[78] Cold Feet

477K 10.6K 5.1K
                                    

A/N: 'Yung mga naka-Italic sa third person's pov ay partly past events. Flashback ika nga.

[78] COLD FEET

KURT'S POV

"I am fvcking nervous," bulong ko sa sarili ko habang nakatitig sa pagkaing nakahain sa harapan ko. As much as I wanted to eat, I can't. Kung kanina ay nagugutom ako, ngayon naman ay nawalan na ako ng gana. Ngayon ko lang yata naramdaman ang ganito. This is fvcking frustrating because this isn't so me.

"Relax. Kumain ka muna, dre. Mahaba-haba 'yung misa. Ikaw din," Nathan said as he slid another plate of food towards me.

Si Nathan, siya ang tatayong bestman ng kasal ko-- kasal namin ni Crystal. I don't know why but that idea put a smile on my face but then again, it felt like someone has spilled a cold water on me. Bumalik ang kaba ko. Fvck, ikakasal na ba talaga kami?

"Naguguluhan ako."

"Saan?"

Inabot ko ang baso ng tubig at uminom muna bago ako nagsalita. "I don't even know if I am just dreaming or whatever, but could you please enlighten me? Masyadong mabilis ang pangyayari."

He laughed heartily on what I said so I can't help but to stare at him in irritation. 

"I'm serious," I said and he stopped. "I woke up with a heavy head due to hangover this morning, then dragged by my folks out of my house to attend someone's wedding whom I thought it's Crystal's and was called by Lola Almira afterwards to come over to pick her up tapos nandito ako ngayon, ikakasal na."

I breathed in and out and then took another gulp of the water to relax my nerves.

"Now tell me, dude. Am I just dreaming?"

Tumawa siya habang iniiling ang ulo niya. "Hindi---"

"... or am I just being toyed again?" I asked.

Umayos siya ng upo sa harapan ko at tinignan ako ng seryoso. "Tignan mo ang sarili mo, Kurt. Nakasuot ka na nga ng Armani Tuxedo, saka ka pa nangangamba dyan? Alam mo, dre. Gutom lang 'yan eh. Osya, tama na 'yang hallucination mo at kumain ka na. Wedding jitters lang yan."

I frowned. He's not helping anyway. Of course, I want to marry Crystal whenever it's possible, but I still wanted to know how everything came into this. It felt so surreal. Maraming tanong ang gumugulo sa isip ko. 

"Tanggap na ba ako ng mga magulang ni Crystal?" I asked him but then realized I was so fool upon asking such question to him. Wala naman siyang alam. Dammit. 

He smiled to me casually. "Alam mo, dre. Ganyan din yung naramdaman ko nung kasal ko eh. Magkaiba nga lang tayo ng sitwasyon pero yung pakiramdam, ganun na ganun."

He got up to his feet and fixed his black suit. Walang katao-tao sa cafe' na ito dahil bukod sa nasa 10th floor ito ng hotel ay abala ang lahat sa venue ng kasal ko.

Kasal ko. Sh1t. My rapid heartbeat doubled at the idea. 

"Mawawala din 'yang tension mo kapag nasa altar ka na katabi ang bride mo, at mapapalitan 'yan ng excitement," he assuringly said as he looked at his wristwatch and told me, "Tara na. Kailangan na nating pumunta dun."

Sh1tty hell. I think I just felt my stomach turned upside down. Fvck.

GAIL'S POV

"Ang ganda ng ngiti ng bunso namin." Napatingin ako kay Mommy pagkasabi niya no'n. Kasalukuyan kaming nakasakay sa isang karwahe. Funny may it seemed, pero ito yung isa sa mga fantasies ko nung bata pa ako-- ang makasakay sa karwaheng katulad ng mga prinsesa sa fairytale stories. Kanina lang ako nainform na isang garden wedding pala ang theme ng kasal namin ni Kurt.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon