[14] Open Space Party

601K 13.1K 2.5K
                                    

[14] OPEN SPACE PARTY


KAYE ANNE'S POV


"Ugh!"

Nagising ako sa sakit ng ulo ko. Para itong nilalagare sa sobrang sakit. Kaya ayokong umiinom eh, ayoko magkahang over. Pero wala na, nangyari na kagabi. >__<

Natigilan ako. Nanlaki pa ang mga mata ko sa naisip ko. Bakit nga ba ako nalasing? Nakainom ba ako kagabi? Ordinaryong juice lang naman ang ininom namin nina Ate Nathalie ah.

"Aish! Baka may halong alak yun." Naiinis na sambit ko sa sarili tapos ay dumiretso na ako sa bathroom para maghilamos. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Para akong zombie. Namamaga ang mga mata ko. >__< Pinukpok-pukpok ko pa ang ulo ko gamit ng kaliwang kamay ko. "Nakakainis! Nalasing ako nang 'di ko napapansin!"

Naisipan kong maligo na bago lumabas ng kwarto. Siguro naman kahit papaano ay mawawala ang hang over ko kapag naligo ako. Pagdating ko sa dining room, nakita ko sina Ate Lie at Kuya Darryl na nagbebreakfast na. As usual, si Kuya Darryl na naman ang unang nakapansin sa akin. Niyaya niya akong umupo sa harapan nila kaya naman pumwesto na ako. Wala ng hiya-hiya! Nagugutom na rin ako eh~ >.<

"Kaye Anne, ito ang kape oh. Mukhang may hang-over ka pa." Inabutan ako ni Ate Lie ng isang tasang kape. Nagpasalamat naman ako sa kanya tapos ay humigop na ako ng konti. "Mabilis ka pa lang malasing?"

Nahihirapan akong tumingin kay Ate Lie kasi namamaga rin ang mga mata ko. Ano bang nangyari kagabi? Bakit ba feeling ko pagod na pagod ako?

"Ate, bakit hindi mo sinabi sa akin kagabi na alak pala yung iniinom natin kagabi? Naparami tuloy ako," mahinang sabi ko. Kumuha na ako ng bread at nagspread ng strawberry jam dito.

"Akala ko naman kasi konti lang ang inilagay ni Darryl. It's no use naman kung sasabihin ko pa sayo ang tungkol dun kung kakapiranggot lang naman ang nilagay niya diba?" Paliwanag niya habang nakalabi pa. "Sorry. Kasalanan 'to ni Darryl."

Tumingin naman ako kay Kuya Darryl. Pa-iling-iling lang siya ng ulo, pero halata sa kanya na nagpipiit siyang ngumiti. "Sorry, Kaye Anne. Hindi ko naman alam na masasarapan ka dun sa tinimpla ko. Ikaw ang pinakamaraming ininom kagabi. No wonder kung bat ikaw lang ang nag-iisang nalasing sa ating apat."

Tumango nalang ako sa kanila at nag-umpisa nang kumain. Wala na akong magagawa. Wala namang nangyaring masama eh. In fact, naenjoy ko naman ang jamming namin kagabi. Ewan ko ba, feeling ko, may nangyaring masaya kagabi though, hindi ko matandaan kung anuman yun. Wala talaga akong maalala bukod sa nagkainan, nag-inuman, nagkwentuhan at nagkantahan kami kagabi.

Sa gitna ng pag-aalmusal namin, sumanggi si Nathan sa isip ko. Bakit hindi pa siya bumababa?

"Hindi pa gising si Nathan?" Tanong ko sa kanilang dalawa.

Ngumiti naman si Ate Lie tapos nagkibit-balikat pa. "Siguradong natutulog pa yun hanggang ngayon."

"O baka nalasing din siya kagabi?" Dagdag naman ni Kuya Darryl tapos nagkatinginan sila ni Ate Lie. "Diba tahimik lang si Nathan kagabi? Baka nalasing din siya, hindi lang niya sinasabi sa atin, baby?"

-___- In fairness sa kanila, kahit kasal na sila, para pa rin silang mag-girlfriend/boyfriend.

"Ooohhh, baka nga, baby ko!" Ate Lie exclaimed and eyed me, "Baka nga nalasing din siya. Hindi kasi sanay uminom ang kapatid ko."

Natawa naman ng mahina si Kuya Darryl. "Hindi naninigarilyo, hindi rin umiinom ng alak. Gwapo at matalino pa, not to mention, maasikaso at mabait pa. Swerte ng magiging girlfriend ni Nathan," tumingin siya sa akin ng makahulugan. "Diba Kaye Anne?"

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon