26 - I Don't Love You

45.7K 1.3K 80
                                    

Mabilis na lumipas ang ilang buwan at natapos niya ang senior high school. Agad siyang pinauwi sa Pinas ng kaniyang magulang habang si Trinity naman ay umuwi ng Pittsburgh. Magbabakasyon daw ito ng bongga at sisilipin ang kapogian ng crush nito. Saka raw ito susunod para tulungan siya sa paghahanda sa kaniyang kasal, in which hindi na kailangan dahil ang mommy nila ni Theon ang umayos sa lahat.

Everything is settled. The venue, the church. Pero kung si Amara ang tatanungin, hindi siya mapakali. Nando'n sa puso niya ang mga tanong na bumabagabag. Tama ba ang gagawin niya? Magpapakasal siya sa kaniyang childhood crush para tigilan siya ni Azael?

Kung sakaling makasal sila, may possibility na ba na titigil na ang kaniyang kuya? The other side of her, said yes. Ito lang ang tanging naisip niyang paraan at wala ng urungan ito. Hindi lang ito para sa pamilya niya kundi para na rin sa kaniyang sarili at ikakatahimik ng lahat.

"Are you sure you wanna marry me, Amara? Kung ayaw mo, we can talk our parents and cancel the wedding. I know you hate this hindi mo lang sinasabi at piniling manahimik."

Nasa balkonahe sila ng mansiyon ng Legrand. Ito 'yong pangalawang pagkakataon na nag-usap sila na seryuso at walang halong kalokohan.

"Oo naman, seryuso ako. Bakit ayaw mo ba? Ikaw yata 'to ayaw akong pakasalan, eh. Takot ka yatang matali sa'kin at hindi na makakapambabae. Malandi ka pa naman at pokpok minsan."

Napahalakhak ito sa kaniyang sinabi at matagal bago ito nagseryuso. "Fuck, stop that. I'm trying to get serious here. Pokpok talaga?"

Natawa siya. Eh, sa ganito ang pagkakilala niya sa lalaki. "Hindi ba? Pokpok ka naman talaga, higad pa nga!"

Napakamot ito sa batok. "Whatever." Ngumisi ito. "Willing ka pa rin ba pakasalan ang pokpok na tulad ko?"

"Oo nga ang kulit, eh." Inirapan niya ito.

"Next week na ang kasal natin. After that, asawa na kita at..."

Binato niya ito ng ubas. "At ano, ha?"

"Honeymoon." Humalakhak ito.

Gusto niyang ma-offend pero tumawa lang siya at sinapak ito. Alam niyang nagbibiro lang si Theon.

Kapagkuwan, napatayo ito nang biglang nag-ring ang cellphone at lumayo sandali sa kaniya. Habang siya ay nakatitig sa naggagandahang halaman, biglang tumunog ang message tone ng kaniyang cellphone.

'I'll move heaven and earth to stop you, Mara'

Hindi niya kailangan tanungin kung kaninong unknown number iyon. Nakaramdam siya ng takot pero binalewala niya, magtutuos sila kung ganun. 

"O, asan si Theon? Umalis na?"

Napalingon siya sa kaniyang ina, may bitbit na pagkain para sa kanila. Siya na ang kumuha sa dala nito at nilantakan. Masyado siyang pini-pressure ni Azael!

"Hey-hey, uubusan mo yata ako binibini," natatawang saad ni Theon nang bumalik na ito at subo lang siya nang subo.

"Hay naku bata ka, para kang maubusan diyan." naiiling na saad ng kaniyang ina. Nag-excuse ito at iniwan sila.



Hindi makatulog si Amara nang gabing iyon, ang daming pumapasok sa utak niya. Hindi na rin siya babalik sa Australia para doon kumuha ng kolehiyo. Simple lang, nagtagumpay si Penelope na patalsikin siya at wala naman problema sa kaniya dahil wala siyang balak mag-aral pa sa unibersidad na kinabibilangan nito. Huwag lang itong magpapakita ulit sa kaniya sa Pinas dahil siya naman ang magpapatalsik dito palabas ng bansa. After ng kasal nila Theon, pupunta sila for honeymoon and vacation sa Maldives. Pero pakikiusapan niya ang binata sa bagay na ito at alam niyang igagalang nito ang kaniyang desisyon.

Napangiti siya ng mabasa ang mensahe ni Trinity. Excited na raw itong pumunta ng Pinas kaso broken daw ito dahil hindi na naman pinansin ang beauty. Gaga talaga silang dalawang magkaibigan, hindi lang halata. Kapagkuwan ay natawa siya sa isa pang mensahe ni Berkham.

'Can't wait to see you wearing your white dress. Not gonna miss your wedding day. I miss you Amara, baby.'

Berkham was really a nice man. Hindi niya akalain sa ibang bansa niya mahahanap ang tunay na mga kaibigan at hindi siya pinaplastik. Aside of that, Berkham treats her as his own sister. Hindi basihan ang haba ng taon para maging kaibigan mo agad ang isang tao at napatunayan niya iyon.

Laging nandiyan ang lalaki sa kaniya sa tuwing nagkakaharap sila ng demonyang pinsan nito. Akala niya dati, kaya ito lumapit sa kaniya dahil may gusto ito pero wala, magaan lang daw talaga ang loob nito sa kaniya at gusto raw siya nitong makilala pa.

"Sa tingin mo Amara papayag ako?"

Nagulat siya nang mula sa kawalan, nakita niya si Azael na hindi mapipintura ang mukha na nakatingin sa kaniya. Larawan ng taong galit na galit at handang papatay anuman oras.

"Anong ginagawa mo rito? Pwede ba, lumabas ka," nagpanggap siyang matapang pero ang totoo, kinakain siya ng takot kahit ilang beses niyang sinasabi sa sarili na hindi na siya masisindak pa rito.

"Takot ka ba?" ngumisi ito at kitang kita niya ang kakaibang kislap sa mga mata nito.

Napatayo siya at naghahanda sa anuman gagawin nito. Kung may binabalak itong masama sa kaniya, pwes hindi ito mananalo!

"Stop the wedding, Mara," parang kidlat ang boses nito.

Umiling siya. "Hindi," pinal niyang sagot.

Tumalim ang tingin nito at marahan humakbang papalapit sa kaniya. God! Kung ano man ang iniisip nito, huwag na huwag na nitong ituloy dahil sisigaw siya at wala siyang pakialam kung masisira ang kanilang pamilya. Pagod na siyang magpanggap at tumahimik! Kaya isang hakbang lang nito ay sisigaw siya.

"Scream princess, no one will hear you. Soundproof ang kwarto mo, remember?"

Shit! Nakalimutan niyang soundproof nga pala ang buong silid at kahit magtitili pa siya ng bongga, walang mangyayari.

"Umalis ka na, Azael. I swear, mamatay akong kasusuklaman ka!"

Natigil ito sa paghakbang at nababanaag niya ang sakit na gumuhit sa mga mata nito. "Why can't you love me?" parang kutsilyo ang mga salitang iyon at naapektuhan siya.

Damang-dama niya ang sakit na sinabi nito at hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan.

Bakit? Bakit?! Dahil magkapatid sila for God sake! Kailan ba pwede magmahalan ang magkapatid? Walang batas na magsasabing pwede ang sariling kadugo ang mamahalin mo at kung sakali man, hindi siya papayag. Magkapatid sila sa dugo at laman. Hindi pwede ang gusto ni Azael na mangyari at kahit ano pa gawin nito, hindi nito mababago ang lahat. Paano ba niya isasampal sa binata ang katotohanan na hindi niya ito kayang magawang mahalin?

"Stop it! Magkapatid tayo!"

"Then what if we are?! Wala akong pakialam!" Mabilis siya nitong nilapitan at niyakap ng mahigpit. "Gusto kong maging akin ka kahit bawal. Mahal kita, Amara."

Hindi niya alam kung saan galing ang lakas niya nang itulak niya ito papalayo. Naririnig ba nito ang sinasabi? God! Malala na talaga ito. Gusto niyang makatakas sa lugar na iyon at baka saan pa hahantong ang lahat.

"You can't leave." malakas na kamay ang pumigil sa kamay niya.

"Azael, let me go!"

"No..."

"I don't love you and I will never love you! Hinding hindi kita kayang mahalin kahit hindi pa tayo magkapatid."

Nagulat siya sa pagbagsak ng luha sa mga mata nito pero agad itong tumalikod papalayo sa kaniya papuntang bintana. "I see..."

Napasigaw siya nang biglang tumalon ito pababa mula sa kaniyang bintana. Mabilis siyang napatakbo para tingnan ito pero wala siyang makitang Azael sa baba.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon