10 - Bed Fight

60.3K 1.4K 126
                                    

Dahil sa kapokpokan ni Theon, naingganyo siya nito nang magsimula itong magtipa ng gitara at kinantahan siya sa labas kung saan sila kumain. Maraming babae ang kinilig pero sa kaniya lang nakatitig si Theon at malandi pa siyang kinindatan. Kilig na kilig siya sa ginawa nito! Ang gwapo talaga ng hinayupak na crush niya kaso malandi lang.

Alas-dyes ng gabi nang magpasiya siyang matulog. Nawala ang kaniyang antok dahil sa boses ng binata, ang sarap sa teynga at nakaka-inlove sobra.

Dahan-dahan niyang pinihit ang pintuan nung nasa harap na siya ng room. Baka kung ano pa ang kaniyang makita. Hindi pa siya handa sa gano'n bagay at baka pagtsitsinelasin niya ang mga ito. Nakapatay ang ilaw pero dahil sa lampshade, nakita niyang mahimbing na ang mga ito sa pagtulog.

Shit! Saan siya hihiga? Siya dapat sa kama at ang mga ito dapat ang nasa sahig. Nag-ikot siya ng tingin, walang extrang comforter at bedsheet. Kung bababa naman siya para humingi sa bedding section, nakakapagod na. Tatlo lang ang kaniyang pagpipilian;

Una; sa tabi ng higad na future sister in law niya. Eww! Iniisip pa lang niya iyon, nasusuka na siya lalo na't nakayakap pa talaga ito sa kuya niya. Walang forever, maghihiwalay ang mga ito! Sinusumpa niya iyon.

Pangalawa; sa tabi ni Azael na feeling gwapo.

Pangatlo; sa gitna ng mga ito at paghiwalayin sa higaan sabay tulak sa sahig.
Tama! Napangisi siya sa huling naisip.

Dahan-dahan siyang lumapit sa mga ito. Nag-iisip kung paano ihihiwalay ang kamay ng babae na kapit ng kapit. May lindol 'te?

"Don't think about it, Mara. You can sleep next to me."

Nagulat siya sa biglang pagsasalita ni Azael. Bumagsak ang kaniyang balikat at walang magawa kundi ang humiga sa tabi nito. Malaki ang kama kaya may distansya pa rin. Sana hindi malikot ang mga ito sa higaan at hindi maghihilik. Mabilis siyang tumalikod paharap sa dingding at ipinikit ang mga mata.


Nagising siyang maganda ang mood. Ang sarap ng kaniyang tulog. Sa panaginip niya, hinampas niya ang mukha ni Anabelle. Pagkatapos, sinipa raw niya si Azael sa likod. Nagpagulong-gulong din daw siya sa garden of roses habang kumakanta. Ang ganda-ganda raw ng kaniyang boses at lahat napatulala pati mga bubuyog pumalakpak sa kaniya.

"Hello everyone!" bungad niya sa lahat nang  nag-almusal sila. Nagising siya kanina na wala na ang dalawang kasama sa higaan.

"Buti naman at nakatulog ka ng maayos?" maarteng wika ng jowa ng kuya niya.

Pero dahil plastic siya sa lahat nang plastic, ngumiti siya, "Oo naman, ikaw ba hindi?"

Wala ng space kundi sa tabi ng haliparot kaya napilitan siyang umupo ro'n. Inabot niya ang tubig at akmang inumin nang magsalita ito.

"How can I sleep kung ang ginawa mo lang naman ay pinaghahampas ako at pinagsisipa si Azael at nagpagulong-gulong ka sa kama? Duh!"

Bigla niyang naibuga ang nasa bibig. "What?!"

"Oh my God!"

Opps! Sa mukha nito niya naibuga ang tubig na nasa kaniyang bibig. Napangisi siya sa isip pero agad din nag-puppy eyes kamo sinsero siya. "Ay napagkamalan kong lababo! Sorry," lihim siyang nag-ikot ng mga mata at natawa. Pero hindi naman niya sinadya iyon. Na-shook lang siya.

"The hell! Argh! I'm outta here."Mabilis itong tumayo at galit na nag-walk out.

Napasunod naman ang kaniyang tingin dito at doon niya hindi mapigilan matawa. Natawa rin ang ilan sa mga kasamahan niya pero hindi si Azael. Matalim siya nitong tinitigan na parang leletsunin anuman oras.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now