24 - Take Two

43.4K 1.1K 14
                                    

Hindi sila nakita nito pero mukhang iisa lang yata sila ng University na pinapasukan. Kung maswerte nga naman talaga siya lagi, heto at mukhang may mababasag siyang mukha. Napairap siya sa hangin pero agad din siyang natigilan. Posible ba na—— hindi! Sobrang imposible ang kaniyang iniisip kaya pinagwalang bahala na lang niya iyon.

"Is that your brother Amara?"

Napatanga siya. Sabi na nga ba! Bigla siyang nilukuban ng takot at hindi siya mapakali. Anong ibig sabihin nito? Coincedence nga lang ba ang lahat? Mabilis niyang hinila papalayo ang dambuhalang kaibigan niya bago pa ito mag-ingay at feeling close sa kaniyang kuya. Pero bago sila tuluyan nakalayo, lumingon siya sa mga ito at kitang-kita niya ang paghalik ni Azael sa noo ng babae at mabilis siyang nag-iwas ng tingin.

Malaki ang University na pinapasukan nila kaya medyo okay na rin si Amara at hindi niya na nakita ang pagmumukha ng bruhang iyon at sana hindi sila magkita at baka maimudmud niya ito sa lupa or worst sa semento.

Pero hindi yata siya dininig ng pagkakataon nang isang gabi, habang nasa terasa siya ng kaniyang condo at umiinom ng tea, napatingin siya sa katabing building.
Nagulat siya sa nakita. Masyado yata siyang dinadaya ng kaniyang mga mata.

Ilang beses siyang kumurap-kurap at sinigurado ang kaniyang nakita. Isang naka-topless na lalaking kahit pagbanggit sa pangalan ay mahirap gawin. May hawak itong kopita ng wine at sa malayo nakatingin. Napaatras siya at nagtago sa isang tabi. Coincidence pa ba ito? Hindi na!

Nagpasya siyang pumasok sa loob at pililitin makatulog pero parang may sariling isip ang kaniyang mga mata na tumingin ulit sa gawi ng lalaki.

Nakita niya ang malambing na pagyakap nung babae sa likuran ni Azael. Tumawa si Azael at hinarap ang babae saka malambing na hinalikan ito sa labi. Agad niyang kinuha ang tingin at walang sabing pumasok sa loob, deritso niyang tinakbo ang kama. Wala siyang nakita, wala. Hindi si Azael ang nakita niya at mas lalong wala ito sa Australia!

LAGING ganun ang set-up ang nakikita ni Amara tuwing gabi. Kaya hindi na siya tumatambay pa sa balkonahe at hindi niya alam kung magpapasalamat ba siya dahil wala pang ginawang hakbang ang kuya niya o mas lalong mabahala. Hindi niya alam kung ano ba ang nais iparating nito. Hindi siya manghuhula at wala siyang panahon sa kagaguhan nito.

Dapat makasal na sila ni Theon sa lalong madaling panahon para matigil na ito sa kahibangan. Kung siya ang pakay nito, bakit andito 'yong babae? Hindi kaya 'yong babae talaga ang sinundan nito at coincedence lang na iisa ang lugar nila? May possibility dahil mukhang half foreigner ang beauty nito at mukhang hito. Tuluyan na ba siyang nakalimutan ni Azael? Sana nga...

"Ang swerte naman ng girlat ng kuya mo. Imagine, ang kuya mo ang boyfriend niya like what the f, Amara! Para siyang naka-fish ng sobrang big pa sa universe!" exaggerated na kwento ni Trinity habang lumalamon na naman sila sa canteen nang araw na iyon. Therapy yata nilang dalawang magkaibigan ang pagkain; stress eating.

"Huwag ka nga maingay, pinagtitinginan tayo rito babae ka," saway niya rito.

Nag-irap ito, "Paki ko? I'm so maganda to pansin them. Anyways, I've found out na ang girlfriend ng kuya mo girl ay model at pamangkin ng vice president ng University na 'to." Saka ito may nilatag sa kaniyang harapan na isang magazine at tinuro ang mukha ng babae. "See? Siya iyan, rising star and course niya, tourism. Kaya pala she looks so familiar pero duh, imagine mo Amara same university tayo pinapasukan? Is this destiny?! Baka dito niyo ipapagpatuloy ang sabunutan niyong dalawa? God! I can't wait that day! Like I can't wait to shout na!"

Ilang beses na ba niyang natanong sa sarili kung paano at bakit sila nagkaibigan ng bwesit na babaeng ito? Ang ingay, eh. Nawawalan siya ng ganang kumain kaya ang ginawa niya ay tumayo at bitbit ang tray na maraming laman. Lilipat muna siya ng pwesto. Saka na sila mag-usap kung tapos na siyang kumain.

"My God!!!"

Natigilan si Amara sa malakas na tili na narinig niya. Noon lang niya napansin na natapon ang kaniyang pagkain dala-dala. What a small world isn't it? Sa dami nga naman ng taong pwede niyang tapunan ng pagkain, sa babae pa ng kuya niya. Sayang, hindi sa mukha nito natapon. Pwede take two at ililigo niya lang dito ang pagkain dala-dala niya? Napairap siya sa hangin.

"I'm sorry, I did't mean it." Pero kahit ganun, alam niyang kasalanan niya kaya humingi pa rin siya ng tawad. Kinuha niya ang kaniyang panyo sa bag at pinunas sa damit nito pero malakas nitong tinampal ang kaniyang kamay at tinulak siya.

"You?" napangisi ito at hindi makapaniwalang nakita siya sa lugar na iyon, "What a lucky day. Dito lang pala kita makikitang engranta ka!" At hindi niya napaghandaan ang biglang pagsabunot nito sa kaniya.

Oh well, nagkatotoo nga ang gustong mangyari ni Trinidad at mukhang may magic spell ang dila nito. Letse! Nakipagsabunutan din siya, part two na kung part two pero hindi siya papatalo. Masyado itong higad at akala nito sinong maganda? Baka hindi pa nito alam siguro na magkapatid sila ni Azael kaya ganito ito umasta?

Well, wala rin siyang pakialam sa bagay na iyon. Tuturuan niya ito kung paano makisama sa mga tao kahit mababa lang ang naabot ng mga ito sa buhay, na hindi lahat ng tao ay mayaman at kaya ganito ito umasta na parang pagmamay-ari ang mundo.

"Enggrata ka talaga!"

"At ikaw? Isang malaking tanong kung bakit ka sinilang sa mundo! Kakalbuhin kita!"  Gumanti siya ng sabunutan.

Nagulat lanh siya nang hilain nito ang kaniyang suot na blouse at napunit iyon!
Hindi niya na magawang makapag-react sa ginawa nito. Mabilis niyang nayakap ang katawan nang lumantad ang kaniyang dibdib sa maraming tao. For heaven sake! Nasa gitna sila ng canteen at maraming estudyanteng naroon pero walang gustong umawat sa kanila, hanggang sa maramdaman niyang may humila sa kaniya at mabilis siya niyakap.

"Stop it, Penelope!"

"Stop meddling, Berkham!" Nagpumilit itong lapitan siya at sabunutan.

Pasalamat ito, pasalamat ang bruhang ito dahil naunahan siya nitong hubaran sa public! Hindi pa siya tapos at magtutuos pa sila ng babaeng itong pinangalanang Penelope.

Mabilis na pinasuot sa kaniya ni Berkham  ang suot nitong leather jacket at walang ingay silang lumayo ro'n. Galit na nagsisigaw ang babae at nagbabanta ito na magtutuos sila, at hihintayin niya ang araw na iyon. Kakalbuhin niya ito.

"Thank you," kiming saad niya habang ginagamot ng lalaki ang kaniyang mga sugat, na nakuha mula sa matataas na kuku nito. Mahapdi ang bawat pagdantay ng bulak na may alcohol sa balat niya.

Napahugot ito ng malalim na hininga at ngumiti. "Don't mention it."

Napatango lang siya at hinayaan itong gamutin ang mga sugat niya. Suot pa rin niya ang jacket nito at kinakalma niya ang sarili dahil sa tuwing naiisip niya ang mukha ng babaeng iyon, nanggigil siya at kumukulo ang kaniyang dugo. Huwag lang itong magkakamaling magpakita ulit sa kaniya dahil wala siyang pakialam kung may-ari pa ito ng pinapasukan niya.

"She's a spoiled brat. Bilang pinsan niya, sumasakit na ang ulo ko sa bawat away na kinasasangkutan ng babaeng iyon," walang gatol na saad nito nang matapos gamotin ang kaniyang sugat.

Nagulat siya ng magtagalog ito. Dugong pinoy rin pala ang lalaki kaya pala panay tingin nito sa kaniya. Wait, pinsan? Napangisi siya. Talaga, magpinsan ang mga ito? Masyadong hindi halata. Napakabait ng binata habang ang babae, ah, nevermind.

"You feel better?"

Tumango siya. "Yeah, okay na ako, Berkham.  May isang subject ka pa."

Natawa lang ito at napakamot. "Don't mind it. Pwede naman akong 'wag pumasok. Kung gusto mo, hatid na kita kung gusto mo," mabait na wika nito.

Dahil nawalan na siyang pumasok pa sa next subject kaya tinanggap niya ang offer nitong ihatid siya sa kaniyang condo. Kailangan niya ng magpahinga.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now