[44.2] Team Building

474K 10.7K 3.2K
                                    

[44.2] Team Building


GAIL'S POV

'I miss you.'

Paulit-ulit ko yung binasa. Malakas ang kutob ko kung kanino galing ang sms na ito. Ayokong mag-assume pero for some reason, siya lang talaga ang pumapasok sa isip ko ngayon.

I shook the thought off my head. So what if it's Kurt? Why do I take a big deal out of it? Aminado naman akong wala na akong nararamdaman sa kanya, pero may maliit na parte sa akin na naaawa sa kanya sa 'di ko malamang dahilan.

I sighed and closed my eyes for a few seconds. Gail, 'wag mo na siyang isipin. Guguluhin lang niya ng paulit-ulit ang utak mo.

"Crystal..."

Napamulat ako ng mata at tinignan si Fifth sa harapan ko. Seryoso ang mukha niya kaya naconscious ako. Geez, I don't know why I got this feeling whereas I don't want him to get angry with me. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

"Is it painful?" sabay tingin niya sa kamay ko. Hindi ako kumibo, pinakiramdaman ko muna ito saglit. "Masakit ba?"

"Hindi naman masyado. 'Wag OA," sagot ko.

Tumayo siya at tinabihan ako. Nabigla ako nung maingat na kinuha niya sa akin ang palad ko. "Why were you so careless? Sabi ng team mo, kumaliwa ka pero lagi kang kumakanan. Seriously, Crystal?"

Napabuga nalang ako sa hangin. Aminado naman akong wala ako sa sarili kanina kaya nga ako naaksidente eh.

"Then, here goes your hero, saving the needy," he said it with thick sarcasm in his voice. "So, how's it? Baka binendahan niya nalang 'yang sugat mo at hindi dinisinfect. That would get infected."

Napangiwi nalang ako sa sinabi niya. Mas maarte pa yata siya sa akin eh.

"What? Aren't you gonna speak?" Tanong niya ulit. Hindi pa rin ako kumibo. "Young lady, where's your tongue gone?"

I smiled timidly. Why do I find this guy so cute? "Lagi ka nalang sumusulpot, Fifth. Sana sumulpot ka rin nung time na nasugatan ako." Edi sana, hindi nagulo ang isip ko dahil sa mga pinagsasasabi ni Kurt sa akin kanina.

"I was late. I was talking to your brother that time," he said and smiled to me. Kinuha niya ang kamay ko at pinatayo ako. Saan niya ako dadalhin? "Will they let me play your part in your team? I would love to."

"Huh?"

Palabas kami ng Lanai. Mukhang babalik yata kami sa activity area. "Can I be your sub? I want your team to win."

Pagdating namin sa activity area, nasa gitna sila ng orientation. Maybe this orientation is for the third activity of the game. Will they let me play anyway?

"Gail, ayos ka lang?"

Sa gitna ng orientation ay lumapit sa akin ang isa sa mga ka-department ko. Ngumiti lang ako ng tipid at pinakita sa kanya ang nakabendang palad ko. "Wala 'to. I'm fine. So, who won the 2nd activity?" I asked, diverting the topic.

Tumingin siya sa kaliwa namin kaya napatingin ako dun. Medyo nabigla ako nung naabutan kong nakatingin sa akin si Kurt. Siya ang unang umiwas ng tingin, nagpatay-malisya nalang ako.

"Yung Marketing."

"Sorry."

"Sorry for what?"

"Nainjure ako eh."

Natawa nalang siya sa akin, kaya napangiti nalang ako. "Team leader ka. Dapat ikaw yung may pinakamalakas ang loob sa department. Ikaw dapat yung nagchicheer sa amin. So, cheer up na."

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon