[13] Just Chilling

582K 10.1K 2.4K
                                    


[13] JUST CHILLING


KAYE ANNE'S POV


Haaaayyy! Nakakapagod pala ang mangampanya, pero enjoy naman kasi nakakasalamuha ako ng iba't-ibang klase ng tao. Sa almost half a day na pangangampanya namin, ang dami kong naexperience. Naexperience kong ma-snob ng binibigyan ko ng flyers which was very rare. Isang beses lang naman yun, dahil hindi ko tinignan yung mga nakapost na posters sa labas ng gate nila. Taga-kabilang partido pala sila at dahil dyan, na-snob ako at nasupladuhan pa ng may-ari ng bahay. Sabi naman ni Ate Lie, hayaan ko na raw sila kasi mga bitter lang daw yun. :3

Almost a month from now na mangyayari ang botohan yet sobrang mainit na ang pulitika dito. The funny thing is that I don't even know who run for whatsnot here. Basta ang sa akin lang, tumutulong ako na ipangampanya si Tito Albert ^_^

At dahil tapos na rin naman kaming mangampanya ngayong araw, napagdesisyunan kong manghiram ng netbook kay Ate Lie. Nakapagpahinga na rin naman ako eh. Needless to say, mas nilalapitan ko si Ate Lie kaysa kay Nathan simula kanina. Hindi sa iniiwasan ko si Nathan, it's just that I find it awkward whenever he's around me.

Mahal pa rin pala talaga niya ako hanggang ngayon? Ramdam ko ang sitwasyon niya ngayon. Duh! Napagdaanan ko rin yun. Ano siya ngayon? For sure, nahihirapan siya. Sorry, Nathan, trabaho lang, walang personalan. (~~,)

I was scrolling on my newsfeed when one status update caught my attention. It's Chloe's.

---

Chloe Chanelle Mendez

Nakakatampo siya... Nah, nakakasama pala ng loob. Bakit ka ganyan? :( </3

---

Ni-like ko yun at nagsend ng PM sa kanya, saying; Naghahoneymoon kayo, sissy, tapos may samaan na ng loob? Wag ganun. -_-

Wala pang isang minuto ay nagreply na siya. Sent via mobile pa.

Chloe: Okay kami ni mhine. Si Gail ang tinutukoy ko sa status ko.

Me: Oh bakit? Anong balita kay Gail? Nag-usap na ba kayo?

Chloe: Yun na nga eh. Nung nagpunta kami sa condo na pinag-i-stayan niya, hindi man lang niya kami hinarap. Sabi ng receptionist, wala raw siya dun and then the next day, bumalik kami ni mhine, ang nakaharap naman namin ay ang secretary niya. Alam mo kung anong sinabi?

Me: Ano?

Chloe: Nasa Gym daw si Gail. Nung tinanong ko kung saang lugar siya naggigym para puntahan nalang namin, sabi niya, mapapagalitan daw siya ng boss niya 'pag binigay niya sa akin ang location and besides, may ka-date raw si Gail. Ayaw paistorbo... Kami na nga itong nagpunta dun para dalawin siya pero iniiwasan niya kami.

Me: Chloe, intindihin nalang natin siya.

Chloe: Ano pa nga ba? Moving on, balita ko, nasa Sitio Maligaya ka raw? Kwento dali~~

Matagal-tagal din kaming nagchat ni Chloe sa Facebook. Sabi niya, nasa Japan na raw sila ngayon ni Dustin. Ang sosyal ng honeymoon nila ah. Anyways, kung hindi pa ako tinawag ni Ate Lie na bumaba raw muna, hindi pa siguro kami titigil sa kakachat ni Chloe. Namiss kasi namin ang isa't-isa. Chos! De joke, nagbilin na ako ng pasalubong. Lots of Chocolate! *u*

Pero nabother ako kay Gail. Iwas na nga siya sa phone niya, pati ba naman sa personal? Sa pagkakaalam ko, wala naman kaming ginawang masama sa kanya para iwasan niya kami ni Chloe ah.

AILWAG Book 3: Change Of Fate [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon