Simula

44.1K 470 19
                                    

"I love you, Nathaniel!"

       "We love you Zone Zero!"

Napairap ako at sinalpak sa magkabilang tainga ko ang earphones para hindi ko marinig ang nakaririnding tilian ng mga babaeng estudyante sa paligid ko. Nilakasan ko pa ng sobra ang volume para malunod sa sarili kong music ang tugtugan na ginagawa ngayon ng banda na 'yan, o kung ano man sila.

     I'm hating how my bestfriend is vibing to their music!

  Parang napaka overrated naman kasi ng mga 'to? Tingin ko nga kaya lang sila mayroong maraming fans ay dahil gwapo sila. Nakakainis pa dahil narito kami ngayon sa tapat mismo ng stage! Eh, wala naman akong pakialam sa mga basurang 'to.


     "Aaaahh!"

"Xian!"

Dito na yata ako mabibingi!

     "Niccolo!"

     “PALAHI NG REYES, MARK!”

Pinanlakihan ko ng mata si Sabrina nang bigla niyang tanggalin ang parehong earphones ko. Lalo tuloy akong narindi sa schoolmates ko. Sobrang ingay talaga ngayon dito sa multi purpose hall dahil sa kanila! Parang pinaghalo-halong tunong ng chalk sa blackboard, lego sa tiles, at tambol sa parada ang mga boses nila.

My eyes darted to the band's vocalist who is singing right now and my eyebrows raised. In all fairness, maganda naman pala talaga ang boses niya, pero puro papogi lang naman yata ang alam na gawin nito.

    "Mark Daniel Reyes!" umirit si Sabrina kasabay pa nang iba.

Lalo silang naghiwayawan at niyugyog pa ako ni Sabrina noong kumindat si Mark at nag-flying kiss pa banda rito sa audience pagkatapos noong kanta nila.

Hindi ko alam pero... para sa akin ba iyon?

Nanlamig ako bigla at tumingin sa ibang direksyon, ewan ko ba pero pakiramdam ko kasi ay nakatingin pa rin siya sa akin.

    "Kumindat siya sa akin! Ang gwapo-gwapo niya Beast!" saad ni Sabrina kaya medyo kumalma na ako at sa kaniya na lang tumingin.

Hinawakan niya ang dibdib niya at pinaypayan ang sarili bago muling bumalik ang tingin sa stage.

    "Kinikilig ako!" aniya pa.

Napalunok ako noong mapansin na nagsisimula na ang guitar solo, gusto ko sanang umalis noon pero tiningnan ako ng kakaiba ni Sabrina. Pumagitna na si Nathaniel sa stage at nginitian ang audience, dahilan para lalong magwala na parang wild animals ang mga tao.

      “NATHANIEL ANAKAN MO AKO!” sigaw nitong babae sa likuran namin.

      “Umalis na nga tayo dito Sabrina!”

“Bakit? Apektado ka pa rin ba?" She smirked.

   "Shut up, Beast! Nabibingi na kasi ako!”

   "Zone Zero, ang galing ninyo!"

Kung hindi ako nagkakamali, ang banda na ito ay galing sa brotherhood na Silent Zone Zero. Kilala ang Silent Zone Zero bilang isa sa pinaka sikat at kinatatakutang grupo dito sa Old Nation University.

   Isang dekada na yata mula nang naitatag 'yan. Mga gago ang miyembro nito, at kapag sinabi kong gago. Literal na gago, they are fucking bullies and asshats. Malas na lang kung nakursunadahan ka nila at mapag-tripan. Marami ang sumubok na kumalaban at sumira sa kanila pero walang nagtagumpay.


Ang mga professors na gumawa nu'n ay natanggalan ng trabaho at 'yong mga estudyante na expell naman. Malinis kasi silang trumabaho at planado kung kumilos ang bawat miyembro. Bago nga sumali sa  brother hood na ito ay may paddle hazing pa rin kahit ipinagbawal na iyon.

   Basta kapag tungkol talaga sa kanila ay tikom ang bibig ng lahat, proving their name Silent Zone Zero.

Tsaka ganoon yata kasi talaga dahil mapera sila? Mga anak lang kasi ng mga mayayaman o may kaya sa buhay ang mga nakakasama sa grupo na 'yon. Tapos ang alam ko pa, ang kaaway ng isa ay kaaway na rin nilang lahat.

Parang mga tanga. Bahala sila, basta ako hindi papaapi sa mga 'to. Mapera din naman kami, e. Kahit hindi na ako sumali sa samahan na 'yan ay kakayanin kong kalabanin sila.

+++

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

+++

Completed na po ito dahil dati ko pa ito sinulat. Nirerewrite ko lang ang ibang parts. :)

The Playboy's ContractTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon