[21] Sudden Thought

611K 9.7K 2K
                                    

[21] SUDDEN THOUGHT


KAYE ANNE'S POV

Matapos ang pag-eexplore namin ni Nathan kahapon sa bayan, itong si Lola Almira, daig pa ang isang stage mother sa pag-aasikaso sa akin. Actually, nung malaman niya na magkasama kaming dalawa ni Nathan, daig pa niya ang isang teenager kung kiligin.

Kagaya nalang ngayong umaga. Si Lola talaga ang bumulabog sa suite namin para gisingin lang ako at para kulitin na gawin ang isang bagay na hindi ko kayang gawin. Lola naman... Akala ko ba aasikasuhin ko lang si Nathan? Bakit yata nirereto niya ako sa lalaking yun? T___T

"Wear this, Kaye Anne. Bagay sayo 'to."

"Ugh, Lola naman po~ Ayoko nyan! Kita po kaya ang kaluluwa ko dyan!"

"Ikaw talaga. Have you seen Crystal Gail's billboard in Manila? Hindi naman sa kinocompare kita sa kanya, gayahin mo lang yung confidence niya kahit kaunti."

Siguro naman may clue na kayo kung anong pinapagawa sa akin ni Lola Almira? Ugh, eh sa ayokong suutin yung kapiranggot na tela na yun eh! Eew lang. Hindi bagay sa akin. Hindi ko maimagine na nakasuot sa katawan ko yan. >__<

Pinanuod ko lang si Lola Almira habang palapit siya sa akin at nagulat nalang ako nang ibato niya sa mukha ko ang...

"Wear that two piece or else I'll be the one to take your clothes off your body."

Wala na akong nagawa kundi suutin nalang yung salmon color na two piece bikini na pinapasuot sa akin ni Lola. Argh, nakakasindak naman kasi siya eh! Oh well, hindi naman ako makakapayag na yun lang ang suot ko!! Syempre, pinatungan ko yun ng above the knee short jeans for the bottom and... ugh, sige na nga, I wore skimpy spaghetti straps dahil yun ang binigay sa akin ni Lola! Nakakaloka! >.<

At ngayon naman, hila-hila ako ni Lola papunta sa section kung nasaan ang breakfast buffet. May mangilan-ngilan na tao, pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko at yun ay si Nathan na kasalukuyang nasa harapan ng buffet table.

"Approach him," bulong sa akin ni Lola sabay tulak sa akin ng malakas. Aray lang! >.<

Kakausapin ko pa sana si Lola kaso nung paglingon ko, nakita ko na siyang naglalakad palayo. My goodness gracious. Umagang-umaga nag-aala-escort service ako. No choice but to approach him as what Lola told. :3

Kumuha muna ako ng plate tapos ay tinabihan ko na siya. Mukhang nakuha ko yung atensyon niya dahil tinignan niya ako.

"Uy, good morning, Kaye Anne."

I smiled back, "Morning. Kagigising mo lang?"

Tumango siya sa akin bilang pagsagot pagkatapos ay kumuha siya nung muffin mula sa platter. Napangiti ako nang kumuha rin siya ng isang ganun para sa akin. "Sabi ni Lola Almira, tikman daw natin lahat ng nakahain na pagkain dito sa buffet table. For food tasting... Tayo daw ang mag-aapprove kung swak sa panlasa natin."

Food tasting? Diba ginagawa yun bago ang wedding? >.>

"Oh? Umagang-umaga magfu-foodtrip tayo?"

"Hahaha! Parang ganun na nga. Pagkatapos daw ng food tasting, subukan naman daw natin ang mga recreational activities dito, pati na rin daw yung lagoons, pools and Jacuzzi."

Hindi ko maiwasan na hindi magtaka sa mga pinapagawa ni Lola. Ano 'to, honeymoon? Bagong kasal? "Para saan naman daw yun? Uy, baka nangtitrip lang si Lola tapos kinagat mo naman!"

Hindi ko na napansin na marami na palang iba't-ibang tinapay na nakalagay sa plate ko at ganun din ang sa kanya. Enebenemenyen. Tuwing kasama ko talaga siya, nawawala ako sa planet earth ng ilang minuto. -_____-

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon