[64] The Moment

448K 9.7K 2.3K
                                    

[64] THE MOMENT

GAIL'S POV

Tahimik lang kaming dalawa ni Kurt habang bumabyahe kami papunta sa private island dito sa Palawan. May espasyo sa pagitan namin habang kasalukuyan kaming nakasakay sa bangkang de motor. Walang umiimik sa aming dalawa. Miski ang bangkero ay nawiwirduhan na sa aming dalawa.

Mahigit isang oras na ang nakalipas nang sunduin ako ni Kurt sa airport. Pagkatapos nun, nagkaroon na kami ng awkward atmosphere sa pagitan namin. Miski nga nung dumaan muna kami sa isang kainan sa bayan ay 'di niya na ako inimik. 

For the nth time of this day, I threw a glance on him. Napaiwas ako ng tingin nang mahuli kong nakatingin pala siya sa akin. Finocus ko nalang ang sarili ko sa alon na humahampas sa bangkang sinasakyan namin.

Pero naiinis ako sa sarili ko dahil may kung anong humihila sa akin na sulyapan siya. Malayo ang tingin niya at panay ang sulyap niya sa kanyang relo.

"Kurt," tawag ko.

Hindi niya ako inimik o nilingon man lang. Tumayo siya at tumalon sa dagat. Muntikan pa nga akong magpanic kung bakit niya yun ginawa kung hindi ko lang napansin na nasa pangpang na pala kami ng isla. Now, you're out of your mind again, Gail.

Tumulong siya sa paghila ng bangka, bago niya ako nilapitan. Inilahad niya ang kanyang kamay sa harap ko at tinanguan ako na parang nagsasabing 'let's go'.

Kumapit ako sa kamay niya't tumayo na. Hindi pa man ako nakakasampa pababa ay lumutang na ang paa ko sa ere.

"Aah!" impit na sigaw ko nung buhatin niya ako at mabilis na inilapag sa buhanginan. I must fix my composure. Nawawalan na yata ako ng poise dito.

"Let's go inside," he said and started taking steps towards the house. Nung napansin niya yatang hindi ako gumalaw ay nilingon niya ako sabay sabing, "What now?"

Nakaramdam nalang ako ng kaba sa dibdib nang tumingin ako sa bahay. It feels nostalgic. Kailan ba nung huli akong napadpad dito?

"Crystal..."

Huminga ako ng malalim at napaatras ng isang hakbang. "Sinong nandyan sa loob?" Kapansin-pansin kasi ang liwanag sa buong kabahayan.

"All of them."

"Huh?" Sinong 'all of them'?

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Pilit akong nagpupumiglas pero patuloy lang siya sa paghila sa akin papasok sa loob.

"They're waiting for you."

"Kurt, nakakahiya~ Baka magulat sila kung bakit ako nandito," sabay hila ko ng kamay ko pero hindi naman nakalas sa kapit niya. Ugh! "Kurt!!"

Huminto siya't nilingon ako. "What?"

Kinagat ko ang ibaba kong labi at napangiwi nalang. "Nahihiya talaga ako. Ano... Pwede bang ibalik mo nalang ako sa bayan? Hihiram muna ako ng pera sayo. Bukas na bukas din babalik ako sa Maynila."

Walang halong kaartehan. Purong kahihiyang lang. Geez, ngayon ko lang na-realize. Ano kayang maiisip at irereact nila kung bigla nalang akong susulpot sa bakasyon grande nila aber?

Kurt stared at me with his brow on a straight line. He seemed pissed. Oh, of course, he's pissed. Magpapasundo ba naman ako ng biglaan sa airport tapos biglang gusto ko na agad umuwi? Oh, c'mon, Gail!

"Why do you think I'm lettin' you go home? I'm not that stupid."

Argh! Alam kong wala sa oras itong pagtatantrums ko, pero nahihiya talaga ako. Napaupo nalang ako sa buhanginan habang kapit niya ang kamay ko.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon