16 - Bar Hopping

45K 1.3K 78
                                    

Nakasimangot na tumango si Amara nang magpaalam ang kanilang magulang. May business travel ang mga ito sa America at medyo matatagalan ang mga ito doon, dahil may aayusin itong bagong branch ng business ng kanilang pamilya.

"It's okay baby, parang hindi ka naman sanay na hindi kami umaalis ng Daddy mo."

Sinimangutan lang niya ang ina at maarteng  pinagtutusok ang pagkaing nasa plato niya. Nasa veranda silang tatlo. "Si Daddy lang ho 'yong umaalis, mostly nasa Pinas lang kayo."

Humagikhik ito sa kaniyang sinabi, "Eh kasi honey, mag-second honeymoon kami——"

"Ewws!" mabilis siyang umalma, "Ang laswa niyong dalawa!"

Natawa ang mga ito sa kaniyang sinabi at parang mga love birds na hindi makaget-over sa isa't isa.

Kumakain sila nang gabing iyon na magkasabay maliban kay Azael na may sariling buhay at malimit lang nakikita. Hindi nga niya alam kung buhay pa ito at humihinga pa.

"Don't worry honey, I already asked Azael na dito umuwi lagi para naman hindi ka ma-bored dito sa mansiyon." Ang daddy niya.

Natigil siya sa pagsubo ng pagkain at napangiwing napatingin sa mga ito. "Ah eh... Dad, okay lang na wala si kuya. Kaya ko sarili ko."

"Now that you mentioned it, mas lalo akong walang tiwala sa sagot mo. My answer is  no. Saka magbati na kayo ng kapatid mo. Lagi ko na lang kayong napapansin nagbabangayan. Kung kailan lumaki kayo, naging aso at pusa na kayong dalawa."

Napahaba siya ng nguso at pinagpagpatuloy ang pagkain. Kasalanan ba niya na lagi siyang inaaway at binubwesit nito? Ang bait niya kayang anak.

"Eh, kasi si kuya eh..."

"Na ano?" Mula sa kung saan ay lumabas ang kapatid niya at may bitbit na bouquet of sunflowers na gustong-gusto ng kanilang ina. Napaismid lang siya sa presinya nitong parang kabute. "Happy 28th Wedding Anniversary, Mom and Dad." Humalik ito sa pisngi ng kanilang magulang.

Na-shook naman siya sa nalaman at hindi makahuma, makalimutan niyang anniversary pala ng parents nila! Mabilis siyang tumayo at nagmamadaling lumapit sa mga ito habang bitbit 'yong isang pinggan ng pagkain. Masyado itong masarap para bitawan. Hindi pa siya tuluyan nakalapit sa mga ito para magbigay ng halik, nauna ng lumipad ang pingan niya sa ere.

"Oh my God!!!" napatili siya. Hindi niya sinasadyang matisod.

"Amara!" Napatuptop ng bibig ang kanilang ina.

"God, hija!" Napatayo naman ang kanilang ama.

"Fuck!" Si Azael.

Napangiwi siya, "Happy Anniversary sa inyo po," napahinga siya nang maluwang. At least , nabati pa rin niya ang kanilang parents kahit bumagsak siyang parang palaka sa sahig. Agad din siyang napatayo sa nakitang nagkalat sa damit ng kaniyang kuya ang pagkain.

Siya ba may gawa?

"Look what you've done, Amara!" galit na sita nito at nagsisilabasan na ang litid ng mga ugat sa buong leeg nito sa sobrang pagtitimpi. Hawak nang isang kamay nito ang babasaging pinggan. Salamat naman at hindi ito nabasag kundi mababawasan ang mga pinggan nila.

"What? Ako ba gumawa niyan?" Hindi ito sumagot, deritso lang itong naglakad at pumasok sa loob. "Kuya 'yong plato ko hugasan mo na rin, ha?"

Halos masamid sa kakatawa ang kanilang ina at nung kumalma na ito, saka siya hinarap. "Honey mag-sorry ka sa kuya mo."

"Mommy wala akong ginawang masama. 'Yong pinggan kamo, bumitaw sa kamay ko."

Umiiling-iling na lang ang kanilang ama at nagpatuloy na sa pagkain. Habang siya naman ay humalik muna sa mga ito bago bumalik sa kaniyang pwesto at kumain ulit na parang walang nangyari. Ang sarap kayang kumain nang walang inaalala. 


DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now