3 - Avoiding

70K 2K 83
                                    

Sinimulan niyang haplusin ang buhok nito. Kulutan ang buhok ng kaniyang kuya at ang lambot nito sa kamay. Mas malambot pa yata iyon kesa sa buhok niya. Kung may pagkakatulad man sila, iyon ay ang kanilang buhok. Pareho silang kulot. Nakalimutan na rin niyang may assignments siya. Basta lang siyang nakatitig kay Azael habang ang daliri ay nasa buhok ng binata. Her kuya is so gwapo and she knows it! Sana hindi rin nito alam na crush niya kundi aasarin siya nito hanggang sa mapikon siya at iiyak na parang bata.

"Stop Amara or I can't stop myself anymore..." Bigla itong nagdilat ng mata at mahigpit na hinawakan ang kaniyang kamay para tumigil sa kaniyang ginagawa.

"Why? Hindi ba pwedeng na-appreciate ko lang po ang kagwapuhan mo?" inosenteng tanong niya.

Napatitig ito sa kaniya. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng mga titig na iyon. Marahan nitong inabot ang kaniyang pisngi.

"Kuya..." ngumiti siya ng matamis.

"Fuck it!" malutong na mura nito na parang nagising bigla.

Napabangon siya nang bumangon ito at deritsong lumabas ng silid. Tinawag niya ang lalaki pero hindi ito lumingon. Kaya naghintay siya nang ilang minuto na babalik ito pero hindi na ito bumalik kaya laglag ang balikat na bumalik siya sa sariling kwarto.

Maliban sa sobrang protective nito, nararamdaman din niyang nagiging maarte na rin ito at halos ayaw ng magpahawak sa kaniya na lagi naman niyang ginagawa nung bata pa siya. Wala siyang naging kalaro dahil dito siya laging kapit-tuko at ito lang sapat na sa kaniya. Paborito niyang laruin noon ay 'Bahay-bahayan'. Siya ang nanay at ito naman ay ang tatay at ang mga anak nila ay mga stuff toys niya.

Naalala niya pa, si Azael din ang kaniyang first kiss. 10 years old siya nung ginaya niya ang napanood na Frog Princess Disney Movie. Out of the blue, she asked him to kiss her. Titingnan niya ang sarili kung magiging palaka rin ba siya. Natatawa siya lagi kapag naaalala ang kaingutan noon. Hindi naman siya binigo ng kaniyang kapatid, hinalikan siya nito sa labi pero smack lang iyon. Nakapikit pa siya na parang tanga at pa-suspense na dinilat ang mata para lang ma-disappoint dahil hindi siya naging palaka.

Nakatulog siya nang gabing iyon na nakayupyop sa study table. Pero nang magising siya kinabukasan, nasa kama na siya at nakakumot. May mga sagot na lahat ng kaniyang assignments at pati ang project niya, tapos na rin at naka-display sa side table. Napangiti siya. Sabi na nga ba, hindi siya kayang tiisin ng kapatid, eh.



Lumipas ang mga buwan, mas lalo niyang nararamdaman na nilalayuan siya ni Azael at naiinis siya sa bagay na iyon. Iniiwasan ba siya ng kapatid? Hindi ito sumipot nung birthday niya nung nakaraang linggo at mas lalong nagpadagdag ng tampo at inis niya ang bagay na iyon. Pinapangako niyang hindi ito papansinin. Nasa America raw kasi ito at sobrang busy at hindi makauwi. Napaingus siya. Sabihin nito, nasa babae kamo. Gusto niyang bumunghalit ng iyak tulad nung bata pa siya pero hindi niya ginawa. Bahala nga ito!

"Oy Amara, wala ka bang bagong pictures ng kuya mo?""

Napasimangot siya sa tanong na iyon ng kaklase. Nasa senior high na siya at maglilimang buwan niya nang hindi nakita ang lalaki. First time na nangyari iyon. Dati naman, halos hindi ito mapakali kung hindi uuwi ng mansyon pero ngayon, wala na yata itong planong umuwi pa.

"Wala. Ewan ko do'n! Pasok na lang tayo sa ice cream house. Gusto ko kumain ng ice cream." Hinila niya na ito kahit hindi naman talaga sila matalik na kaibigan. Kaya lang naman ito lapit nang lapit sa kaniya dahil crush nito ang kaniyang kuya Azael at ito ang number one client niya pagdating sa bintahan.

Nakatatlong subo pa lang siya ng ube icecream na inorder niya nang may matanaw ang kaniyang mata. No! Nanlaki ang kaniyang mata at bahagyang napatayo para siguraduhin ang kaniyang nakikita.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon