabi niya sa akin.

Naalala ko tuloy yung time na kinukumbinsi namin ang mga anak namin  na sumama sa amin sa cruise. Kaya pala todo tanggi sila sa pagsama sa amin. Kaya pala...

"Tara na?" Napatingin kaming dalawa ni Gail kina Kurt at Nathan. They are both waiting for us with our luggages.

Tumabi na ako kay Nathan at nakitulong na sa pagdala ng mga bagahe. As I was pulling my trolley bag, I felt Nathan's arm wrapped across my shoulders. Ganun lang ang posisyon namin hanggang sa makarating kami sa taxi bay. 

"Buti hindi ka naghihysterical kagaya ng pinsan mo, Kulet?" mahinang sabi sa akin ni Nathan.

"Nag-aaalala rin naman ako pero I prefer to stay calm kasi may tiwala naman ako kina Manang Vera," sabi ko at naramdaman kong humigpit ang pagkakaakbay niya sa akin. "Mamamatay na yata ako sa kapaguran, Pandak. Ang sakit ng katawan ko sa byahe."

Inilapit niya ang kanyang labi sa kaliwang tenga ko para bumulong. "Mamaya, mamasahiin kita."

Kinilabutan tuloy ako sa ibinulong niya kaya siniko ko siya. May gana pang bumulong ng ganyan, eh namomroblema na nga kami. "Nathan, 'wag ka nga. Isipin muna natin ang mga anak natin."

"They're safe," bulong niya sa akin. Nakita kong umusad ang pila kaya kumilos din kami. "Kasama nila sina Chloe."

Kumunot ang noo kong humarap sa kanya. "Si Chloe??"

"Oo, kasama nila Chloe, Dustin at mga anak niya." Lalo pa tuloy kumunot ang noo ko kaya nagpatuloy siya. "Relax. Safe talaga sila."

"Paanong magkakasama sila?"

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon