25 - Mark As Mine

50.7K 1.2K 27
                                    

Marahan sinipat ni Amara ang mga kalmot na nakuha niya, habang kaharap ang malaking salamin sa loob ng banyo nang kaniyang condo. Lugi siya dahil hindi matataas ang kaniyang mga kuku. Pero alam  niyang masakit ang kaniyang paghila sa buhok nung babae, na balak sana niyang kalbuhin.

Paglabas niya, awtomatikong nagulat siya nang makita si Trinity at si Azael  na nakaupo sa sofa. Nag-uusap ang mga ito na paranf matagal ng magkakilala. Anong ginagawa ng lalaki sa loob ng condo niya?! Gusto niyang palayasin ito pero naunahan siya ni Trinity.

"Hi Amara, I was on my way to your unit when I saw your kuya kaya I brought him here since he's your older brother naman and he wanted to talk you. I like your kuya, he's so sweet! I hope I have a brother like him."

Tama nga pala, walang alam ang babae sa namamagitan sa kanila ng lalaki. Kung gaano kalaking pader ang nakaharang sa kanilang dalawang magkapatid.

Ngumiti siya ng pilit. "Ano ba ang gusto niyong inumin? Kape, tsaa——"

"Don't bother," agap na saad ni Azael.

Nag-iwas siya ng tingin at nagtungo sa kitchen. Hindi niya kayang pagmasdan ang mukha nito at mas lalong ayaw niyang nasa isang lugar sila. Nakakasuka ang pagmumukha nito at baka hindi niya mapigilan sampalin ito kahit nasa harapan nila si Trinity.

"Amara gaga, I gotta go! I got a call from my Mom."

Mula sa sala ay malakas na sigaw ng babae.
Bago pa niya ito napigilan at sabihin 'wag siyang iwan mag-isa, nakalabas na ito. Bigla siyang kinain ng kaba at takot. But no, hindi siya padadaig ng takot!

Pinili niyang pakalmahin ang sarili at nagpasyang bumalik sa sala kung saan si Azael pero hindi na pala niya pwede gawin 'yon. Nasa bukana na ito ng pintuan ng kitchen at malamig ang tingin binigay sa kaniya.

"I saw the video of you and Penelope——"

"Get lost," putol niya sa gusto nitong sabihin at tinungo ang ref. Kumuha siya ng tubig at walang gatol na uminom mula sa pitsel. She hates him. Gigil na gigil siyang paalisin ito.

Walang tugon mula kay Azael pero nagulat na lang siya nang may humawak sa kaniyang braso. Mahigpit iyon at masakit ang paraan ng pagkakahawak nito. "So you said yes to our parents?"

Hindi siya tanga masyado para hindi alam ang ibig sabihin nito. Pinuponto nito ang pagpapakasal niya kay Theon. Ngumisi siya at matapang na hinarap ito kahit nasasaktan siya sa paraan ng pagkakahawak nito sa kaniyang braso.

"Oo, walang mali ro'n. Mahal ko si Theon at mahal niya ako kaya magpapakasal kami——" Napasigaw siya sa gulat ng malakas siya nitong isinandal sa isang tabi at sinungtok nito ang sementong dingding.

Wala siyang ibang nakita sa mukha nito, kundi galit. Napangiti siya. That's it, para magising ito sa kahibangan at lubayan siya. Wala siyang pakialam sa nararamdaman nito.

"I won't let that happen. You are mine."

Isang malakas na sampal ang binigay niya rito at buong pwersang tinulak ito papalayo sa kaniya. "Hindi mo ako pagmamay-ari at kailanman ay hindi ako mapapasayo!" taas noong sambit niya.

"Then I'll mark you again as MINE."

Nagpumiglas siya nang haklitin nito ang kaniyang braso at walang sabing hinalikan siya ng mapusok. Gusto niyang sumigaw at magwala pero isinandal siya nito ulit sa isang tabi at ginamitan ng lakas para hindi makawala. Matangkad at malaki ang pangangatawan ni Azaela at kahit anong pilit niyang makawala ay walang saysay. Masakit ang paraan ng paghalik nito at nalalasahan din niya ang dugo mula sa labi niya.

Napaiyak siya pero walang silbi ang mga luha niya nang simulang haplusin nito ang kaniyang leeg hanggang ang kaniyang dibdib. Gusto niyang magsisigaw ng tulong pero kapag ginawa niya iyon, bibigyan lang niya nang dahilan si Azarl na tuluyan angkinin siya.

Napakademonyo nito! Sabi na nga ba na may ibang sadya ito kaya narito ito sa Australia. Tuluyan siyang humagulhul nang bumaba ang labi nito sa kaniyang leeg at nilagyan siya ng marka.

"You're mine, Mara." Saka siya iniwan.

Nanginginig ang mga tuhod na napaupo siya sa sahig. Walang tigil sa pagpatak ang mga luha niya at mas lalong lumaki ang galit niya sa binata. Kahit mamatay ito ay hindi niya ito patatawarin! Konting-tiis na lang at magpapakasal siya kay Theon sa lalong madaling panahon. Baliw na ang kaniyang kapatid at kailangan na itong matigil sa paggiging baliw sa kaniya. Iniisip pa lang niya ang sinabi nito, nandidiri na siya.

Tulad nang dati, pumasok pa rin siya na parang walang nangyaring masama sa kaniya. Masyado siyang maganda para sirain ang kaniyang araw at... Natigil siya sa paglalakad sa hallway nang may mahagilap ang kaniyang mata. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin nang makita niya si Azael na hinatid ang mukhang tansong Penelope.

She pretend she never saw them. Bagay lang na magsama ang dalawa at wala siyang pakialam doon. Marahan niyang pinapalangin na sana ay matapos na ang senior high niya at nang makatakas na siya sa lugar na ito. Akala niya, hindi siya masusundan o malalaman nito kung saan siya pero masyado yata niyang minaliit ang kakayahan nito. Hindi sapat ang pagtatagong ginawa niya para matakasan si Azael.

"Amara!" Mula sa kung saan ay biglang sulpot ni Trinity.

Napasimangot siya. "Himala at wala kang pagkain dala?" natatawang saad niya at sabay na silang maglakad papasok sa unang subject nila sa araw na iyon.

"Yeah, maybe later. Have you heard the news?" mahinang tanong nito at sandali pa siyang tinitigan.

Napaseryuso siya bigla. Wait, buntis ba ito? May nobyo? May napikot? Napatakip siya ng bibig. No waysss! "May nagkamaling lalaki sa'yo?"

"Sira, hindi iyan. What I mean kasi, Penelope is being rumored na engaged last night at alam mo ba kung sino ang lalaking nag-propose... God, Amara! Ang kuya mo!"

Para siyang bombang pinasabog, hindi agad rumehistro sa kaniyang utak ang sinabi ni Trinity. Bigla siyang nag-loading. Wow! Ambilis ng hiling niya.

"Hey, what happened to your neck?"

Mabilis niyang tinakpan ng scarf ang kaniyang leeg at nagpatuloy sa paglalakad. Well, one thing she is sure of at iyon ay ang wala siyang pakialam kahit buong babae sa Pinas ang yayain ni Azael magpakasal. Hindi niya alam kung anong laro ang gusto nitong mangyari pero handa siya. Alam niyang may pinaplano ito at iyon ang dapat niyang paghandaan. Pinadoble na rin niya ang lock ng unit niya at pinalagyan ng security camera.

"Wait, hindi ka ba eeksena? Like hahayaan mo ang gwapo mong kuya?" mabilis na humabol sa kaniya ang babae.

"Let him be and besides, hindi kami close."

Napatitig ito sa kaniya. Parang may gusto itong sabihin pero mas pinili nitong manahimik at sumunod sa kaniyang paglalakad.

Ano kaya ang iisipin nito kung sakaling malaman nito ang tunay na gap nila ni Azael? Mandidiri rin ba ito tulad ng pandidiring naramdaman niya?

Ilan sa mga estudyante ay napapalingon at nagbubulungan nang makita siya. Wala siyang pakialam. Instant sikat siya ngayon dahil sa nangyaring kaguluhan nung nakaraang araw. Ang iba ay umiiwas sa kaniya na para siyang may sakit na nakakahawa. Hindi siya affected at sanay kaya siyang walang kaibigan sa dating pinapasukan. Si Trinidad lang ay sapat na sa kaniya.

"Anong tinitingin niyo? Tutusukin ko 'yan mga mata niyo, eh!" pinandidilatan ito ng mata ni Trinity.

Natawa na lang siya dahil alam niyang hindi naiintindihan iyon ng mga estudyanteng bawat nadadaanan nila.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now