45 - Atlantic Ocean

42.3K 1.2K 108
                                    

Nagising si Amara na maingay ang buong paligid. Eksaktong pagmulat niya ng mata, ang totoong ina niya ang namulatan. Nasa tabi niya ito at hawak ang kaniyang kamay.

Naglibot siya ng tingin, andun din ang kaniyang unang namulatan na ina, namumula ang mata nito. Halatang galing sa mahabang pag-iyak. Simula nung bumisita si Berkham nung nakaraan araw sa kaniya, iyak lang nang iyak ang ginang at hindi pa rin nito matanggap ang nangyari. But the same time, tinanggap nito na si Celestine ang tunay na anak. Si Berkham na ang nagpaliwanag sa lahat.

"M-ma, dito pala kayo," mahinang sambit niya.

"Amara! Akala ko mawawala ka na naman sa'min!"

Napangiti siya. Akala mo talaga kamatayan niya, eh no? Hindi siya mamatay dahil kung kagandahan lang ang basihan sa pahabaan ng buhay, jusko, immortality na ang kaniya. Malas naman nung bumangga sa kaniya, maliban sa binalian lang siya nito ng paa the rest is sobrang ganda pa rin niya from head to toe.

Kulang na lang ay pingutin ng ginang ang kaniyang teynga kung wala lang siguro siya sa kama. Agad siya nitong niyakap. Kulang na lang ay mag-iiyak ito. Napangisi siya sa isiping iyon. Saka lang ito kumalma nung tumikhim si Berkham at sumenyas na andun ang mga Legrand. Agad umayos ang kaniyang ina at humingi ng pasensya sa mga ito.

Nakita niyang andun si Theon, Celestine, ang kaniyang mapagmahal na Mommy at Daddy pero wala si Azael. Nasaan ito? Bakit wala na ito ngayon? Sa tuwing nagigising siya ay una niyang nabubungaran ang pagmumukha nito kahit hindi nagsasalita.

Ito lagi ang nagbabalat sa kaniya ng mansanas at ibang prutas. Ito rin lagi ang nag-aasikaso sa kaniya mula sa maliit na bagay hanggang sa pagtawag sa Doctor na siyang tumitingin sa kaniyang kalagayan. Napakunot siya ng noo sa isipin saan ito pero agad din naglaho iyon nang ganapin ni Mrs. Legrand ang kaniyang kamay. Nakalapit na ito na hindi niya namalayan.

"Does it mean, mawawala ka na naman sa'min hija?" tanong nito.

Parang kinuyom ang kaniyang puso. Masyadong masakit iyon. Hindi niya alam ang isasagot kaya nakagat na lang niya ang labi.

"Its okay darling... Nagpapasalamat pa rin kami ng daddy mo dahil natagpuan namin si Celestine sa tulong mo. Nagpapasalamat kami dahil natagpuan mo din ang totoong pamilya mo kahit ang totoo, gustong-gusto ko sa'min ka lang ng daddy mo. We love you so much, hija." naiiyak na saad nito at hinaplos ang kaniyang buhok.

Napaluha siya. First time niyang marinig ang katagang ito sa bibig nito. Ibig sabihin, tanggap na rin nito ang lahat kahit labag sa kalooban.

"Shh... Don't cry. Mommy and Daddy were still here for you." Lumapit ang kaniyang ama sa katauhan ng matandang Legrand. Ngumiti ito at naluluha.

"Daddy... Mom..."

"Thank you darling... Thank you."

Tuluyan siyang napaiyak nang yakapin siya nang mga ito. Ang sakit-sakit sa dibdib pero karapatan ni Celestine na maramdaman ang pagmamahal ng totoong pamilya nito. Pinapangako niyang dadalawin pa rin niya ang mga ito kahit anong okasyon.

"Paano si Theon? Ang asawa mo?" Ang Mommy niya.

Napatigil siya. Oo nga pala, hindi pa sila nagkausap ni Theon kahit saglit. Alam niyang nasaktan niya ito. Alam niyang naguguluhan din ito tulad niya nung una.
Napatingin siya sa binata, ngumiti ito at tumango saka tumalikod. Nagtungo ito sa pintuan para umalis.

"Theon!"

Napatigil ito. Marahan itong umikot at tumingin sa kaniya. Malungkot ang mga mata.

"Pwede ba kitang makausap after nito? 'Yung tayo lang? As your wife pwede ko bang..."

Napakuyom na lang ng kamao si Azael sa narinig sa loob. Nasa pintuan lang siya at nakikinig. Parang huminto ang kaniyang mundo sa salitang binanggit nito, 'As your wife...' fuck! Hindi niya na pinagpatuloy ang sinabi ni Amara. Fuck it! Umalis na siya at madilim ang mundo na nagtuloy-tuloy sa parkingan.

Ang saya na nga niya dahil hindi sila magkapatid plus void ang kasal nito dahil hindi naman ito Legrand pero sa sinabi nito, alam niya na ang gusto nitong iparating! Mahal nito ang binata kahit hindi na sabihin sa kaniya nang harapan. Tanginang pag-ibig 'yan! Bakit ba patay na patay ito kay Theon?! Kung si Theon kaya ang patayin niya? Mas magandang plano. Walang hassle.

Kung sana'y kasingganda ng lovestory nila Cuhen at Vraiellah, Hudson at Abhaya... Ang saya niya siguro ngayon pero wala, puro lovestory lang ng mga ito ang naaayos niya. Dapat pala nung nasa cruise sila nung birthday ni Theon isang taon na nakaraan, hinulog niya na ito sa dagat para pagbalik ng nag-iisang babaeng mahal niya ay pag-aari na lang niya ito at wala na itong babalikan pa.

Ang bobo niya rin minsan, bakit hindi niya naisip ang bagay na ito? Dapat na ba niyang pagplanuhan ang kamatayan nito? Fuck! Galit niyang pinasibad papalayo ang sasakyan. Kailangan niyang pakalmahin ang kaniyang isip at puso sa kaniyang private yatch baka sakaling magtino siya at hindi na balakin pa'ng patayin ang lalaki.

Kalmado lang siyang nakahiga sa ibabaw ng deck at nakatingin sa kalangitan ng gabing iyon sa kaniyang yatch. Nasa laot na siya at nag-iisa. Wala. Wala muna siyang planong bumalik sa lungsod. Ganito 'yong ginagawq niya dati, kapag gusto niyang takasan ang reyalidad.

Malabo siyang tumambay sa kaniyang mansiyon, mas marami siyang oras sa yate niya kesa makasama ang babaeng araw na lang ang binibilang ay hahawak na ng rehas.

Alam niyang mali ang kaniyang ginawa nung bayaran si Dr. Alferez at pinalabas na positive ang resulta ng test. Nasa kaniya ang totoong test that time at hindi alam nito kung gaano siya kasaya, niyakap pa niya ang doctor at hinalikan ito sa noo sa sobrang tuwa dahil negative ang resulta nito. Ginawa lang naman niya iyon para pahintuin ito sa ginawang pag-imbestiga sa sarili pero dahil nga sa kaniyang ginawa, mas lalong nalayo ito. God! Bakit ba ang hirap magmahal?!

Tinungga niya ang alak kahit nakahiga siya at binilang sa isip ang mga bituin nang gabing iyon. Hindi niya mabilang, imposible! Parang pagmamahal niya sa babae, imposibleng matugunan. Putangina!
Nagplano siya. Yes.

Dudukutin niya si Theon. Alam niyang magpapakasal ulit ang mga ito. Hell no! Hindi niya ito papayagan. Ipapatapon niya ito sa Atlantic Ocean at nang siya lang ang makita ni Amara. Tama, iyan ang gagawin niya pagsikat ng araw bukas. Masyado itong epal sa pagmamahal niya sa babae at hindi na lang ito tumahimik sa isang tabi. Bakit nagpakita pa itong letse!

Sino ba ang nagsabi na parte ito nang pagkakaibigan nila ni Cuhen, Hudson, Zyd at Farhistt?! Sampid lang ito at itatapon niya ito bukas na bukas din. Napangisi siya sa plano. Ilang bote pa ng beer ang tinira niya saka siya kinain ng antok. Sana dalawin siya ng napakagandang panaginip.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now