46 - Theon - Gwapo

44.2K 1.2K 149
                                    

Masakit ang ulo ni Azael nang magising siya kinabukasan. Mataas na ang sikat ng araw at doon lang niya naisip na naparami ang kaniyang pag-inom. Natampal niya ang kaniyang noo at dali-daling pumasok sa loob. Kailangan niya ng bumalik sa daungan at hindi pa niya nakakalimutan ang plano niyang dukutin si Willoughby na mas hamak na gwapo naman siya. Malabo lang ang mata ni Amara.

Habang pabalik siya sa daungan, maraming plano ang pumasok sa utak niya. Mga estrahiya, tips at survival. Eksaktong pababa na siya sa kaniyang yacht nang may tumutok sa kaniya ng dekalidad na baril. Agad kumilos ang kaniyang kamay at nakipag-agawan.

Nagsuntukan at basagan pa sila ng mukha nang maramdaman niyang may tumama sa kaniyang leeg. Napahawak siya kung saan siya tinamaan at ilang segundo lang ay namigat ang talukap ng kaniyang mga mata.

"Damn! Pinahirapan tayo ng lokong 'to."

"Good. Now he's asleep. Let's bring him."

Nagising si Azael na iba ang kapaligiran. Damn! Agad siyang napabangon at napakunot noo. Hindi ito ang kaniyang silid at mas lalong hindi niya kilala ang silid na nakikita ng kaniyang mata. He tried to remember what the fuck was happening at napamura siya ng malutong. Kung si Penelope ang may gawa nito, sinasabi niya magdasal dasal ito dahil magkakamatayan sila!

Agad niyang tinakbo ang pintuan at natuwang hindi lock iyon pero nagbago ang kaniyang utak na doon dumaan para tumakas. Why not used the window? Mabilis niyang tinungo ang bintana at hinawi ang puting kurtinang nagmistulang tumatabing doon.

Unang pumasok sa utak niya ay talunin ito pero agad napako sa hangin ang kaniyang plano nang dumako ang kaniyang tingin sa isang taong nakatayo sa unahan. Nakapamulsa ito at malayo ang tinitingnan. Napakunot siya ng noo. Theon Willoughby!

Walang hirap na tumalon siya pababa kahit nasa second floor siya. Sanay siya sa mga ganung bagay Mabilis niyang tinakbo ang kinaroroonan nito at bago pa ito makaharap sa kaniya, suntok niya ang tumama sa mukha nito. Sapul! Kapaplano pa lang niyang dudukutin niya ito at ito, naunahan siya. Puta! Patayin niya na kaya ito ngayon?

"Ang sakit naman ng pambungad mo!" reklamo nito at sumadsad sa buhanginan.

"Tumayo ka d'yan! Patunayan mong kaya mo 'kong patumbahin."

Napangisi ito sa kaniyang sinabi, "Sabi mo, eh."

Mas maganda. Magpatayan sila kung para matigil na ito at mapasakaniya na si Amara. Isang suntok ang binigay niya sa mukha nito at sipa naman ang kaniyang natanggap. Napasubsub siya sa buhanginan pero agad din tumayo at binigyan ito ng malakas na sipa sa mukha kasabay ng pag-atake ng kaniyang kamay at braso para balian na ito ng leeg. Ililibing niya na ito sa buhangin mismo at pagtitirikan ng kandila.

"Hey-hey dude, wait! Wait!" napasigaw ito nang simulan niya ng ipitin ang leeg, "Amara is here!"

Bigla siyang natigilan sa sinabi nito. Mabilis siyang lumayo sa lalaki at matiim na tiningnan ito. Umuubo-ubo itong umayos ng tayo at inayos ang kasuotan.

"Bago mo ako patayin hayop ka, ito ang susi ng rest house ko. Tandaan, its my rest house. Nasa loob si Amara sa isang guest room sa baba. Mahimbing na natutulog. Ikaw na bahala sa kaniya. Alam kong, alam natin dalawa kung bakit ginawa ko ito," sandali itong tumigil at hinubad ang suot na singsing sa daliri, "I'm setting her free. Sayo na ang wedding ring namin."

Umasim ang kaniyang mukha, "At bakit ko aangkinin ang pangit mong wedding ring na mukhang pinaglumaan baryang ginawang singsing?"

Natawa ito sa kaniyang sinabi at napakamot sa ulo. Isinilid na lang ni Theon ang singsing at hinagis sa kaniya ang susi. "Gotta go, ikaw na bahala rito. Goodluck." kumindat ito at tumalikod pero agad din napabalik. "Nga pala, may nakalimutan ako..."

"Fuck!" napamura siya sa sakit nang tumama ang kamao nito sa kaniyang panga.

"Bye!" Tumatawang tumakbo ito papalayo.

Susundan pa sana niya ito at totohanin na ang pagpatay sa lalaki pero agad siyang natigilan nang maalala ang sinabi ni Theon. Imbes na sundan ang hayop na lalaki, sa bahay ang hakbang ng kaniyang mga paa at tinungo ang silid na sinasabi nito.

Halos mabingi siya sa sobrang kaba nang buksan niya ang pintuan. Doon niya nakita ang mahimbing na natutulog na si Amara. May dextrose na nakasabit sa kamay nito at naka-plaster cast pa rin ang paa. Good thing, wala na ang oxygen sa ilong nito. God! Nanamaginip ba siya? Sinubukan niyang gisingin ang kaniyang sarili pero kahit iuntog niya pa, totoong ang kaniyang prinsesa ang nakikita ng mga mata niya.

Marahan siyang lumapit sa kinaroroonan nito. Ayaw niyang makalikha ng ingay at baka kapag nangyari iyon bigla itong mawala sa paningin niya. Parang hinaplos ang kaniyang puso ng anghel nang makita ng kabuuan ang mukha nito. Hindi niya mapigilan yumukod at umupo sa tabi ng babaeng pinakamamahal niya at haplusin ang makinis nitong pisngi. Ito lang ang bukod tanging pinakamagandang babae sa kaniyang paningin. Shit! Parang maluluha pa yata siya.

Napansin niya ang maliit na note na nakapatong sa unan ni Amara kaya kinuha niya iyon at nalamang sulat-kamay ito ni Theon. Ang pangit ng hand writing nito.

Azael Pangit,

Please take good care of her, ikaw na ang bahala sa kaniyang mahalin siya sa paraan hindi ko magawang ipakita sa kaniya. Mas mahalin mo siya ngayon.

From,

Theon Gwapo.


Nilamukos niya ang papel. Kailan ito naging gwapo? At kahit hindi na nito sabihin, matagal niyang alam na gwapo siya at mahal niya si Amara.

Tumayo siya at umalis sandali. Kailangan niyang maghanda ng pagkain para pag nagising ito, nakahanda na ang pagkain at gaganda ang mood nito. Pakiramdam niya, panalong-panalo siya sa lotto at kulang na lang ay magtatalon siya sa tuwa habang papunta ng kusina. Sana naman hindi na ito matatapos, habangbuhay na silang ganito.

Ano ba ang ihahanda niya? Damn. May tiwala siya sa cooking skills niya pero bahala na! Ito ang una-unang pagkakataon na lulutuan niya ang dalaga at patitikimin sa masarap niyang putahe. Napangisi siya.

Maliban kasi sa masarap naman talaga siya, masarap din siyang magluto. Sana, unang tikim pa lang ni Amara mai-inlove na agad ito sa kaniya. Natawa siya ng tuluyan at hinanda ang lulutuin sa araw na iyon. Sa sobrang saya at excited niya, pwede na siyang magpatayo ng restaurant sa buong Manila.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now