9 - Unknown Feelings

51.4K 1.4K 30
                                    

Mabilis niyang tinulak si Azael at dumistansya. Masyado siyang nailang sa sitwasyon nila nang mga sandaling iyon. Isabay pa ang pag-unahan sa pagtibok ng puso niya, halos lumabas na ito sa kaniyang dibdib.

"Ilalabas na kita." Akmang bubuhatin siya nito pero mabilis siyang umayaw.

"Kaya kong maglakad!" Mabilis siyang humakbang.

Pero ang totoo, ang sakit pa rin ng balakang niya. Ayaw lang niyang mapalapit dito dahil nag-iiba ang tahip ng kaniyang dibdib at napaka-weird iyon sa part niya. At dahil nasa kweba nga sila, nakaagapay pa rin si Azael sa kaniyang likuran lalo na at may paakyat at pababa sa loob ng kwebang iyon. Kahit itaboy niya ito nang paulit-ulit hindi pa rin ito nakikinig. Sinusungitan lang siya nito at kulang na lang ay irapan siya.

"Ang tigas talaga ng ulo mo bata ka!" inis na pakli nito nang bahagya siyang madulas.

Napangisi siya pero agad din napanguso. Bata? Ano siya naka-diaper at dumedede pa? Suntukin niya ito sa tiyan, eh.

Narating niya ang labas ng kweba na pagod na pagod. Ang taas ba naman ng inakyat nila pabalik sa entrace. Gusto niyang maglupasay ro'n dahil may hagdanan pa para tuluyan makalabas. Masakit na ang kaniyang tuhod.

"Pagod ka na?" masungit na tanong nito.

"Hindi, ah. Maganda lang ako pero never mapapagod." Inirapan niya ito at nagsimulang humakbang ulit. Anong akala nito, hindi niya kaya ang kaniyang sarili. Ba't ba andito pa itong kumag na ito at sunod nang sunod sa kaniya.

"Bumalik ka na ro'n at kaya ko na ang sarili ko rito. Maghihintay na lang ako sa sa loob ng sasakyan," taboy niya.

Tiningnan lang siya nito na parang hindi narinig at naunang maglakad sa kaniya. Tingnan mo, napakawalanghiya talaga ng kapatid niya! Magkapatid ba talaga sila? Bakit sobrang bait niya at demonyo ito?

Hindi nga siya nito ningingitian. Mabibilang lang sa daliri ang mga okasyon na ngingiti ito sa kaniya. Buti pa sa ibang babae at mga kaibigan nito, ang lakas nitong mang-asar at tumawa. Samantalang sa kaniya, kailangan pa niyang mag-effort para mapansin ang kaniyang kakyutan.

Nauna sa kaniya si Azael sa taas at pinagmamasdan lang siya nito sa ibaba ng hangdanan. Nakapamulsa ito at parang sinasabi sa kaniyang, 'sige diyan ka lang at mamaya niyan sisigaw ka na naman ng kuya mong baliw ka.ʼ

Napaismid siya. Kahit pagod na pagod siya, pinilit niyang ihakbang ang mga paang nangalay na. Hindi siya sisigaw ng kuya dahil bubwesitin lang siya nito hanggang sa mapikon siya. Dito ito magaling eh, ang mamikon. Next time, bayagan na talaga niya ito. Bahala na kung hindi siya magkakaroon ng mga pamangkin.

"Ano kaya pa?"

"Oo naman! Anong tingin mo sa'kin, loser?"

"Sinabi mo na," kangising bwelta nito.

Bwesit ka kuya!

Gusto niyang isigaw ang nga katagang iyon pero kinalma niya ang kaniyang kagandahan. Ayaw niyang papangit dahil lang dito. Marami pa siyang pangarap at ayaw niyang masira lang iyon dahil sa bwesit na kapatid niya.

Pagod na pagod siyang umupo sa likuran ng sasakyan. Imbes na mag-enjoy, sa sasakyan lang pala ang bagsak niya.

Ang walanghiyang kuya niya? Bumalik sa kweba matapos siyang ihatid sa sasakyan. Kesyo makikipagharutan ito malamang sa nobya nitong kinain ng kaplastikan ang katawan. Inis na hinarap niya ang camera at pinagtitingnan na lang ang mga larawan nakuha niya.

Ngising aso siya habang inisa-isa ang mga larawan lalo na nung huminto kay Herrence at Theon. Napahagikhik siya sa kilig. Ang gagwapo talaga ng mga hayop na ito! Kung hindi lang siya pinalaki ng maayos ng magulang niya, baka kung ano na magawa niya sa mga ito. Natawa siya sa sariling kalokohan hanggang sa napawi iyon nang bumungad sa kaniya ang magkahawak kamay na Azael at si Annabelle the scary doll.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now