47 - Thank You Lord!

44.6K 1.3K 157
                                    

Busy sa pagkakalikot ng cellphone si Azael sa sala at naglalaro ng Candy Crush nang maramdaman niyang nagising si Amara. Based sa pangalang tinawag nito, parang gustong manakal ni Azael.

Theon!

Bakit nga ba hindi niya binalian ng buto si Willoughby kanina at inilibing sa buhangin ang hayop na 'yon?! Hindi niya pinansin ang pagtawag nito, nanatili siyang naglaro sa kaniyang cellphone ng Candy Crush Saga. Level 10 na siya at kailangan niyang mag-match ng candies pero agad din niyang binagsak sa sofa at humugot ng hangin bago nagpasyang pumasok sa silid kung nasaan ang babae.

Nagulat ito nang makita siya at hindi agad nakapagsalita. Nakatitig lang ito sa kaniya at kitang-kita niya ang malungkot na kislap ng mga mata nito.

"A-azael..."

Lumapit siya rito at walang ngiting tumango. Seryuso lang siyang nakatingin. "Tayo lang dalawa rito and if you asked me kung nasaan, hindi ko rin alam. All I know is iniwan ka sa'kin ng asawa mo at..." napakuyom siya ng kamao. "At huwag mo na siyang hanapin. Ang isipin mo ay ang maka-recover agad."

Kung may mangyayaring masama talaga kay Amara, babalatan niya talaga ng balat si Theon. Dapat nasa hospital ang babaeng prinsesa niya at nagpapagaling, hindi sa silid na ito. Damn. Hindi niya akalain na kayang gawin ito ni Penelope sa sobrang pagmamahal.

"Gutom... Ako..."

Perfect! Nagluto siya ng soup para madali lang dito. Walang sabi na umalis siya sa harapan ni Amara. Mabilis niyang kinuha ang soup na hinanda niya at isang basong gatas. Nagdala rin siya ng mangga panghimagas nito. Napangiti siya nang maisip na siya ang magsusubo para kay Amara. Sa araw na iyon mismo, siya ang magsisilbi sa kaniyang prinsesa sa ayaw man at sa gusto nito. Siya ang masusunod.

Hindi nagreklamo si Amara nang alalayan niya ito at maingat na pinaupo. Kahit papaano, medyo okay na ang babae. Nilagyan niya ng unan ang likuran at ingat na ingat na huwag itong masaktan sa maling galaw niya.

Ngumiti ito at nagbaba ng tingin nang magsimula siyang subuan ito ng mainit-init na sopas. Sa sobrang ka-excited niya kanina, wala siyang matinong maisip kundi ay sopas ang ihanda.

Marahan niyang hinipan ang sopas bago dinala sa bibig ni Amara. Ang tagal niyang pinangarap ang ganitong tagpo at masama na kung masama, natutuwa siya sa nangyari ngayon. Parang ngayon siya pinagbigyan ng panahon na magawa ang kaniyang gusto, ang alagaan at pagsilbihan ang babaeng pinakamamahal niya.

"A-aren't you tired?"

Sandali siyang natigilan at nagkibit ng balikat. "For what?"

Hindi ito sumagot. Nagbaba lang ito ng tingin at pinagpatuloy niya ang pagsisilbi rito. "Where are we?" mayamaya'y tanong nito.

"Away from the city."

Napamangha ito sa kaniyang sinabi at lumarawan ang saya pero agad din nawala nang maalala nito ang kalagayan. Kaya nag-offer siya na dadalhin niya ito at ipapasyal sa dalampasigan pagkatapos nitong kumain. Hapon naman at hindi masakit sa balat ang sinag ng araw, maliban sa may mga punong niyog, malakas din ang simoy ng hangin.

Maingat niyang isinakay ito sa wheelchair. For the first time, wala siyang naririnig na reklamo sa bibig nito na dati nitong ginagawa sa tuwing magkalapit silang dalawa.

Marahan niyang itinulak ang wheelchair papalabas ng silid at nang bahay. Agad bumungad sa kanila ang malamig na samyos ng hangin at magandang tanawin. Pero kung siya ang tatanungin, wala nang mas hihigit pa sa magandang tanawin ang papantay kay Amara. Ito langang bukod tanging pinakamaganda sa kaniyang mga mata.

Kitang kita niya ang galak sa mga mata ni Amara nang huminto sila sa isang tabi at umupo siya sa buhanginan paharap sa dagat. Ang tagal niyang pinangarap ito at sa isipin na nangyari na nga, parang hindi niya mapigilan maging emosyonal. Masayang-masaya siya.

"Ang ganda!" mahinang saad nito.

"Hindi kayang pantayan ng anuman dagat ang kagandahan mo Mara."

"T-thank you... Azael..."

Namula ang buong mukha nito at hindi nakaligtas sa mga mata niya ang bagay na iyon. Lalaki siya pero puta, kinikilig siya! Nakakabakla! Sa naramdaman niyang kilig, bigla-bigla lang siyang tumakbo at naghubad ng tshirt papunta sa tubig. Nakakahiya kung makita siya nitong kinikilig to the bones tangina! Parang gusto niyang sumigaw ng 'Candy Crush!'

Nakipaglaro siya sa tubig ng ilang minuto bago siya nagpasyang umahon nung kumalma na ang kilig hormones niya sa katawan. Nasa unahan pa rin si Amara at kitang-kita niya ang pagtitig na ginawa nito sa kaniyang katawan. Napangisi siya at mas lalong ginanahan. Nag-slow motion siyang gumalaw at marahan sinuklay ang buhok gamit ang kaniyang kamay. Nag-flex din siya ng abs at nagsilabasan iyon at slow mo pa rin na naglakad papunta sa kaniyang prinsesang napatulala sa kaniyang kagwapuhan taglay. Natawa siya sa naisip. Para kay Amara lang ang kaniyang katawan  at ito lang ang may karapatan tikman siya.

"You're drooling."

Bigla itong natauhan nang sinabi niya ang bagay na iyon. Namula ang pisngi at nag-iwas ng tingin.

"I-I'm tired. G-gusto ko na bumalik sa loob!"

Napangisi siya. Affected ito sa kaniyang presinsya, ibig sabihin ba nito ay napapansin na nito ang kaniyang existence? Ang cute talaga ng babaeng ito! Kung hindi lang siguro ito injured, baka kung ano na nagawa niya. Tawang-tawa siya sa kalokohan naisip habang tinutulak ang wheelchair pabalik ng bahay. Siya ang kinilig sa sariling naisip.

"Azael wait!"

Napahinto siya at hinintay ang sasabihin nito. Sasabihin na ba nitong sobrang gwapo niya at pipiliin na siya? Maliit na bagay kung kagwapuhan lang ang pag-uusapan. Dahil sa kagwapuhan niya ay naiinggit si Cuhen at sinunug ang bagong bahay-bakasyunan niya sa Tagaytay. Natatawa siya sa tuwing naaalala ang  tanginang pinsan niya.

"Naiihi ako! Bilisan mo!"

"Ha?"

"Kanina pa ako ihing-ihi. Nakalimutan ko lang nung makita ko abs mo... I mean, nung ano... Ihing ihi na ako!"

Fuck! Akala niya nagwapuhan na ito sa kaniya. Wala siyang magawa kundi ang mabilis na itulak ang wheelchair para makauwi agad at madala ito sa banyo. Iyon nga lang, doon na naman nagsimula ang problema.

"Azael binabalaan kita! Oras na titingin ka sa ano ko, papatayin kita!"

Nag-abot ang kaniyang kilay sa sinabi nito. Ito na nga tinutulungan para makaihi na. Kaya para siyang tanga na nakapikit habang binababa ang pajama nito at undies hanggang tuhod saka marahan binuhat palipat sa bowl. Ang sarap alagaan ng kaniyang prinsesa, napakahirap.

"Bakit mo hinawakan ang pwet ko!" ang lakas ng tili ni Amara ang sumunod na narinig niya. "Bastos ka talaga!"

As if naman hindi niya ito nakita dati. "Calm down! Wala kang pwet!" pang-aasar niya.

Narinig niyang nagmura ito at kulang na lang ay bugbugin siya pero hindi nito magawa dahil sa swerong nakakabit at kamay na nakaplaster.

Thank you Lord!

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDWhere stories live. Discover now