49 - Spongebob Square Pants

45.3K 1.3K 177
                                    

Hindi niya magawang kumilos basta ang alam lang niya ay nanginginig ang kaniyang katawan at gusto niyang pumatay ng tao. Putangina!

"Papakasalan mo ang anak ko or kasama kang mamamatay sa babaeng iyan?" Isang kasa ng baril ang narinig niya pero hindi siya lumingon.

Nanatili siyang nakatingin sa babaeng wala ng buhay na nakahiga. Kitang-kita sa mukha nito ang matinding paghihirap na sinapit and that makes him mad. Tangina lang sobrang sakit!

"Sumagot ka!" malakas ang boses nito pero wala pa rin reaksyon na makikita sa kaniya.

Nanginginig ang kaniyang kamay na hinaplos ang pisngi ni Amara at marahan hinawi ang buhok nito. Marahang nagsipatakan ang kaniyang mga luha at niyakap ito nang mahigpit. Napahagulhol siya habang yakap-yakap lupaypay nitong katawan. Kung naging alisto lang sana siya kanina baka hind na ito nangyari. Kung sana naging mabilis siya sa paghabol sa mga ito. Kung sana naging mas maingat siya tulad nang pag-iingat niya rito simula nung bata pa sila.

Amara... My princess.

Napakuyom siya ng kamao at may pag-iingat na binitawan ang walang buhay nitong katawan. Hindi pa rin tumigil sa pagpatak ang kaniyang mga luha. Makakapatay siya ng tao nito!

"Ano, Azael? Gusto mo ba'ng mamatay din?!""

Mapakla siyang natawa. Sino ang taong ulol ang papayag na mamatay? Pero kung ganito lang din naman ang lahat, mamamatay siya na kasama ang babaeng mahal niya.

"Kill me while you still can.""

"What?"

"Patayin niyo ako habang kaya niyo pa dahil kung hindi, iisa-isahin ko kayong pagpapatayin at susunugin ng buong-buo sa impyerno! Hindi basta-bastang babae ang kinuha niyo sa'kin! Amara is my life. Siya lang ang nag-iisang babaeng minahal ko at hindi na ako magmamahal pa ng ibang babae. And for the fucking sake, patayin niyo ako mga putangina niyo!" nanlilisik ang kaniyang mata nang lingunin ang taong nagsalita. Gusto niyang durugin lahat ng mga buto nito sa katawan. Pagbabaliiin at pagbabalatan hanggang sa magsawa siya sa ginawa. Fuck! Walang kapatawaran ang ginawa ng mga ito sa babaeng minahal niya!

Can I Be Your Mrs. Legrand Forever?

Napatanga siya sa letrang bumungad sa kaniya. Fuck! Anong nangyari? Nalito siya bigla. Putangina! Mukhang nadali siya ng mga hinayupak na kaibigan niya at nauto. Napatingin siya sa mga ito. Pati sa banner na hawak at mga letrang nakasulat. Anong nangyari? Akala ba niya si Penelope ang may pakana nito? Teka, mukhang nasubraan yata siya sa tubig dagat at napasma ang kagwapuhan niya.

Alam niyang matalino niya sa math pero sa mga sandaling iyon ay bigla siyang naging bobo, hindi niya mabilang kung ilang tao ang nandun. Malinaw naman mga mata niya pero bigla itong nanlabo, mga letrang nakasulat lang ang nakikita niya at hindi ang mga mukha ng mga taong nando'n.

Wala siyang sakit, infact healthy siyang tao but this time ay may acute heart cancer na yata siya kung meron man ganun sakit. Kailangan na yata niyang magpatingin kay Hudson.

"Azael..."

Tangina! Minumulto ba siya ngayon ni Amara? Ang bilis naman nitong sunduin siya. Sasama naman siya, 'wag lang sa paraan na tatakutin siya nito. Pero dahil mahal na mahal niya ang kaniyang nag-iisang prinsesa, sasama siya kahit saan pa sila pumunta.

Agad siyang napalingon dito at awtomatikong napanganga. Hindi niya alam kung ano ang iisipin nang mga sandaling iyon habang nakatingin sa babaeng napakaganda ang ngiting binigay sa kaniya. Kulang na lang ay magsiawitan ang mga anghel sa langit dahil sa ganda ng mga ngiti nito. Amara is alive! Amara is fucking alive! Naluluhang napaluhod siya sa harapan nito at pinangko.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDOù les histoires vivent. Découvrez maintenant