[63] To Go Or Not To Go?

404K 9.5K 6.9K
                                    

[63] TO GO OR NOT TO GO?

GAIL'S POV

"... Yes."

Napabalikwas ako sa kama nang bumalik na naman sa isipan ko ang nangyari nung isang gabi. Umoo ako sa marriage proposal sa akin ni Fifth sa harapan ng guests at pati ng mga magulang namin. Malinaw pa sa isipan ko ang eksenang iyon. Miski sa panaginip ay paulit-ulit na naglalaro ang pangyayaring iyon.

Bumangon ako't niyakap ang dalawa kong hita. Tanghali na at maya-maya lang ay aalis na kami ni Fifth papuntang South Korea.

Kadikit ng pagsagot ko ng 'oo' ay ang pagsama ko saan man niya ako dalhin, particularly sa lugar kung nasaan ang kanyang ama. He did introduced me to his mom but not to his dad yet that's why he's taking me there together with my whole family.

Pero kahit ganun pa man, may kung anong pumipigil sa akin na umalis ng bansa kasama si Fifth. No, let me rephrase it. I've been upset lately since the night I accepted his proposal. Nabigla ako sa pagsagot sa kanya. 

... Maraming tao ang nakatutok sa amin. Sa mga mata pa lang ng parents ko ay pakiramdam ko ay nasa dulo ako ng isang bangin at lahat ng tao ay tinutulak ako pababa nito. Sobrang pressure ang nagtulak sa akin para umoo.

"Fifth, it's a... yes."

Napapikit ako nang maalala ko na naman kung gaano kasaya ang pamilya ko nang umoo ako, kasabay ng pagyakap ng mahigpit sa akin ni Fifth. My eyes met that pained set of eyes right behind Fifth. His breathing became rigid, and I could also see how he clenched his fists. I had to close my eyes just to dismiss him from my sight.

"Sana tama ang naging desisyon ko," bulong ko sa sarili. Besides, we still have a lot of time to know each other deeper. What's important is I made my family glad about my decision.

I snapped back from my deep thoughts when I heard a loud knock at the door. Mabilis itong bumukas at pumasok ang lalaking papakasalan ko.

"Ready to go?"

I'm still not but I have to be. Pilit akong ngumiti bago tinignan ang suitcase na dadalhin ko papunta sa Korea. "Yun lang ang dadalhin ko. Good for five days lang naman diba?"

"You have to bring more clothes. What if we enjoy our stay there? Who knows we might extend," he said with a sheepish grin on.

"You promised me we'll stay there for only five to seven days, Fifth. Kung magtatagal pa tayo dun, edi ikaw nalang mag-isa."

Natawa nalang siya habang nilalapitan ako sa kama. Hinawakan niya ang buhok ko habang nakangiti. "I didn't know that you're a brat, really."

"Now you know. So...?" I asked contemptuously.

"Nothing, I just find it cute. Para akong nag-aalaga ng bata," he commented and pulled me to stand. "Now you move, lazy brat. We're going to be late."

Hinila niya ako papuntang walk-in closet, pero idinidikit ko ang mga paa ko sa sahig. I don't wanna go somewhere else.

"Do we really have to go there? Dito nalang kaya tayo?" I insisted.

Hinarap niya ako sa kanya at sinapo ang pisngi ko. "Crystal, ito lang yung request ko sayo. Why won't you do it as your birthday gift for me?"

Tinitigan ko siya ng matagal. Nagpapaawa ang mga mata niya kaya umiwas ako ng tingin at tumingala. "'Di bagay sayo ang magpaawa effect. Ang laki mong tao eh," asar ko at dumiretso na sa loob ng walk-in closet. Bahala na. Whatever happens happens.

***

"I've been telling a lot about you to dad and he's excited to see you. Are you excited to see him too?"

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon