[18] Roommates

584K 11.3K 1.2K
                                    

[18] ROOMMATES


KAYE ANNE'S POV


Ang bilis ng oras. Nandito na kami ngayon sa Palawan. Dito sa hotel to be exact. 'Di ko alam na pati hotel worlds, pinasok na rin ng pamilya ko. Ganyan ba talaga sa business world? Go lang ng go? Ang sakit naman sa ulo nyan. >.<

Anyway, pagkadating na pagkadating namin dito sa hotel, dumiretso na agad ako sa suite ko. Tanghali kami nakarating dito dahil maaga yung binook namin na flight. Kailangan daw kasing makarating agad nila Dad dito dahil may aasikasuhin pa raw sila. Err... Nagpaalam nga ako na sasabay nalang ako kay Austin na pumunta dito kaso 'di nila ako pinayagan. Ngayong gabi kasi ang flight ni Austin papunta dito. >.>

Hindi ko na rin masyadong inasikaso si Nathan kasi asikasong-asikaso na siya ni Lola Almira. Edi siya na! Siya na ang favorite. Haaaaayyy! :(

"Sis, hindi ka pa ba lalabas?"

Tinignan ko si Ate Sapphire. Lungkot-lungkutan look pa ako. Roommates kami kaya siya nandito. "Mamaya na, Ate."

"Bakit ka ba nagmumukmok dito sa kwarto? Why don't you entertain your guest?" Lumapit siya sa akin at hinila niya yung kamay ko para iupo ako sa kama. "C'mon, sis! Get your @ss off that bed!"

Nasabi ko na ba sa inyong may pagka-rebel itong Ate Sapphire ko? Kaya huwag na kayong magtaka kung puro trashtalk ang lumalabas sa bibig niya. Kababaeng tao. -___-

"Ayoko! May hinihintay ako, Ate!" Hinila ko yung kamay ko sa hawak niya at nagkumot ulit. "Susunod na ako. Ikaw na munang bahala kay Nathan."

"Ha? Bakit ako? 'Di ko naman siya close." -__-

"Eeeeeh! Ikaw na, Ate! Kapag hinanap nila ako, pakisabi natutulog ako ha? Bye na!"

Buti nalang nag-give up na si Ate Sapphire. Umalis na rin agad siya at iniwan na akong mag-isa dito sa suite. Anong oras na ba? Tinignan ko ang wall clock sa harapan ko, Quarter to 7 na pala ng gabi. Hindi ko man lang nasaksihan yung sunset. Hmm... Bukas nalang. Kasama ko pa si Austin :)

Phone vibrates...

Naramdaman kong nagvibrate ng malakas ang phone ko sa ilalim ng unan ko kaya kinuha ko kaagad ito at tinignan ang screen. Napangiwi ako nang makitang si Nathan yung nagtext.

|Kaye Anne, saan ka ba? Samahan mo naman ako. Wala akong makausap.|

Tinuro-turo ko ang daliri ko sa screen na parang gigil na gigil ako sa kanya. "Hindi kita pwedeng dikitan, Nathan. Maya-maya lang, darating na si Austin. Ayokong magkaroon tayo ng issue habang nandito siya. Gets mo?"

As if on cue, nagvibrate na naman ito. Muntikan ko pa nga itong mabitawan dahil sa gulat ko. It's another SMS from Nathan. >.>

|Tulog ka ba? Saan ang kwarto mo? Susunduin kita.|

Kumunot na ang noo ko sa nabasa ko. "Tse! Magsama kayo ni Lola. Close kayo-----"

Phone rings...

Nataranta ako nang makitang nagflash sa screen ang pangalan ni Austin. Sheez! Tumatawag siya. Baka malapit na siya dito!

I urgently tapped the answer button and placed it on my ear.

"Austin?"

["Hon, on the way na ako. I hailed a cab to get in there... Salubungin mo ako sa lobby ha?"]

Napangiti ako ng malapad at nagmamadali nang bumangon sa kama. "Talaga?"  

["Oo, bakit yata tuwang-tuwa ka?"]

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon