34 - Berkham

42.7K 1.2K 97
                                    

Aligaga si Amara habang hinihintay ang tawag ni Dr. Alferez. Ito ang araw na lalabas ang resulta ng kaniyang DNA test. Ang daming mga tanong na pumasok sa kaniyang isip at imbes na mabigyan iyon nang mga kasagutan, mas lalong naging malabo ang lahat.

Napaigtad siya nang matanggap ang tawag ni Dr. Alferez, mabilis siyang umu-oo at pumunta sa office nito. Pero imbes na masaya siya nang makita ang resulta ng test, parang dinaganan siya ng mundo nang makita ito. Bakit hindi yata siya masaya? Anong nangyari?

"Doc..."

"Bakit?"

"Totoo ba itong nabasa ko?"

"Gusto mo ba gawin natin mali?"

Nagsimula na siyang mainis sa asal ng matandang doctor na ito. Bakit ba hindi siya nagdala ng nailcutter na kasinlaki ng palakol! Kagigil, eh.

"Doc, nakakita na ba kayo ng doctor na pinatay ng pasyente nila?" nakataas ang kilay na saad niya habang nakaharap dito.

Umiling ito at tila nag-isip. "Hindi hija, bakit?"

"Mukhang sa morgue ka na mag-oopisina after nito Doc."

Natawa naman ito. "Ikaw naman hija, masyado kang psycho! Recommend kita diyan sa mental."

Naglinya ang kaniyang kilay. Nauubos ang kaniyang pasensya. Agad naman tumikhim si Dr. Alferez at nagseryuso. "Kung ano nakita at nabasa mo ay lahat totoo."

Napahugot siya ng malalim na buntunghinga. Bakit hindi siya masaya na isa siyang tunay na Legrand? Bakit hindi siya masaya na anak siyang tunay, na magkapatid sila ni Azael, na kapatid din niya si Celestine? Bakit? Bakit parang may mali at nararamdaman niya iyon? Imposible naman na nagkamali ang test.

Agad siyang tumayo at umalis na bitbit ang resulta. Uulitin niya at ngayon ang uunahin niya muna ay kung bakit at paano niya naging kapatid si Celestine. Kailangan niyang alamin muna ang lahat sa babae at kung kailangan magpaulit siyang magpatest, gagawin niya. Hindi siya titigil hangga't hindi nasasagot mga tanong na nagpapagulo sa kaniyang utak.

Lumabas siya ng hospital na iyon na puno nang pagtatanong sa sarili. Mas lalo siyang naguguluhan sa mga nangyayari o sadyang kalahati talaga ng isip niya ay nag-expect nang ibang resulta? Whatever!

Gamit ang sariling pera, nag-hired siya ng private investigator para kay Celestine. After a week na paghihintay niya, wala siyang nakuhang impormasyon laban dito. Nakakainis isipin pero sumubok siyang mag-hired ulit ng PI, after couple of days may binigay ito sa kaniyang address at lugar kung saan lumaki si Celestine. Larawan ng bahay nito at pamilyang pinagmulan.

Biglang sumikdo ang kaniyang dibdib habang pinagtitingnan bawat picture na hawak niya. Bumigat ang kaniyang pakiramdam at mas lalong nadagdagan ang kagustuhan niyang masagot ang katanungan kung bakit kapatid nila ang babae at hindi man lang alam ng ina nila ang bagay na iyon.


ILANG BESES na lumunok ng hangin si Amara habang pababa ng plane. Nasa Zamboanga Airport siya at ramdam niya ang mainit na hangin na sumalubong sa kaniya. Halu-halo ang kaniyang nararamdaman nang mga sandaling iyon at hindi niya alam kung tama ba ito ang ginawa niya.

Nag-paalam siya kay Theon na may fieldtrip ang kanilang klase at ibang lugar ang kaniyang binanggit. Isang linggo siyang mawawala at nagpasa na rin siya ng excuse letter sa kaniyang prof na magpapagamot siya sa kaniyang utak dahil nababaliw na naman siya at tingin niya rito habang nagtuturo sa klase nila ay pagkain na naglalakad.

Naglibot siya nang tingin at pinapakalma ang sarili. Dito niya mahahanap ang ilan sa mga tanong na gusto niyang masagot. Gusto lang niyang tingnan ang pamilyang pinagmulan mismo ni Celestine.

Sa isang hotel siya planong mag-stay. Papalapit pa lang siya sa receptionist para mag-check in nang mahagip ng mata niya ang isang bulto ng lalaki na nakatayo sa harapan ng receptionist . Wait, parang kilala niya ito, ah.

"Berkham?"

Agad napalingon ang lalaki at nagulat ito nang makita siya. "Amara!" Hindi ito makapaniwala na nakita siya. Mabilis itong lumapit sa kaniya at niyakap siya nang sobrang higpit.

"How's my baby Amara?" naglalambing agad na bungad nito at pinisil ang kaniyang magkabilang pisngi.

Napaismid siya. Ginagawa na naman siya nitong batang paslit. "Bwesit ka talaga!" pinanlakihan niya ito ng mata saka siya natawa, "Okay lang."

"I can't believe you're here!"

"Siguro multo ako. Minumulto ka na ng kagandahan ko ganun."

Natawa ito sa kaniyang pagtataray. Nasanay na ito sa ugali niya at kung itrato siya nito ay parang kapatid nitong ini-spoiled sa lahat ng bagay. Pwede na nga niyang gawin itong ninong niya sa sobrang responsable at maalalahanin nito.

Sabay na silang nag-check in dalawa sa hotel na iyon at magkaharap lang din ang kinuha nilang room. Nalaman niyang may importante itong gagawin pero hindi na nito binanggit kung ano. Sinabi lang din niya sa lalaki na nagbakasyon siya nung nagtanong ito. Walang pwedeng makakaalam sa gagawin niyang paghahanap ng mga sagot kahit hindi naman talaga nararapat.

Sabay silang kumain ng tanghalian sa isang restaurant nang tumunog phone nito. Nagtaka siya kung bakit hindi nito sinagot ang tawag.

"Why not answer the call?"

"My mom. Hindi niya alam na andito ako sa Pilipinas. Coz if she will, I'll be grounded for sure," impleng sagot nito at nagpatuloy sa pagkain.

Napakunot siya ng noo, "Bakit hindi niya alam?"

Nagtaas ito ng tingin at tumingin sa kaniya. "Ha?"

"Lemme rephrase it. Ano ba talaga ang rason kung bakit ka nandito? Alam kong nagsisinungaling ka Berkham."

Natigil ito sa ginawang pagsubo at napabuntunghinga. "I'm looking for my sister."

Tama ba ang narinig niya? Napatitig siya rito. Hindi ito nagkikwento about sa family nito kaya hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon.

"What happened?"

Ngumiti ito ng tipid. "Ikaw talaga dami mong tanong. But yeah, I treat you as my little sister kaya magkikwento na ako," huminga muna ito ng malalim saka nagsimulang magkwento.

Hindi siya makapaniwala sa narinig. Kalahati ng kaniyang puso ay parang kinurot. Hindi niya alam na ganito na pala katagal hinahanap ni Berkham ang nawawala nitong babaeng kapatid.

May nag-iisang kapatid itong babae pero tinangay ng mga kawatan. Hindi tumigil ang pamilya nito sa paghahanap sa nawawalang anak pero wala. Bigo sila. Nadakip nito ang nagnakaw pero ang sabi ng mga ito ay binenta ang sanggol at hindi nito kilala ang bumili. Tumigil at huminto na ang pamilya nito sa paghahanap at kinalimutan na lang ang lahat pero hindi si Berkham. Ang sabi nito, titigil lang ito pagnahanap na at nakita ang nawawala nitong kapatid na babae kahit ilang taon pa ang abutin.

"Hoy bakit ka umiyak?" natatawang saad nito at nag-abot ng tissue.

Mabilis niyang inabut iyon at nagpahid. Eh, sa nakakaiyak ang kwento nito at mala-MMK ang dating. "Wala. Ang swerte naman ng kapatid mo."

Ngumiti lang ito bilang tugon at pinisil ang kaniyang pisngi. "You're cute talaga! Papisil nga."

Inirapan na lang niya ito at pabirong tinampal ang kamay. "Pinisil mo na. Sapakin kita d'yan, eh." Saka siya nagpatuloy sa pag-ubos ng pagkain niya.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now