[31] Regrets And Forgiveness

508K 9.3K 1.9K
                                    

[31] REGRETS AND FORGIVENESS


THIRD PERSON'S POV

"Stop throwing sh*ts on me before I send you to hell!!! Try me, Mariz. Wala akong pakialam kung makulong pa ako. Pagkatapos ng mga ginawa mo sa akin, wala ng silbi ang buhay ko!!!"

Simula kahapon pa paulit-ulit sa isipan ni Mariz ang huling binitawang salita sa kanya ni Kurt. Umuwi siyang luhaan kahapon. Yun na siguro ang pinakamasakit na salitang natanggap niya mula sa kanya. Naramdaman niya ang pagkamuhi nito.

"K...Kurt, I'm sorry," she said between her sobs while staring blankly out of nowhere. Simula kahapon ay nakaupo lang siya sa sahig habang yakap-yakap ang dalawa niyang hita. Nagkulong lang siya magdamag sa kwarto at ni hindi man lang kumain. Literal na nawawala na naman siya sa sarili.

"I-I'm sorry... I'm-- s-sorry..." Tuloy-tuloy na luha ang umagos mula sa mga mata niya.

Sa isang buwan na lumayo siya, may pinarealize sa kanya si Brenan. They may have been cold towards each other, but that doesn't mean she didn't care about his existence during the trip.

"Itigil mo na 'to, Mariz. Isipin mo nalang ang anak mo. Kawawa siya. Nandito naman ako para maging ama sa kanya at maging asawa sayo."

... She realized then that she should think about her child. Siya lang ang naiipit sa sitwasyon na ito. Bakit siya naghahabol sa lalaking paulit-ulit siyang inaayawan kung may tao namang handa siyang mahalin ng buong-buo?

"Pero mahal ko siya... Kahit ayaw niya sa akin, mahal ko pa rin siya."

Nababaliw na siya. Nakikipagtalo siya sa sarili niya. She even slapped her own wrist very hard. Ganito siya kapag depressed, sinasaktan ang kanyang sarili.

Napadako ang tingin niya sa envelope sa kanyang paanan. Ito ang papeles na pinadala sa kanya ng abogado ni Gail. Nakadagdag sa depression niya ang kasong ito. Kailan ba siya tuluyang mananahimik? She already sought help from her mom, but she just ignored her. Even her brother didn't give a f*ck about her anymore. Sino na ang matatakbuhan niya?

"Sh*t... K-Kurt, I'm sorry."

Kurt... Kurt... Kurt... Puro nalang Kurt ang nasa isip niya. Wala na ba talagang pag-asang maging sila? Bakit kahit ano'ng gawin niya ay si Gail pa rin ang mahal niya?

"AAAARRRGGGHHH!!!!"

Naibato niya ang nadampot ng kamay niya sa bintanang nasa harapan niya. Bahagya itong nabasag dahil na rin mabigat ang remote na dumapo dito. Agad na napatakbo sa loob ng kwarto ang kanyang ina. Lumuhod ito sa harapan niya at sinimulan siyang aluhin.

"Stephanie, ano na naman bang nangyayari sayo??"

Bigla nalang umiyak ang bata sa crib nito. Nagising yata sa ingay na ginawa niya. Curse him to the hottest pit in hell! Naiirita siya sa pag-iyak nito.

"Get that f*cking baby!! Ang ingay!!!"

"Steph, ano bang---"

"I said get the baby and get out of my room! Ilayo niyo sa akin ang batang yan!!!" She screamed while covering her ears.

Pagkalabas ng kanyang ina at ang anak niya ay nagmamadali siyang pumasok sa walk-in closet niya. Tila may hinahanap. Hinalughog niya ang laman ng drawer hanggang sa may nilabas siyang isang pen at notebook. With tears in her eyes, she wrote something on it.

... She wrote the things she regrets.

... She asked for forgiveness.

... She even wrote on it, maybe, her last words for the people that once became part of her pathetic life.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon