[42] Serious Talk

503K 9.1K 1.8K
                                    

[42] SERIOUS TALK[


GAIL'S POV

"I'll wait for you after work."

"I'll wait for you after work."

"I'll wait for you after work."

"Ugh!" Naibato ko sa desk ang hawak kong pen na kanina ko pa pinaikot-ikot sa daliri ko. 8PM na, pero nandito pa rin ako sa desk ko mag-isa. Isa-isa na rin akong iniwan ng workmates ko. Gusto ko na rin sanang umuwi, dahil wala naman akong balak mag-OT, pero... may isang malaking PERO!!!

"I'll wait for you after work."

Napa-facepalm nalang ako kapag naaalala ko yung sinabi sa akin ni Kurt kanina. He seriously asked me out! Ano bang meron ngayon? Bakit ang weird weird niya? He used to be so conceited to me eversince I came back. If it's about the meeting, then he should've just said it to me right away. Hindi yung pupunta pa kami 'somewhere else'.

I breathed in and out to calm my nerves. Hindi lang ako sa kanya nawiwirduhan. Nawiwirduhan din ako sa ibang team leaders. Ni isa sa kanila ay ayaw sabihin sa akin ang kung anumang diniscuss sa meeting. Ang dadamot nila!

Tahimik lang akong lumabas ng workplace ko. Marami pa naman akong kasabay pasakay ng elevator pero hindi ko sila binati man lang o nginitian. Wala ako sa mood. Ayokong makipagplastikan ng bati sa kanila.

The elevator doors opened and I immediately made my way out of it. Malalaki ang hakbang ko palabas ng lobby. Obvious naman na may iniiwasan ako, at idagdag na rin natin na mahirap kumuha ng cab sa ganitong oras. So yeah, I almost half-ran just to get out of the building. Napahinto lang ako sa gulat nang may pumaradang Black Lambhorgini sa harapan ko.

Shocks. Kung minamalas ka nga naman... Iniiwasan ko na nga eh!

Lumabas mula dito si Kurt. Okay, I admit, he looks extremely cool with his smart-casual attire. Plus, the way he walks towards me... Para siyang model.

"What took you so long?" He asked, stepping infront of me. Binuksan niya na ang pinto sa passenger's seat at muli akong binalingan. "Get in."

Gulp. Okay lang naman na sumama ako sa kanya. Walang problema sa akin 'yon. It's pure work, no personal issues attached. Yun nga lang, napapahiya ako tuwing naiisip ko yung accusation drama ko sa kanya kahapon tungkol sa frappe na iyon. Bakit kasi nag-assume pa ako?

"What? Are you going to stand there forever?" He impatiently asked.

Napatingin naman ako sa loob ng kotse niya. Actually, umiwas lang talaga ako ng tingin. "Uh, where are we going?"

"Dinner."

Napahigpit ang hawak ko sa dala kong purse. Dinner talaga? Pag-uusapan lang naman namin ang tungkol sa meeting. Bakit kailangan pa na over dinner?

"Mr. Lee..." I breathied out and glanced at him. "Pwede bang--"

"We're not goin' to have formal dinner. No worries. Just come with me."

Silence occupied the whole trip. Sumama na ako sa kanya since kailangan ko talagang malaman ang tungkol sa pinagmeeting-an nila kanina. I would like to ask Kuya Louis about it, but I prefer not to. Naalala ko kasi bigla yung inis na boses niya kanina over the phone. Ayokong makatikim ng sermon mula sa CEO na yun.

"So..."

Halos lumundag palabas ang puso ko sa bigla niyang pagsasalita. Nagulat ako eh. Kanina pa kaya kaming walang kibo dito.

"So, why were you late? The meeting started at 11. Were you sick again?"

Hindi ako makatingin sa kanya. Naiilang pa rin ako. Sana 'di niya i-open up ang tungkol sa frappe na yun. "I had other things to do. Nawala sa isip ko yung meeting," I casually retorted.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon