41 - That One Hug

42.9K 1.3K 45
                                    

Walang reaksyong nakatingin si Azael sa inang mahimbing na natutulog. Sari-saring emosyong ang nararamdaman niya pero nanatili siyang kalmado kahit ang totoo, hindi. Ang daming nangyari nung nawala sa loob ng tatlong taon si Amara at sa loob ng taon na iyon, nakasubaybay lang siya rito ng palihim at nasa malayo.

Alam din niyang bumisita ito sa pilipinas ng tatlong beses at palihim na pinagmamasdan ang kanilang ina sa loob nang tatlong taon. Lahat ng galaw nito, alam niya at nakasunod lang siya kahit na nung araw na nakita nila ito nung kasama niya si Vraiellah habang tinakas niya sandali kay Cuhen.

Kung alam lang nito kung gaano siya nagpipigil para hilain ito at itakas papalayo, ginawa niya na. Pero dahil mahal niya ang babae, hinayaan niya itong magpakalayo-layo kahit labag sa kaniyang kalooban.

Amara loathed him but the fact that he loves her, kaya niyang magtiiis kahit ilan taon pa ang aabutin. Maybe the only worst decision he ever did, is having Penelope in his life. Alam niyang masamang idea iyon pero pinagpatuloy niya dahil akala niya, makukuha niya ang atensyon ni Amara but no, hindi niya nakuha and that fucks him for real.

Nag-ring ang kaniyang cellphone, nang tingnan niya ito, si Cuhen ang nasa kabilang linya. Pinatay niya ang tawag at siya naman pagpasok ni Amara. Nagulat ito pero sandali lang iyon at walang kibong lumapit sa tabi ng kanilang ina—— nang kaniyang ina.

Hindi sila magkapatid. Matagal niya nang alam ang bagay na ito pero pinili niyang manahimik. Hinintay niyang ito ang magsalita. Namumula at namumugto ang mata nito nang ganapin ang kamay ng ginang. Dinig niya sa mga labi nito ang salitang 'sorry'.

"Umalis ka nang walang paalam at ito ang ginawa mo."

Walang sagot mula kay Amara. Nanatili lang itong tahimik at marahan hinaplos ang buhok nang kaniyang ina. Kitang kita niya kung gaano nito na-miss ang magulang na una nitong namulatan. Parang kinurot ang kaniyang puso habang pinagmamasdan ang babae. Until now, walang pinagbago ang kaniyang puso.

Saka biglang pumasok si Celestine, ngumiti ito sa kaniya ng tipid nang makita siya at nagbaba ng tingin.

"Celestine, maiwan ka muna rito. Me and Amara need to talk privately." Sa sinabi niyang iyon, biglang napalingon sa kaniya ang babae at nagtatanong ang mga mata. "Follow me." At nauna siyang lumabas nang silid na iyon.

Rooftop ang tinahak ng kaniyang mga paa. Ilang minuto ang kaniyang hinintay bago niya narinig ang boses ni Amara.

"How are you?" Iyan ang unang lumabas sa kaniyang bibig.

"I'm okay," kiming sagot nito.

Walang emosyong humarap siya at namulsa.  Tinitigan niya ito at hindi ito nagbawi ng tingin. Hindi niya mabasa kung ano ang tinatakbo ng isip nito ngayon. Minsan gusto niyang tanungin, kung gaano nito kamahal si Theon para pumayag itong pakasalan agad ang lalaki pero hindi niya magawa sa takot na baka masaktan siya lalo.

"I was 10 years old that time when I saw you. Nasa America ako with grandpa and grandma for the whole year nung dumating ka sa buhay namin. I didn't know mom hired a surrogate mother to bear a child for them. Kaya nung dumating ako ng mansiyon, sobrang tuwa ko dahil sa wakas may kapatid na ako kahit hindi ko naman talaga nakitang nagbuntis si mommy sa tuwing bumisita siya sa'kin. At first, I treat you as my little sister. Until, slowly na-develop feelings ko and it grows to love. Yes, I love you since we were both kids Amara. Ayuko pero wala akong magawa sa puso ko. I managed to hide it from you, to everyone, to myself pero mapaglaro ang tadhana," sandali siyang tumigil at humugot ng hangin, "I digged our family background. Celestine was been stoled by her surrogate mother. Ayaw nitong ibigay ang bata pagkatapos nitong isilang. Walang kaalam-alam ang parents natin, correction, parents namin na ikaw ang pinalit sa part ni Celestine. Ninakaw ka para pagtakpan si  Celestine na siyang totoong kapatid ko. Pagkatapos nilang ibigay ka sa pamilya namin at inabutan ng dalawang milyon bilang kabayaran bilang surrogate mother naglaho sila bigla dala si Celestine..."

"A-alam mo na ang lahat?"

"Nung nawala ka... Oo." Nakita niya ang paninigas nito sa kinatatayuan at hindi makasagot.

"Ngayon, iisa lang ang masasabi ko; hindi tayo magkapatid. Nahanap ko na rin ang taong nagnakaw sa'yo nung sanggol ka pa. They're both in jails sa kasong human trafficking at kidnapping. Hindi nila inamin kung sino ang nag-utos na nakawin ka pero iisa lang masasabi ko, mabubulok sila hanggang sa mamatay."

"Azael..."

Nagulat siya nang walang awang bumagsak ang mga luha nito sa mga mata. Sunod-sunod iyon at kasabay ang pagbiglang yakap nito. Para siyang nabunutan ng tinik. Hindi siya makagalaw sa ginawa ng kaniyang nag-iisang prinsesa. Naiwan sa kaniyang bulsa ang kaniyang kamay at hinayaan umiyak ito nang umiyak sa kaniyang dibdib. Galit ba ito dahil nangialam siya? Ginawa lang naman niya ang bagay na ito para rin dito. Sa ibang side, wala siyang makitang mali.

Ilang pagtitimpi ba ang ginawa niya para dito? Pagsasakrapisyo? Halos mabaliw siya nung araw na pumayag itong magpakasal. Gusto niya itong itakas, ilayo sa napakalayong lugar na walang makakakilala sa kanila pero napahinto lang siya sa katanungan pumasok sa utak niya, mamahalin na ba siya nito 'pag ginawa niya?

Ilang pagtitiis ba ang ginawa niyang pagmasdan ito bawat himbing na tulog nito sa kwarto. Umaalis lang siya kapag nakita niyang okay na ito.

Ilang suntok sa dibdib ba ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita itong magkasama ng walanghiyang Theon na iyon? Kulang na lang ay bigwasan niya ito at sakmalin ang leeg pero kung gagawin naman niya ang bagay na ito, baka mas lalo lang siyang kamuhian ni Amara. Damn! Kung alam lang nito kung gaano kalaking gulo ang binigay sa kaniyang buong pagkatao, baka sakali maiintindihan siya.

Stalker na kung stalker pero sa loob nang tatlong taon, iyon ang ginawa niya. Nasa malayo lang siya, pinagmamasdan ito sa bagong pamilya. Nasaktan siya sa bagay na ito pero napangisi sa huli, ito ang ebidensyang pwedeng magkaroon ng 'sila' nang babae. Hindi ito tunay na Legrand, which mean pwedeng ma-void ang kasal nito sa lalaki.

Nakikita niyang masayang-masaya ito sa tunay na pamilya. Hanga siya sa kaniyang prinsesa, kaya nitong sulbahin ang mga problemang gusto nitong masulosyunan. He was there when Amara decided to find the answer on Zamboanga.

Nasa malayo lang siya at pinagmamasdan bawat galaw nito. Nung kasama nito si Berkham na muntik niyang pagselosan at bugbugin sa sobrang galit. Nung pumasok ito sa isang bahay, kinausap ang mag-asawang nasa kulungan na ngayon. Nung biny pass niya ang PI na kinuha nito para malaman kung ano ang imbitigasyon ginawa nito. Ang mamahalagang impormasyon ay kinukuha niya at 'yong hindi  ang pinapaabot niya sa babae.

Hindi niya alam na sa kaniyang ginawa, mas lalong nagbigay ng pursigido kay Amara na malaman lahat ang katotohanan sa buong pagkatao nito.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now