4 - Comethru

64.9K 1.8K 78
                                    

Sa nangyaring kahihiyan, wala na siyang mukhang ihaharap sa kaniyang kuya. Galit din siya rito kaya iniwasan niya ito at pambihira na rin niyang makita ang kapatid. Halos hindi na nga niya nakita simula nang insidenteng nangyari sa kwarto niya pero nakadagdag tampo at inis iyon sa inosente niyang puso. Bwesit talaga ang kapatid niya!

"Hey, Amara baby!"

Napalingon siya. Alam niyang si Theon ang tumawag. Kasama nito si Herrence na seryuso lagi ang mukha. Himala na siguro kung makikita niya itong ngumiti but gosh, ang dalawang crush niya! Biglang naghugis puso ang mga mata niya habang nakatingin sa mga ito. Ang swerte ba naman ng araw niya!

"Yeah?" umarte siyang casual sa harap ng mga ito.

"Gusto mo sumama?" Si Theon na nakangisi. Minsan nakakatakot din ang ngisi nito, parang asong ulol.

Tumingin siya sa wristwatch na suot. Maaga pa naman at isa pa, si Theon at Herrence ang kaniyang kasama. Mabilis siyang tumango at pumayag. Nagkibit naman ng balikat si Herrence na ngayon lang niya napansin na may bitbit na isang bugkos ng rosas habang chocolates naman kay Theon sa kamay. Nanlaki ang kaniyang mata at nagdududang napatingin sa mga ito.

"Omo! May relasyon kayo?!" parang tangang bulalas niya.

Isang malakas na kutong ang kaniyang nakuha kay Theon. "Baklang twuuu!" pabirong irap sa kaniya ng lalaki, "Mag-pinsan kami! Baliw ka."

Natawa naman siya ng malakas sa inakto ni Theon. Bagay na bagay nito maging bakla saka biro lang niya iyon. Of course, alam niyang magkadugo ang mga ito kaya nga pareho niya itong crush. Maliban sa ang gagwapo, ang gaganda pa ng mga mata. Hindi tulad ng kuya Azael niyang sobrang dugyot. Napaismid siya nang maalala ang lalaki.

Mabilis siyang inakbayan ni Theon nang papunta na sila sa kotse na pag-aari nito sa parking lot. Buti talaga at nagpasiya siyang mag-window shopping at manood ng sine. Sinuwerte siya at nakita niya ang dalawang gwapong crush niya! Sarap i-take home.

May sariiling sasakyan si Herrence kaya sa sasakyan siya ni Theon sumakay. Ang awkward kasi sumakay kasama kay Herrence, parang laging pasan nito ang mundo at hindi ito umiimik maliban na lang kapag kausap nito ang pinsan nilang si Cuhen at kuya niyang si Azael.

"Saan nga pala tayo pupunta? Huwag mong sabihin na itatanan mo ako ah, hindi pa ako ready..."

Malakas na halakhak si Theon. Halos masamid-samid ito sa kakatawa. Namula naman ang kaniyang buong mukha. May mali ba sa kaniyang sinabi? Malay ba niya at itatanan talaga siya nito.

"Ang lakas talaga ng pang-amoy mo, Amara baby. Paano mo nalaman na itatanan na kita?"

Nanlaki ang kaniyang mata sa sinabi nito, "Talaga? Pero hindi pa pwede, Theon! Gusto ko pa magtapos ng senior high at magagalit si Mommy niyan, baka pwede pag tapos na ako." sabay hagikhik niya.

Mas lalong bumunghalit ito ng tawa. "Ewan ko sa'yo, Amara."

Hindi na siya umimik at hinarap ang kaniyang cellphone. Umabot rin ng isang oras ang kanilang byahe dahil sa light traffic. Napansin niyang nasa Fobres Park sila. Naunang bumaba si Herrence sa unahan habang bitbit nito ang chocolate sa isang kamay. Hindi niya na hinintay na pagbuksan siya ni Theon, deritso na siyang lumabas at napaikot ang kaniyang tingin sa paligid. Isang modern mansiyon ang kaniyang nakita at nagustuhan niya ang desinyo.

"Sinong may-ari nito?"

"Bakit, bibilhin mo?" Si Herrence.

Napanguso siya sa naging sagot na iyon ng lalaki. Kung hindi lang niya ito crush, naku lang! baka inaway niya na ito. Buti na lang at mababait siya sa mga crushes niya.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now