39 - Run A Test Together

45K 1.3K 49
                                    

Nagising si Amara na ibang kwarto ang nabungawan. Para siyang sinabuyan ng asido nang makita ang happy couple wedding photo ni Azael at Penelope sa dingding. Which mean, nasa kwarto siya ni Azael at nang balikan niya ang nangyari kagabi, napapikit siya at nasabunot ang buhok. Nangyari na naman! Dinig na dinig niya ang malakas na lagaslag ng tubig sa banyo at bago pa man siya makita ng lalaki, mabilis siyang nagsuot ng damit agad na umalis sa pamamahay nito.

Shit! Shit! Ano na naman ba ang kaniyang ginawa? Shit talaga! Gusto niyang magpalamon sa lupa. Naiiyak na tumakbo siya loob ng kabahayan. This is wrong! Oo mali lahat nang ito, kaya nga siya pumayag  ikasal kay Theon kahit wala silang pagmamahal sa isa't isa para lang makalayo at layuan siya ni Azael.

Pero sa nangyari ngayon, mukhang nagkaletse-letse na ang lahat at... Napatakip siya ng bibig. Kilala na siya nito! May nangyari sa kanila at isa lang ibig sabihin nito, wala na itong amnesia?!

Anong pwede niyang gawin? Kailangan niyang lumayo muna at mag-isip. Naguguluhan na din siya sa nangyari at mas lalo yatang gumulo ang kaniyang sistema nang malaman hindi sila tunay na magkapatid. Agad niyang binuksan ang closet at naghablot ng gamit do'n. Kumuha siya ng malaking maleta.

"Amara!"

Napatili siya sa gulat nang biglang bumukas ang pintuan at hinablot ni Azael ang kaniyang braso. Anong ginagawa nito sa pamamahay nila ni Theon?! And worse, naka-boxer lang ito at pumapatak-patak pa ang tubig mula sa buhok, halatang kagagaling lang nito sa shower.

"Saan ka pupunta?!"

Agad niyang tinulak ito at nag-iwas ng tingin. Ngayon alam niyang hindi sila magkadugo, parang kalahati ng pagkatao niya ay sinaksak ng kutsilyo. Nasasaktan siya.

"Trespassing ang ginawa mo. Pwede kitang kasuhan kaya please lang, umalis ka sa pamamahay ko!"

"Ang tanong ko ang sagutin mo, saan ka pupunta?!" Hinila siya nito ulit pero sampal ang nakuha nito mula sa kaniya.

"Pwede ba tigilan mo na ako! Pakiusap naman Azael!" Akmang tatalikuran niya ito nang mag-ring ang cellphone na tanging dala nito.

"Fuck! Okay coming dad. Yes, I am. On my way." Nagmamadaling tumakbo ito papalabas.

TULALANG nakatingin lang si Amara sa naggagandahang halaman sa balcony nang araw na iyon habang hawak niya ang isang libro. Tapos na niya itong basahin at tinatamad na siyang magbasa ulit nang panibagong libro.

"Bes, attitude ka?"

Napataas ang kaniyang kilay sa sinabing iyon ni Trinity. Nasa condo siya nito at pansamantalang dito tumambay. Balak din yata nitong gawin flowershop ang unit nito.
Dahil maliban sa hanging plants, may mga bulaklak pa ito sa mga pots na nandun and not to mention pati mga cactus.

"Alam ba ito nila tita? Like naglayas ka and especially sa hubby mo. How about school mo?" Saka nito binigay ang isang basong tsaa sa kaniya at kape naman dito.

Napabuntunghinga siya nang maluwang. Hindi niya pa sinabi rito ang buong kwento. Ang alam lang ng dalaga ay nabagot siya sa buhay Pinas at naglayas.

"Have you seen Berkham?" out of the blue natanong niya. Saan na nga pala ang lalaking iyon? Parehas sila nang problemang kinasasangkutan, kaya siguro naalala niya ito. Wala na itong contact sa kaniya simula nung bumalik ito sa sariling lugar na hindi niya matandaan kung saan.

"Nope! Wala na siya sa Australia, remember?" mabilis na sagot nito pero agad napatuptop ng bibig, "Wait, wait... You mean, you were here because of him?! Gusto mo siya!"

Kinurot niya ang singit nito. Bwesit talaga ang matabang babaeng ito saka inirapan. Saan ba siya nagkulang at ganito ang kaniyang naging kaibigan? "Buang," iningusan niya ito at pinagpatuloy ang pag-inum ng kape.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now