[23] Starstruck

543K 9.7K 2.3K
                                    

[23] STARSTRUCK


 KAYE ANNE'S POV

Napapaisip na ako sa sarili ko nitong dalawang araw na nagdaan. Dahil sa boredom at problema ko sa buhay, para na akong tambay sa kusina. Though, hindi naman literally nakatambay dun, mas nagkukulong ako sa sarili kong kwarto at dito kumakain mag-isa ng kung ano-anong pagkaing hinahain sa akin ni Yaya Vera. Is this what you called life? Eat, sleep and breathe? Geez.

Kagaya nalang ngayon. Mas minabuti kong dito magpahangin sa veranda habang kumakain ng early miryenda ko. As for today's miryenda, I have Braso de Mercedes cake here. Para lang akong naglilihi. Araw-araw iba-iba ang cravings ko. Jusme. Kung ganito ba naman ako tuwing may pinoproblema, malamang lolobo ang katawan ko.

Problema. Ayan na naman yang salitang yan. Pumasok na naman sa utak ko ngayon. Kadikit ng salitang yan ang pangalan ni Austin. Dalawang araw na ang lumipas simula nung mahuli ko siya pero kahit anong pagpaparamdam, wala siyang nagawa. Hahayaan niya nalang ba talaga nasa ganitong paraan kami magtapos? Wala na ba talaga akong halaga sa kanya?

For the nth time of this day, I let out a heavy sigh. Sumubo na naman ako ng isang malaking tipak ng yello part ng Braso de Mercedes habang nakatulala sa kawalan. Ano naman kayang masarap na pagkain na kakainin ko para bukas? Maybe I should try Sansrival, cheesecake, assorted minicakes, and so on and so forth. Haaaayyy. Wala na yata akong ibang inisip kundi pagkain bukod kay Austin at kay...

Phone beeps...

Binalingan ko ng tingin ang cellphone ko na nakapatong sa center table. Aba, himala! May nagtext sa akin ngayon. I thought I'm forever alone. Buti may nakaalala pa sa akin. :(

I immediately got my phone and checked who just texted and to my surprise, it's from the person who I least expected.


|Ate Lie, nakauwi na ako galing Palawan.|

Automatikong napataas ang kilay ko pagkabasa ko sa message niya. Ano 'to? Wrong send? Oh well, it's not my concern now. Ngayon lang siya nakauwi from Palawan? Wow. Dahil sa wala naman akong magawa, nireply ko siya ng; Nathan, kamusta?

At wala pang isang minuto ay nagring na ang phone ko. Sheez! Bat bigla akong kinabahan? Tumatawag siya! Ano ba yan! Hoo, kalma lang, Kaye Anne. Kumalma ka lang... Tumatawag lang siya. Huwag kang OA.

Huminga muna ako ng malalim at inilagay ko ang kaliwang palad ko sa dibdib ko bago ito sinagot. My goodness, pwede namang magtext nalang. Bakit pa siya tumatawag?

"H-hello?"

["Kaye Anne, sorry, nawrong send ako."]

Napa-tss nalang ako at napangiti. Wrong send nga ba? "Okay lang. Kakauwi mo lang?"

["Oo eh. Pinakiusapan ako ng lola mo na mag-extend ng isang araw dun. Kamusta ka na pala?"]

Lumunok muna ako bago ako sumagot. Hindi ako okay. Natutuliro na ako sa nangyayari sa akin, yan ang gusto kong isagot pero hindi ko magawa. "A..yos lang ako. Ikaw?"

["Parang 'di naman."]

"Anong parang 'di naman?"

Tumikhim muna siya. ["Wala. May sasabihin nga pala akong importante sayo."]

Sumubo muna ako ng isa sa Braso de Mercedes bago ako nagsalita ulit. "Ano yun?"

["Kaye Anne..."]

"Hmm?"

["Kaye Anne, na---"]

Call ended.

I groaned in frustration as I heard the dial tone. BAKIT NAPUTOL?! Ano yung sasabihin niya? Hindi ko alam kung bakit super frustrated ako to the point na tumayo pa ako at humawak sa railings pagkatapos ay tinaas ko pa ang phone ko sa ere. Nawalan yata ng signal bars!!

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon