8 - Got You!

54K 1.6K 117
                                    

Masaya ang unang araw sa Sagada kahit panay sulyap sa kaniya si Azael pero hindi siya nito pinipigilan. Mas mabuti iyon, no! Bakit kasi sumama pa ang kuyang kumag niya? Siguro si Herrence nag-imbita rito pero like duh, who cares magsasaya siya.

"Wohooo! Ang sarap dito. Ayuko na umuwi."

"Itulak kaya kita?"

Napabusangot siya nang marinig ang boses ng kaniyang kuya. Nasa ibabaw sila ng bundok at kitang-kita niya ang napakagandang tanawin ng buong lugar. Ang malamig at temperatura ng paligid ay nagbibigay ng masayang pakiramdam sa kaniya. Siya lang yata ang hindi normal. Instead na coat o jacket ang suot niya dahil sa malamig na klima, nakasuot pa siya ng sleeveless. Sa araw-araw ba na exposed siya sa aircon sino ang hindi ma-immune?

"Kapag mahulog ba ako, sasaluin mo 'ko?"

Hindi ito nakasagot sa kaniyang banat. Gusto niyang matawa sa hitsura nito pero dahil naalala niyang hindi pala sila bati at pinutol niya na ang pagkakapatid nila, iningusan niya ito at iniwan. Huwag itong lumapit lapit sa kaniya at baka itulak niya ang girlfriend nitong naging dahilan nang lahat.

Tawanan, asaran at kulitan ang buong grupo na hindi niya kilala kahit pangalan. Walong magkakapareha sila at ang iba kilala niya sa mukha, ang iba hindi lalo na 'yong mga babae na wala siyang balak kilalanin ang pangalan.

"Amara, ingat at medyo madulas ang mga bato," paalala sa kaniya ni Theon nang pumasok sila sa dalawang connecting cave. May flashlight sila sa ulo bawat isa pero dahil matigas siya, lagi siyang nagpapahuli.

Ine-enjoy niya muna ang ganda ng kwebang iyon. Gusto na nga niyang yakapin si Herrence sa sobrang ginaw. Natawa siya sa kalokohan naisip pero susubukan niya iyon mamaya ng palihim. Napahagikhik siya habang kinukunan ng litrato bawat sulok, mga likuran ng mga kasamahan niya. Picture na naka-side view si Herrence, naka-pout na si Theon, mukhang bruhang jowa ng kaniyang kuya, mga malanding kapit-tukong kasamang babae sa mga boyfriend nila at ang huli, ang kuya niyang nakataas ang tingin at pinagmamasdan ang kagandahan ng lugar. Sandali siyang natigilan at pinagmasdan ang picture nito, bahagya siyang napakagat ng labi at ilang beses na napailing-iling. God! Bakit ba ang gwapo ng kuya niya! Gusto niyang magwala sa sobrang inis.

Mga tatlong dipa na ang layo ng mga ito habang siya ay nasa huli pa. Masyado niyang na-enjoy ang pagkuha ng larawan. Hindi naman siya takot sa dilim dahil lumaki yata siyang matapang. 'Wag lang may ahas na gagapang at baka himatayin siya.

"Amara!"

Amara nye-nye! Puro ka, Amara.

Narinig niya ang boses ni Azael. Nabwesit siya at nagpasyang inisin ito at sabay naman pumasok na kalokohan sa kaniyang utak, natawa siya ng mahina. Amara ito nang Amara, ah. Bantayan kuno raw siya, pwes, maghanapan sila nito sa loob ng cave na iyon.

Mabilis siyang nagtago sa isang malaking tipak ng bato. Walang travellers dahil buong araw inupahan ni Theon ang dalawang connecting cave. Nang makapagtago na siya, mabilis niyang pinatay ang flashlight sa ulo. Ilang beses pa niyang kinurap-kurap ang mata dahil sa kadiliman at aaminin niyang nakakatakot pala pag madilim at walang makita.

"Damn Amara, stop playing around!" rinig niyang sigaw nito.

"Quit that babe. She's malaki na! I'm sure she's somewhere d'yan and taking picture or whatever. Just let her naman," ang maarteng sagot naman ng jowa nito.

Nag-ikot siya ng eyeball. Sapakin niya kaya ang Annabelle na 'yon? Akala siguro nito hindi niya alam na ayaw nito sa kagandahan niya. FYI, mas maganda siya.

"She's right dude, just let her. Beside, this cave is safe," usal ni Herrence.

Napaismid siya sa kaniyang pinagtataguan. Nag-effort pa siya sa pagtago sa malaking bato na iyon.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now