51 - Spatula (FINAL CHAPTER)

66.8K 1.6K 259
                                    

"Theon!" Masayang tumakbo si Amara para yakapin ang lalaki pero biglang humarang si Azael na nakasimangot ang mukha.

"Back off, asshole." Humarang ito sa gitna at ito mismo ang yumakap sa kaniya nang mahigpit at biglang binelatan si Theon.

"Ang damot mo, ah! She's my wife way back then."

"EX WIFE." pag-emphasised ni Azael at nakahawak na sa kaniyang beywang. Nakasimangot pa rin ito at halatang ayaw lang siyang palapitin sa lalaki kahit may asawa na rin si Theon.

"So? Kung hindi ko siya pinakawalan sa tingin mo magiging sa'yo siya?"

Napairap  siya sa hangin at pumagitna sa dalawang lalaki na nagbabangayan. Nasa isang simbahan sila para umattend sa christening ng anak ni Doc. Hudson at Abhaya. Sobrang cute ng triplets ng mga ito at tuwang-tuwa siya dahil kinuha silang ninang at ninong ni Azael. 3 years na ang nagdaan pero wala yatang planong bigyan siya ng anak ng hinayupak niyang asawa. Baog kaya 'to si Azael?

Saka naman lumapit si Zyd kasama ang napakaganda nitong asawa na modelo. Minsan naisip niya, magmodelo rin kaya siya? Pero dahil napakahigpit nitong si Azael, baka mukha lang ang makikita sa kaniya sa camera at magazine. Ayaw nga nitong may ibang lalaki titingin sa kaniya.
Over protective pa rin ito! Nagkamustahan ang mga ito at kaniya-kaniyang payabangan kung sinong asawa ang pinakamaganda. Nagsiirapan na lang silang mga asawang nando'n at natatawa.

"Amara!" Ang matinis na boses ni Trinity naman ang kumuha sa kaniyang atensyon.

Natatawang nilapitan niya ito at niyakap. God! Na-miss niya ito. Kung dati sobrang baboy nito, ngayon ay mukhang barbie doll sa kaseksihan. Naniwala na talaga siya sa himala. Kasunod nito ang gwapong ultimate crush nito na ngayon ay boyfriend na. Ang lakas ng gayuma, ah. Mantakin mo at gumana ang gayumang binili nilang dalawa sa Quiapo para pansinin ito ng crush nito. Salamat kay Manang at nang periodic table.

"Azael!" Panabay na tawag ni Cuhen at Farhistt. Mabuti pa ang dalawang ito, walang asawang kasama.

"Ano na? Baog ka yata, eh! Hahah!" ang lakas ng asar ni Cuhen sa kanila.

Napasimangot siya. Kung alam lang ng mga ito na gustong gusto niya ng magkaanak. Naiinggit na siya sa mga ito. Ang bagal-bagal ba naman nitong asawa niya, sa kama lang yata mabilis at halos hindi na siya patulugin.

"Hey, magsisimula na si Father." Si Doc. Hudson ang kumuha ng kanilang atensyon habang karga nito ang isa sa triplets na babae. Napaka-cute na bata, parang siya! Sarap awayin at paiyakin.

Habang nagsasalita si Father sa gitna, daldal nang daldal si Trinidad sa kaniyang tabi at pinakita sa kaniya ang maraming binili nitong pregnancy test. Nagpipigil siyang tumawa habang palihim itong kinurot sa tagiliran.

"Wala kang matris kaya imposible ka mabuntis," mahinang saad niya.

"Ikaw nga may matris pero hindi mabuntis-buntis," natatawang sagot nito nang pabulong.

Pinandilatan niya ito nang mata at kumuha ng dalawang pregnancy test na dala nito at hinamon ang kaibigan na kumuha ng test mamaya sa restroom. Natatawa silang pareho sa kabaliwan kahit alam naman nilang negative iyon pero nag-deal sila. Tumigil lang sila sa pagbubulungan sa likod nung tumingin sa kanila si Father at tumaas ang kilay.

Deritso silang lahat sa mansiyon ng Hayes matapos ang christening ng triplets at saka sila sabay nagpunta ng lukaret niyang kaibigan sa restroom. Humagikhik pa siya habang binaba niya ang kaniyang undies at kumuha ng test.

"I hate it. Arghh! Negative? I thought I am."

Dinig na dinig niya ang boses ni Trinity sa kabilang cubicle. Natawa lang siya dahil alam naman niyang ganun din ang resulta sa kaniya. Ewan, at nakikisabay siya sa utak ng bruhang iyon. Napasigaw siya ng malakas nang makita ang test.

DOMINANT SERIES 3: Ignite (Completed) AZAEL LEGRANDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن