13 - Not The Five...

43.9K 1.3K 175
                                    

Ayan na! Pakiramdam niyang gagana na ang kaniyang orasyon. Kailangan niya lang sambitin ang pinakahuling nakasulat sa papel bago niya gagalawin ang dalawang manikang magkatabi.

"Bitsin... Asin... Sukain... Toyohin... Adobohin... Pamintain... Lutuin..."

Bakit parang sa adobo ito? Ah, bahala na nga. Ayan, tapos na!

Mabilis niyang kinuha ang manikang si Anabelle. Pinagwiwisikan niya ito ng tawas at asin. "Umalis ka sa katawan ng babaeng ito, demonyo ng kalandian! Umalis ka!"

Madilim ang buong paligid pero malinaw pa sa sinag ng araw ang kaniyang mata. Kumuha siya ng karayom at nakangising tinusok niya ang petchay ng manika. "Ayan! Masaktan ka! Sumigaw kang bruha ka. Masakit no?!" Agad niyang kinuha ang manika ni Azael at inis na inis na pinag kukurot ang katawan nito.

Pero sandali siyang natigilan, teka, parang pang-babarang na yata ang kaniyang ginagawa. Natawa siya sa naisip. Mas maganda nga iyon. Magpapatayo siya ng Barang Shop in the near future at lahat nang lalandi sa kuya niya, babarangin at kukulamin niya.

"Sige sampalin mo 'yan kuya!" Pinag-aaway niya ang dalawang manikang hawak. "Ayan sabunutan mo ang buhok ng bruhang yan! Sipain mo pepe niya... I mean 'yun ano niya! Bwahahaha!" ang lakas ng halakhak niya, at kung may makakakita sa kaniya sa gano'n posisyon baka mapagkamalan na siyang baliw at may saltik sa ulo.

Pero dahil malaking manika si Anabelle, tinusok niya ang isang manika sa peachy nito. Humalakhak siya ulit at tuwang-tuwa sa kaniyang pinaggagawa.

"You're dead..."

Limang segundong katahimikan ang nagdaan.

Loading.

Loading...

Napatili siya ng malakas sa presinya ni Azael na ngayon ay nasa pintuan. Hindi niya masyadong nakikita ang mukha ng kuya niya dahil sa liwanag. Sobrang liwanag! Napapaso siya. Kinukuha na ba siya? Wait, makakapasok ba siya sa langit ngayong may kinukulam siya?

"Ah... Eh kuya, umepek ba? I... I mean ano... Ma-mahal mo pa ba si An——" Agad niyang tinakpan ang bibig nang malakas na sinarado nito ang pintuan.

Oh no! Yari ako!

Mabibigat ang hakbang na lumapit sa kaniyang kinaroroonan si Azael. "Brat!"

"Noooo!" Ang lakas ng tili niya. Oras na mahuli siya nito, patay talaga siya!

Ayaw pa niyang mamatay! Masyado pa siyang maganda. Pero sa subrang katangahan at haba ng kaniyang gown, nasagi niya ang nag-iisang malaki niyang kandilang 7 inches. Nahirapan pa naman siya sa paghahanap ng gano'n kandila kasi instruction ni Manang... 'Not the five, not the six but the seven! Seven is heaven!'

"Fuck, Amara!"

Napatili siya nang natumba ang kandila at nilamon ang buong silid ng kadiliman. Wala siyang makita. Tamang-tama! Ito na ang pagkakataon makatakas siya sa napakalupit na tadhanang ito. Walang-ingay na gumapang siya kahit nangangapa siya sa sobrang dilim.

"Mara!"

Hindi siya sumagot sa warning tone nito. Dapat maunahan niya itong takasan or else, ititirik siya nito. Nanganganib ang kaniyang buhay. Sayang nag magandang lahi niya in the future pag maabutan siya nito! Hindi pwede.

"Damn! I'm going to turn the lights o——"

"Nooo!" Mabilis niyang tinakpan ang bibig at nagmamadaling gumapang. Bakit siya sumigaw? Tanga rin siya minsan. "Arayy!" Bumagsak siya sa sahig. Nauna ang tuhod niya at ang sakit. Napangiwi siya at pinigilan ngumawa. Baka matawag na naman niya ang kaniyang kuya Azael.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now