[57] Drunk

474K 10K 5.3K
                                    

[57] DRUNK


GAIL'S POV

"Miss, yung bayad mo!"

Napapikit ako at napapalo sa noo ko. Sa sobrang pagmamadali ko, nakalimutan ko pang magbayad sa taxi.

Naglabas ako ng 200 bill sa wallet at inabot na iyon sa driver, saka ako tumakbo papasok ng police station. Narinig ko pang sumigaw ang driver ng 'Sukli mo, miss!', pero 'di na ako nag-abalang lumingon pa. Kailangan ko ng puntahan si Kurt!

Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Natataranta ako nang tuluyan na akong makapasok sa loob ng police station. Saan ba nila dinala si Kurt?!

"Miss, anong sadya mo dito?"

Nilingon ko ang nagsalita. Isang pulis na may katandaan na dahil sa maputi nitong buhok. "Sir, may kadadala lang ditong lalaki. Galing siya sa bar! Yung maputi, medyo singkit, tapos... tapos matangkad! Nasaan po siya??"

"Ahh, yung bago? Tara," sabi niya at naglakad na papasok sa loob. May kanya-kanyang cubicle at desk. Napabuga nalang ako sa hangin nang makarating kami sa second cubicle, at nakita kong prenteng-prente na nakaupo si Kurt sa silya. Mukhang iniinterrogate siya nung isa pang pulis.

Mas lalo akong nataranta nang makita kong nakaposas siya. Oh God, kasalanan ko talaga 'to!

"... Edad?"

"28..."

Mabilis ko silang nilapitan at naupo ako sa harapang silya ni Kurt. Binalingan nila akong lahat, pati na rin siya. But what bothers me is that he was just coldly eyeing me. Yung para bang wala siyang kamuwang-muwang sa nangyayari ngayon? Grabe! Makukulong na lang siya dyan pero 'di ko man lang siya makitaan ng pag-aalala o pangamba?

"Sir," agaw ko sa atensyon nila. "Wala pong kasalanan si Kurt. Actually, yung lalaki pa nga ang puno't-dulo ng lahat!"

Pinagkunutan ako ng noo ng pulis at nagtype ng kung ano sa laptop niya. "Lee, ano ba ang nangyari at ginulpi mo ang taong yun? Tiyak magsasampa yun ng kaso laban sayo."

Inihampas ko ang kaliwang palad ko sa mesa, kaya halos mapatalon siya sa gulat. Hindi pwede yun! Sasampahan ng kaso si Kurt?! "Woah, edi sasampahan ko rin siya ng kaso. I think it's called sexual harrassment! Oh God, siya pa ang ipapakulong ko!"

Napailing nalang siya't binalingan ulit si Kurt. "Pakisalaysay ho ang pangyayari."

Nalipat ang tingin ko kay Kurt. Nakatingin pa rin siya sa akin, pero walang ekspresyon ang nababakas sa mukha niya. Umiwas siya ng tingin at bumuntong-hininga sa inis.

"Just put me in jail."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at kusang naisipa ko sa binti niya ang isa kong paa. "What do you think you're saying, Kurt? Anong 'put me in jail' ka dyan?! Hindi naman ikaw ang naagrabyado ah? Ako yung naagrabyado. Naabala pa nga kita eh!"

Geez! Nagngitngit talaga ako sa inis. Nanginginig ang mga kamay ko habang nagsasalita. Mukhang matapang lang ako sa bawat sinasabi ko pero ang totoo tensionado na ako!

"Miss, sino ka ba? Kaano-ano mo ang suspek?" Sa wakas, pinansin na rin ako ng pulis.

Bumuga ako sa hangin at tumayo sa tabi ni Kurt. "Actually po, officer, ako po talaga yung biktima at hindi yung kaninang nabugbog. He forcedly pulled me towards the dance floor. Nagpumiglas ako pero walang pumansin sa akin. I swear, hinarass niya talaga ako. Buti na nga lang---" Ipinatong ko ang kamay ko sa balikat ni Kurt. "-- nandun si Kurt. Ipinagtanggol niya ako sa manyak na yun."

Bumalik ulit ako sa upuan ko at hinawakan ang wrist ng pulis. "Kaya officer, he doesn't deserve to be put in jail. In the first place, wala siyang kasalanan diba?" Medyo nilambingan ko na yung boses ko, baka-sakaling pagbigyan ako.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon